SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 239:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Pagsapit ng tanghali ay nagpaalam muna si Coach Kawarama na umalis kasama ang tatlong Apo nitong mga babae dahil may aasikasuhin sila. At saktong pag-alis nila ay siya namang pagdating sa tinutuluyang hotel ang limang panauhin na sumunod sa Amerika mula sa Japan.
Ang tatlong Seniors ay nakangiti lang habang si Mitsui at Akagi ay normal lang na nakatingin sa kanila habang silang lima ay nakaupo sa balkonahe.
Si Zakusa at Hanamichi naman ay parehong nakaekis ang mga kamay at nakatingin sa kanila.
"Hmm...?" Isa-isa tiningnan ni Zakusa si Yuki, Muzaka at Sakurayashiki.
"C-charaaaan?" Ngumiti si Yuki sabay taas ng kamay.
"Anong charaaan?! Bakit kayo sumunod?!" Tanong sa kanila ni Zakusa at pinagtuturo pa.
"Natural... May pamasahe kami ee!" Sagot ni Muzaka.
Tinignan naman ni Zakusa si Sakurayashiki. "Hindi mo man lang pinigilan? Ee mas matino kapa sa dalawang 'to?"
Sumagot naman si Sakurayashiki habang nakangiti na parang pusa. "Pinilit nila ako ee, tsaka. Nakakamiss kayang mag out of the country."
"Ahh ganun? Ee sinong mga superior ang nandoon ngayon sa Tokyo Campus?" Tanong muli ni Zakusa.
Sumagot ulit si Yuki. "Magiging ayos ang lahat doon, specially sa gymnasium--- nandun sina Reishun, Saiherai at Olivia."
Napairap naman si Jin sa kawalan nang marinig ang sagot niya.
"Wow hah--- Nandito ka nagpapakasarap sa gala samantala yung asawa mo, iniwan mo sa Japan." Sarkastikong tono ni Jin.
Naningkit naman ang mga mata ni Yuki sa sinabi niya. "Hoy, F-Y-I lalake... Hindi ako umalis ng basta nang hindi nagpapaalam sa asawa ko."
"Sigurado ka? Kapag tumawag si Ate Reishun sa'kin at nagsumbong na tumakas ka lang--- lagot ka sa'kin Yuki." Banta ni Zakusa sa kanya.
Ngumisi naman si Yuki. "Hindi yan, bayaw." Sumandal siya sa sofa.
Nalipat naman ang tingin ni Hanamichi kay Mitsui at Akagi na kanina pang tahimik. Suspetya ni Hanamichi, naguguilty ang dalawang 'to.
Lumapit si Hanamichi sa kanila habang nakangisi.
"Tayo naman ang magtuos."
"Anong magtuos? Gusto lang namin pumunta, bakit bawal ba?" Tanong agad ni Mitsui sa kanya.
Agad namang nawala ang ngisi ni Hanamichi. "Ano ba kaseng ginagawa niyo dito?"
"Natural manonood ng laban ng personalan." Natigilan si Hanamichi sa sinagot ni Akagi.
"Kuya..." Sambit ni Haruko.
"Nalaman kase namin na ang susunod na kuponan na inyong makakalaban ay ang kuponan na kasalukuyang kinabibilangan ngayon ni Rukawa. Ang Washington Yellow Fox." Sagot muli ni Akagi.
"Hindi kaya... Nag-aaksaya lang kayo ng pamasahe?" Pag-iiba ni Hanamichi sa usapan.
"Marami akong pera." Sagot agad ni Mitsui.
Napaubo ng peke ang Apat na Ungas pati ang ibang Tokyo Players.
"Sana ol." Bulong ni Sendoh saka sumubo ng ice cream na hawak niya.
Ngumiti na lang si Hanamichi.
"Sos... Kunyare pa kayo Mitchi--- Gori! Gusto niyo lang naman panoorin kung gaano na kagaling ang Henyong Si Hanamichi Sakuragi! Huwag kayong mag-alala, napaka super galing ko na! Pwede na kayong bumalik sa Japan!"
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...