CHAPTER 197:

536 44 8
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 197:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Kinaumagahan...

Pagsapit nang alas syete ng umaga nang makabalik si Hanamichi sa hotel na tinutuluyan nito. Sa kanyang pagdating ay sinalubong siya ng malakas na suntok sa tiyan mula kay Coach Kawarama.

*BLAAAG!*

Parang masusuka ng dugo si Hanamichi sa lakas nun. Napahawak siya sa kanyang tagiliran at mahinang napadaing sa sakit.

Napaatras naman sina Rajak, Jabour, Solevenn, Sylvestre at Cadieux sa ginawa nito. Natatakot sila na baka sila ang isunod dahil sila lang naman ang kasama ni Hanamichi ng magdamag.

Nagtawanan naman ang Apat na Ungas. "BWAHAHAHAHA yari ka ngayon, Hanamichi!" Tukso nila sa kanilang kaibigan.

"C-Coach Lolo naman... Huhuhuhu baket mo ginawa yon? Anong kasalanan ko?" Naiiyak na tanong ni Hanamichi sa sakit.

Pero tiningnan lang siya ng masama nito habang nakataas ang umuusok na kamao. "Nagtatanong ka pang bata ka. Hindi mo man lang sinabi sa akin na magdamagan kang mag-eensayo! Hindi ka man lang nag text para atleast malaman ko at hindi ako iinsomniahin sa kakaisip sayo!" Sermon nito sa kanyang Apo.

Samantala si Hanamichi ay namimilipit parin sa sakit. "Sori na po, Coach Lolo. Nakalimutan ko kase."

Nagsalita naman si Rajak na nakatayo sa likuran ni Hanamichi. "Ako na po ang humihingi ng despensa, Coach Sakuragi. I am very sorry, if we made your worry sa Apo niyo. Hindi niya kase sinabi na may dala siyang phone. Saka pa namin yun nalaman kaninang alas kwatro." Rason nito kay Coach Kawarama.

Napapikit na lang si Hanamichi sa katangahan niya.

Bumuntong hininga na lamang si Coach Kawarama at pinatawad ang Apo. "Oh bueno. Maupo na kana para makapag-umagahan ka--- kayong lima..." Turo niya kina Rajak at sa iba pa. "Saluhan niyo na ang Apo ko, total tapos na rin kaming kumain. Mabuti nang may kasama siya." Sabi niya dito.

Biglang ngumiti ng peke si Rajak. "Nako po, Coach. Huwag na po, nakakahiya naman. May malapit naman sa resto dito pwede naman na doon na lang kami---" hindi natapos ang sasabihin nito nang nakatingin ng masama si Coach Kawarama sa kanya.

"Wawww mukhang masarap yong pagkain sa mesa ah? Salamat po sa pag-alok, Coach Sakuragi. Really appreciated." Pilit ngiting sabi nito at ganun din ang kasamahan niya.

Dahil sa takot ay napilitang pumayag ang iba. Mahirap na at baka sila ang susunod na suntukin ng Lolo ni Hanamichi.

Umupo na silang anim sa hapag kainan kung saan nakahanda na ang mga pagkain.

***

Paglipas ng tatlumpong minuto ay natapos na sila. Ang limang panauhin ay magalang na nagpaalam kay Coach Kawarama at Zakusa.

"Maraming salamat po sa pagkain, Coach Sakuragi. Ingat po kayo sa byahe niyo." Sabi Rajak sa kanila habang nakayuko.

Yumuko din ang apat nitong kasamahan. "Maraming salamat po."

"See you again, Sakuragi." Nakaismid na sabi ni Caideux sa kanya.

"Good luck sa laban niyo sa remain rounds." Sabi din Jabour.

"Suportado kayo ng Paris Team, Tokyo Team." Sabi ni Solevenn sa kanila.

"Salamat." Sagot ni Zakusa.

"Try naming makapunta sa Amerika, atleast makakapanood kami ng actual match niyo." Nakangiting sabi ni Sylvestre.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon