SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 216: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
7 minutes na lang ang natitira nang ipinasok muli ni Coach Hyunjoo si Kurooshi sa court. Pinalitan nito si Dojun sa line-up. Advantage ngayon ang matangkad na line-up sa katapusan ng laban.
Ngayon, ang line-up na bumuo ngayon sa Seoul Team ay sina Seohoo, Ryeowook, Sunah, Sangwoo at Kurooshi.
Nagkaroon ng kunting lituhan ang Tokyo Team kung sino sa kanila ang magbabantay kina Sunah, Sangwoo at Kurooshi.
Kay Sangwoo at Kurooshi palang ay opponent player ni Hanamichi, napaisip sila na hindi kaya ni Hanamichi na pagsabayin ang dalawang ito.
"Sendoh, bantayan mo si Sangwoo. Kiyota, sayo si Sunah total basag-ulo ka kaya balewala ang bakasakaling tamo na makuha mo sa kanya. At ikaw, Sakuragi..." Turo ni Maki kay Hanamichi. "Sayo si Kurooshi, ikaw lang ang kayang tumapat sa galaw niya. Tsaka hindi ko pwedeng pabayaan si Ryeowook para ibahin ko ang opponent player ko. Jin, igihan mo ang pagbabantay kay Seohoo, tulad mo tumitira din yan sa labas." Assign ni Maki sa kanila.
"Okay!" Sagot nilang lahat.
Muling pumito ang Referee, kailangan na nilang ituloy ang laro.
Ang Tokyo Team ang huling nakagawa ng puntos, kaya ang bola ay hawak ngayon ng Seoul Team. Nagkaroon ng konting usapan ang Seoul Players bago sinimulan ang pagkilos sa opensa.
"Okay, klaro. Kung yan ang makakabuti sa Team." Sabi ni Seohoo kay Kurooshi.
"Areglado!" Sagot naman ng ibang kasamahan nito.
"Okay! Tapusin na natin 'to!" Sinimulan nang patalbugin ni Kurooshi ang bola upang simulan ang opensa.
Hinanda naman ng Tokyo Team ang kanilang depensa. Kunting minuto na lang ang natitira at matatapos na ang laban.
Dalawang kuponan na may kanya-kanya at sariling layunin upang manalo.
Dahas laban sa galing.
Inairpass ni Ryeowook ang bola sa gawi ni Seohoo. Pagkasalo ni Seohoo ay tagumpay at libre siyang nakapasok sa court ng Seoul. Nagpatuloy siya sa pagdribol hanggang sa shooting guard area.
*PAKK!*
Isang suprise interception ang ginawa ni Sendoh sa kanya. Napatingin si Seohoo sa mukha niya dahil sa gulat at nakita niyang seryoso ang mukha nito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makita niya si Sendoh na may seryosong awra na. Ibang-iba ito sa laro niya kanina na chill at pangiti-ngiti lang.
Saka na siya natauhan nang tawagin ni Kurooshi ang kanyang pangalan.
"Captain--- bantayan mo siya." Paalala nito sa kanya.
"O-oo..." Sagot nito saka hinabol si Sendoh.
Mabilis ang pagdidribol ni Sendoh pero mas mabilis parin ang takbo ng dalawang unggoy na sina Hanamichi at Kiyota. Kahit na ng centro na si Kim Sunah ay hindi mahabol ang kanilang bilis.
Naiinis siya, hula niya baka nilihi ang dalawang ito sa kabayo. Nilihi nga ba sa kabayo? Mukha kasing mga unggoy.
Naguguluhan si Sunah sa kanila. Nakakasira sila ng konsentrasiyon.
Mabilis nakarating sa pagdidribol si Sendoh patungong court area ng Tokyo Team. Nakita niyang mas malapit si Hanamichi sa ring kaya tinawag niya ito kasabay ang paghagis sa bola nang napakataas.
"Sakuragi!" Sigaw ni Sendoh.
"Oo, Sendoh!" Sagot ni Hanamichi habang nakasunod ang kanyang tingin sa nakaereng bola.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...