CHAPTER 260: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

382 30 1
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 260: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

7 minutes na lang ang natitira at magtatapos na ang laban, kasalukuyang lamang ng tatlong puntos ang kuponan ng Tokyo Team kumpara sa Washington. Paikli ng paikli ang oras at mas nagiging tensyunado at dikit ang laban.

Si Sawakita ang may hawak ng bola, pinatalbog niya ito at sinimulan na ang kanilang opensa.

"Tayo na Team!" Sigaw ni Sawakita.

Habang nagdidribol si Sawakita natigilan siya dahil ibang player ang nagbantay sa kanya.

"Fujima..." sambit niya.

"Di ka makakalusot sakin." Fujima

Mabilis na ipinasa ni Sawakita ang bola kay Rukawa.

"Nice pass, kalbo." Sabi ni Rukawa at nagpatuloy sa opensa pero hinarangan siya ni Hanamichi.

"Hmmm..." Rukawa

"Anong problema, Rukawa?" Nakangising tanong ni Hanamichi.

"Gunggong." Tangin sabi ni Rukawa at pinasa patalikod ang bola kay Moroboshi.

Pero hindi yun agad natanggap ni Moroboshi dahil mabilis na nakarating sa likuran ni Rukawa si Sendoh at nakuha ang bola.

*PAKK!*

"Sendoh!" Rukawa

"Masyadong mabagal ang Offensive Treat niyo." Nakaismid na sabi ni Sendoh habang nagdidribol papunta sa area ng Tokyo court.

Habang nasa middle court, naglakad muna siya habang nagdidribol at itinaas ang hintuturo nito... "OKAY TEAM! GAWIN NA NATIN!"

"Ang ano daw?" Sawakita

"Maki!" Sigaw ni Sendoh at mabilis na ipinasa ang bola.

*PASS!*

Natanggap yun ni Maki ang bola mula sa Shooting Guard Area. Pumwesto ito para sa jumpshot pero dumating agad si Micheal para i-block. Ngunit nagulat ito dahil hindi tumalon si Maki sa halip ngumisi ito at ipinasa ang bola sa bakanteng Player na si Hanamichi.

*PASS!*

"WHAT!" Micheal

Nagdribol ng mabilis si Hanamichi at si Maki naman tumakbo ng mabilis papunta sa kinaroroonan ni Minami na mag-isang nakatayo sa ilalim ng ring.

Nagdadalawang isip si Minami kung sino ang babantayan niya sa dalawa, si Hanamichi ba o si Maki na parehong tumatakbo papalapit sa kanya.

"SALO, LOLO!" Sigaw ni Hanamichi at ipinasa niya pabalik kay Maki ang bola.

*PASS!*

Pagkasalo nito tumalon ng mataas si Maki para sa gagawing jumpshot agad naman siyang tinapatan ni Minami, pero nagulat siya nang ipinasa din ito pabalik ni Maki kay Hanamichi na tumalon din ng mataas kasabay niya.

"Teka, ano!" Gulat na sabi ni Minami.

"Patibong lodsss..." Napangisi si Hanamichi.

Pagtanggap ni Hanamichi sa bola, shinoot niya ito gamit ang isang malakas na dunk.

*DUNKKKKKKKKKKK!*

"AYOS!" Sigaw ni Hanamichi. "Galing ng pasa mo Lolo!" Masayang sabi ni Hanamichi at nag-apiran ang dalawa.

"Ayos! Dagdag puntos na naman, ang galing ng duo ni Maki at Sakuragi! Ang husay!" Tuwang sabi ni Hanagata habang pumalakpak.

Sa 7 minutes ay meron nang 44 points ang Tokyo Team, habang sa Washington Team ay nanatiling 39 points parin.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon