CHAPTER 250: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

543 39 7
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 250: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

3 minutes at 10 seconds na lang ang natitira sa 1st half-2nd quarter, konting minuto na lang ay magtatapos na ang first half. Sa kasalukuyang mga puntos ay laman ang Washington Team kaysa sa Tokyo Team. Si Coach Amerigo, ang Coach ng Washington Team ay kampante siyang lamang ang kanilang Team sa katapusan ng 1st half.

Si Coach Zakusa naman ay inasahan na niya ang ganito. Para sa kanya, di bale na ang first half, ang mahalaga dito ay ang kanilang magiging performance sa 2nd half. Doon sila aatake at babawi.

Ang Washington Team ang huling nakagawa ng puntos kaya ang bola ay mapupunta sa Tokyo Team. Kinuha yun ni Sendoh at pinatalbog.

Nag-isip si Sendoh ng panibagong opensang gagawin dahil nakagawa agad ng mainam na depensa ang Washington Team. Nababangisan siya sa kuponan na ito. Simula pa lang ng laban ay mahusay na mga galaw nito sa court. Maikling minuto na lang ang natitira. Tumatakbo ang oras, kailangang makabawi.

Nagsenyasan ang mga Washington Players at nakikinig sila ng maayos sa instruksyon ng kanilang Vice Captain na si Lucas. Magaan ngunit kontrobersiyal ang pakiramdam ni Sendoh sa kanila hindi katulad nung unang kaharap nila. Lahat malalakas, walang tapon at marami pang reserba.

*PASS!*

Pinasa ni Sendoh ang bola kay Hanamichi. Pagkasalo nito ay mabilis yung dinribol ni Hanamichi palabas ng half court ng Washington Team. Pagkalabas niya ay binounce pass niya ito kay Fujima na nasa loob ng half court ng Tokyo Team.

*PASS!*

Si Fujima ay nasa point guard area at ang mga kasamahan na nakapasok sa depensa ng Washington Team ay sina Maki at Hitotsu. Nang masalo ni Fujima ang bola ay saktong palapit sa kanya si Minami na layuning agawin ang bola.

Pero hindi pinatagal ng ilang segundo ang pagkakahawak sa bola kaya pinasa niya ito kay Hitotsu na nasa small forward area.

Nakita ni Lucas ang pasang iyon kaya binabag niya ang kamay dun pero sa halip na saluhin ni Hitotsu ang palapit na bola sa kanya ay pinalo niya ito para dumirekta kay Maki na nasa rebounding area.

"CAPTAIN!" sigaw nito.

*PAKK!*

"Ang galing mo dun, Kambal!" Cheer ng dalawa nyang kambal na sina Futatsu at Mittsu.

Nasalo ni Maki ang bola at dinakdak agad sa ring.

*DUNKKKKKKKKKKKKK!*

Naghiyawan ang cheering squad ng Tokyo Team na sumusuporta sa kanila sa loob ng gymnasium dahil sa wakas ay nakapuntos muli sila sa tatlong sunod-sunod na puntos ng Washington Team.

Sa Tokyo Team's Bench naman ay nagpalakpakan sila.

"Ang galing ng dunk mo, Captain!" Cheer nila.

"Isa pa, Maki prehh! Lamangan niyo sila!" Cheer ni Kiyota saka tinignan si Coach Zakusa. "Oy Zakusa, kailan mo pa ako palalaruin sa loon? Naaatat na ako! Gusto ko nang kalabanin si Moroboshi o si Sawakita man lang! Pero mas gusto ko talagang labanan si Rukawa!" Naaatat nyang sabi.

Binatukan naman siya nito sa ulo. "Ee kung maghintay ka kaya? Saka na kung magkainjury si Sakuragi o di kaya si Maki." Sagot nito.

Bumusangot naman ang mukha ni Kiyota dahil imposible ang sinasabi niya. "As if naman at magkakainjury ang dalawang yun? Sa sinasabi mong yan para wala akong pag-asa na makapaglaro ngayon."

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon