CHAPTER 256: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

439 38 7
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 256: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Sa 15 minutes at 46 seconds sa 2nd half - 3rd quarter ay muling naging tabla ang mga puntos ng parehong kuponan. Maraming oras ang nagamit subalit napakakunti ng puntos na nasungkit dahil sa parehong malakas at matibay na opensa at depensa.

Parehong may tigti-31 points, ang ibang manonood ay nalilito kung aling kuponan ang posibleng mananalo sa labang ito gayong halos magkapantay lamang ang mga abilidad ng bawat miyembro.

Si Hanamichi ay sinundan ang gawi ni Rukawa na kasalukuyang patungo sa court ng Washington Team. Pero dahil wala siyang bolang hawak ay agad siyang nakarating dito para maabangan si Rukawa.

"Bumibilis siya..." Bulong ni Rukawa habang nagdidribol.

"Kaya niyo yan, lamangan niyo sila ulit!" Cheer sa kanila ni Moroboshi habang nasa bangko.

"Pigilan sila. Huwag niyo silang hayaan na makapuntos ulit!" Sigaw ni Coach Zakusa.

Si Hanamichi ay nakatayo sa power forward area. Si Kiyota ay nasa Small forward samantala si Hitotsu ay nasa ilalim ng ring. Habang ang dalawang kambal nito na sina Futatsu at Mittsu ay nakaabang sa bola at sa mga unexpected pass ng kalaban.

Habang dinidribol ni Rukawa ang bola ay pinasa niya ito kay Maxwell, malapit ito sa shooting guard area at nag-iisa pa.

*PASS!*

Pero isang bitag ang nangyari dahil agad nagpakita si Futatsu sa gawing yun kaya hindi makatira si Maxwell. Pinasa niya ang bola kay Laxamana na nasa rebounding area. Agad itong nagjumpshot.

*PAKK!*

Tinamaan ni Mittsu ang bola.

"Ayos!" Bulong ni Hanamichi.

Ang bola ay napunta sa gilid. Pero agad yung nadakma ni Lucas. Pagkakuha niya sa bola ay dinribol niya ito palapit sa ring saan nandoon nagbantay si Hitotsu. 4th year player mula sa Washington Team laban sa 1st year player ng Tokyo Team.

Tumalon si Lucas para magdunk.

*PAKK!*

Napalpal siya ni Hitotsu.

"Ang galing, nababagan niya!!" Sigaw ng mga bench players ng Tokyo Team.

Nagulat si Lucas doon pati na rin ang kanyang myembro. Napalpal siya ng hamak na 1st year. Hindi siya makapaniwala, kung ganun ay hindi ordinaryong centro ang kaharap niyang first year. Nakikita niyang dalubhasa ito pagdating sa malalakas na kalaban.

Ang bolang tumalbog mula sa pagkakapalpal ni Hitotsu ay nakuha muli ni Rukawa at walang pasabing nag Fade Away Shot.

"Tssk... Fade away pa talaga." Tumalon ulit si Hitotsu na saktong maabot ang bola at mapigilan ito.

*PAKK!*

Nagulat ang lahat nang mapalpal parin yun ni Hanamichi.

"Ano!" Napatingin si Rukawa sa gumawa nun at nakita niya si Hanamichi na nakangisi sa likuran niya.

"Masyado nang tumitigas ang mukha mo, Rukawa. Huwag mo'kong mamaliitin." Ngising wika ni Hanamichi.

"Bwisit na Sakuragi na'to... Ang dali niyang napalpal si Rukawa." Bulong ni Coach Amerigo.

Ngumisi ang dalawang kambal ni Hitotsu na sina Futatsu at Mittsu. "Wag niyong maliitin yan mga, Tol. Hindi magiging Devil Ace yan nang walang dahilan." Wika nila.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon