CHAPTER 245: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

395 31 3
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 245: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Napaisip sina Mitsui at Akagi na magiging interesante ang laban sa pagitan lamang nina Rukawa at Sakuragi.

"Mukhang nagkakainitan na ang dalawa." Mitsui

"Edi mabuti, nang malaman kung sino na ang mas malakas sa kanilang dalawa." Akagi

Hawak muli ng Tokyo Team ang bola. Ngayon, meron nang 12 points ang Washington Team, lamang sila ng dalawang puntos kumpara sa puntos ng Tokyo Team na 8 points. Malapit na ding magtatapos ang 1st quarter ng first half. 12 minutes at 59 seconds na lang.

Hawak ni Hanamichi ang bola, dinribol niya ito ng mabilis hanggang sa nakalabas agad sila ng kasamahan niyang players sa half court ng Washington Team. Habang nag-aabang ng depensa si Rukawa ay hindi niya maiwasan ang mapatingin sa gawi ni Sendoh kung saan masaya itong humarap kay Sawakita.

Gusto niyang itulak si Sawakita para siya na ang haharap kay Rukawa subalit hindi niya magawa dahil nagiging asungot si Hanamichi sa kanya.

"Humanda ka Rukawa!" Biglang sigaw ni Hanamichi habang inoopensa ang bola.

Napasapo na lang ng noo ang kasamahan ni Hanamichi sa court. Bakit niya pa tinawag si Rukawa, pagkakataon niya na sana na makagawa ng tahimik na opensa.

"Gunggong talaga..." Bulong ni Maki.

Nang makapasok ang opensa ni Hanamichi sa court ng Tokyo Team ay sinalubong siya ni Rukawa, agad namang ginawa ni Hanamichi ang spin move at nilipat sa kaliwa ang bola. Nalusutan niya ang depensa ni Rukawa na ikinagulat ng lahat.

"Wow! Ang galing!

Nalusutan niya si Rukawa?"

"Tssk, chamba lang yon." Wika ni Eri.

Nagulat si Rukawa doon, masyadong mabilis ang galaw na yon. Akala niya si Fujima ang gumawa. "Sakuragi..." Sambit niya at agad sinundan si Hanamichi.

Nilapit ni Hanamichi ang bola papasok ng inner court, si Sawakita na sumusunod ang tingin sa kanya ay gusto siya nitong babagan subalit hindi niya pwedeng pabayaan si Sendoh, kundi makadiskarte ito.

"Eto ang genius shot ng Henyo!" Sigaw ni Hanamichi saka tumalon upang e lay-up ang bola.

"As if naman at hahayaan kita." Sagot ni Rukawa sa kanya at tumalon din sabay abot ng bola.

Natigilan si Hanamichi dahil napakabilis ng kamay ni Rukawa, konting lapit na lang at mapapalpal na nito ang bola.

"Matatamaan niya." Fujima

"Si Rukawa..." Maki

*PAKK*

"Teka--- ano?" Natigilan si Rukawa nang iniwas paibaba ni Hanamichi ang bola.

"Ayos, ang galing!" Coach Zakusa

Si Hitotsu naman ay tinakasan si Lucas sa dipensa saka kumaripas ng takbo paalis sa defense area nito. Ginamit naman ni Rukawa ang isa pa niyang kamay para abutin ang bola na nasa ibaba subalit. Binitawan ni Hanamichi ang bola.

"Binitawan niya..." Rukawa

Ngumisi si Hanamichi, saka nilipat ang tingin sa player na nakaback-up sa kanya. Si Hitotsu na tumatakbo palapit sa ilalim ng ring ay mabilis na dinakma ang bola kasabay nito ang pagdakdak sa ring.

*DUNKKKKKKKKKKKK!*

"Ayos, Uno!" Masayang sabi ni Hanamichi.

Pagkababa ni Hitotsu sa sahig ay nag-apiran silang dalawa. "Ang galing ng pasa mo, Sakuragi-Tol!"

Naghiyawan ang Tokyo Audience pati ang nasa bangko dahil sa husay ng tandem ni Hitotsu at Hanamichi. Dahil sa dunk na yan ay nadagdagan ang kanilang puntos, ang kaninang 8 points ay naging 10 points na. 2 points na lang ng hahabulin nila sa Washington Team.

Wala namang sinayang na oras si Rukawa, agad niyang kinuha ang bola saka dinribol paalis ng Tokyo Court. Nagsikilos din ang kanyang mga kasamahan dahil sila na naman ang mamumuno sa opensa. Awtomatikong lumagpas sa division line si Rukawa hanggang sa nakapasok siya ng tuluyan sa court ng Washington Team.

Subalit ay biglang sumulpot sa harapan niya si Sendoh at napalpal ang bola.

*PAKK!*

Ngingiti na sana si Sendoh nang hindi yun natuloy dahil nagawa itong pigilan ni Rukawa, namangha si Sendoh sa kanyang ginawa. Dapat tumilapon na ang bola sa ginawa niya pero hindi niya akalain na malakas ang instinct ni Rukawa para maabot at pigilan yun.

*PAKK!*

Imbes na dakmahin ni Rukawa ang bola nang pinalpal niya ito papunta sa kamay ni Moroboshi na saktong nakatayo sa linya ng tres. Pagkasalo nito ay diretsong tumira bago pa siya aktuhan ni Maki.

"Ang bilis ng tira niya." Maki

*SHOOT!*

Malakas ang naging hiyawan ng Washington Audience Team dahil doon, tres puntos at mas lumaki ang lamang nila sa Tokyo Team.

"Nice pass, Rukawa!" Moroboshi

"Ikaw rin." Tugon nito.

"Ayos! Ang galing! Mahusay! Ganyan nga boys, lampasuhin niyo na ang Tokyo Team hangga't maaga pa." Nakangising bulong ni Eri.

Si Mari naman sa kabilang Coaching Box ay napipikas na sa pagmumukha niya. "Bigwasan kita dyan ee." Bulong niya din.

"Okay, Team! Bawi tayo!" Anunsyo ni Fujima sa kanyang kasamahan.

"Talagang babawi!" Pasigaw na sagot ni Hanamichi.

"Galit ka ba?" Fujima

"Nagsasabi lang!" Sigaw niya ulit.

"Tara na!" Sinimulan na ni Maki ang pagdribol sa bola. Naguguilty siya sa matagumpay na puntos ni Moroboshi. Masyado siyang naging pabaya, kailangan nilang bumawi.

Si Moroboshi naman sa kabilang half court ay ramdam ang tensyon ni Maki. Napaismid siya. "Pasensyahan na lang sa match na'to, Maki. Labas ang pagiging bestfriend natin sa bagay na'to." Wika niya.

Nilapitan ni Sawakita si Rukawa. "Rukawa--- change opponent player tayo."

"Kanina ko pa hinihintay na sabihin mo yan." Sagot ni Rukawa.

"Kung ganun, tara na. Ikaw muna ang bahala kay Sendoh... At sa akin muna si Sakuragi." Assign niya saka tumakbo.

"Tuturuan ko ng leksyon ang Pulang Demonyo na yon." Dagdag pa niya.

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]

YouTube Channel: ANIME VIRALS PH

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon