CHAPTER 205: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)

585 49 10
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 205: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

"Ano bang nangyayare sa inyo? Ang ganda ng laro niyo laban sa Lithuania tapos ngayon... Ano? Tulog ba kayo o lasing?" tanong ni Coach Hyunjoo sa kanila.

"Chill lang, Coach. Masyado pang maaga para seryosohin sila." Sagot ni Seohoo.

"Atsaka, inoobserbahan pa namin ang mga galaw nila." Ryeowook

"Mainam nang pag-aralan muna namin ang kanilang estilo ng laro. Hindi ordinaryong Team ang Tokyo. Wala tayong data sa kanila kaya ibabalato muna namin ang ibang oras." Sabi din ni Kurooshi.

Natahimik ng ilang segundo si Coach Hyunjoo.

"Alam kong aware kayo sa mangayayaring laban niyo pero hindi ko akalain na sa ganitong paraan kayo..." nagplano si Coach Hyunjoo ng magiging taktika nila para mas lalong mapag-aralan ang galaw ng Tokyo Team.

Pagkatapos ng time-out ay bumalik na sila.

"Galingan niyo Team!" sigaw ni Mari at Haruko sa kanila.

"Oo!" sagot naman nina Hanamichi.

Pumunta na silang lahat pabalik sa court. Hawak ng Seoul Team ang bola. Pumwesto ang mga Tokyo Players para sa depensa nila.

"Ano kayang binabalak ng, Coach nila?" Tanong ni Hanamichi sa kanyang isipan.

(Pumito...)

Pagkapito ay agad na nagdribol si Dojun. Sinalubong siya ng depensa ni Fujima kaya pinasa niya ang bola kay Seohoo. Nagdribol si Seohoo papasok sa half court ng Seoul, akmang papalpalin ni Sendoh ang bola ng ipasa niya ito kay Sunah.

Pagkasalo ni Sunah sa bola na nasa loob malapit sa shooting guard area ay magjujumpshot sana ito ng sumulpot si Hanagata sa harapan niya...

Kaya habang nasa ere ay ipinasa niya ang bola kay Ryeowook na nasa 50 degree sa kanan.

Natanggap yun ni Ryeowook, magsoshoot na sana ito nang pinalibutan siya ng tatlong player na sina Maki, Fujima at Sendoh.

"HALA TIGNAN NIYO! GRABE!

NAKO! HINDI SIYA MAKAARTE DYAN!"

*PAKK!*

Nakuha ni Sendoh ang bola.

"Bilis!" Siyaw ni Sendoh saka inagaw ang opensa ang kalaban. Hinagis niya ang bola kay Hanagata.

Pagkasalo ni Hanagata pinollow-up naman kay Hanamichi.

*PASS!*

"Okay! Ngayon, ang henyong poging si Hanamichi naman ang---" biglang natigil si Hanamichi nang manakaw ni Kurooshi ang bolang dinribol niya. "WhaaaAaaaAAaAAh paaano---"

"Kami naman." Tanging sagot ni Kurooshi na saktong padating sa shooting guard area ng Seoul Team. Nang makarating ay nakagawa ito ng isang 3 point jumpshot.

*SHOOT!*

"AYOOOOOOOS!" Naghiyawan ang kanilang taga suporta. "MAY 8 POINTS NA TAYO! HABOL PA SEOUL!"

Tiningnan ni Kurooshi ang time board. May 11 minutes at 30 seconds na lang ang 1st half. Isang minuto at tatlumpong segundo na lang ang natitira para matapos ang 1st quarter.

Ang nasa isip ni Kurooshi nang makita iyon ay hindi na mahalaga. Hindi na mahalaga kung lamang ang Tokyo Team sa unang quarter pero sinisiguro niya na sila ang mananalo.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon