SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 204: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Nakalipas ang apat na minuto nakascore agad ang Team ng Tokyo ng 10 points samantala sa Seoul Team ay 2 points pa. Ang Tokyo Team ang huling nakagawa puntos kaya nasa Seoul Team ang bola.
Sa pagkakataong hawak ng Seoul Team ang bola ay umatake sila sa kanilang opensa at tagumpay silang nakapuntos ng tres dahil kay Seohoo. Pagkatapos nun ay napunta na sa Tokyo Team ang bola para sila naman ang gagawa ng opensa.
Si Fujima ang may hawak sa bola at nagdribol palabas ng inner court ng Seoul Team. Dahil sa bilis at liksi nya at agad siyang binantayan ng tatlong player ng Seoul Team.
Napaismid si Fujima dahil malaking kamalian ang pag corner ng tatlong player sa kanya na sina Dojun, Ryeowook at Seohoo.
"Seryoso? Tatlo kayong babantay sakin?" sabi ni Fujima sa kanila.
"Ikaw ang passer ng team niyo. Dapat kang bantay sarado." Sagot at umatake si Dojun para subukan ang agawin ang bola.
Pero dinribol agad ni Fujima ang bola pailalim kaya di naagaw ni Dojun.
Mabilis na lumipat ng pwesto si Fujima saka nagdribol ng patakbo. Pagkarating nya ulit sa middle court malapit sa area nila at pinasa niya ang bola kay Sendoh pero unang nakuha yun ni Kurooshi.
*PAKK!*
Pagkakuha ni Kurooshi sa bola at akmang magdidribol na, ay nagulat siya ng makita niya si Hanamichi na nasa ilalim ang kamay na nakahawak rin sa bola.
*PAKK!*
"Ayos, Sakuragi!" nakangising wika ni Sendoh at kinuha ang bola saka nagdribol papalapit sa ring ng Tokyo Team.
Nandun si Sunah at Hanagata sa ilalim ng ring at nagpupwersahan.
"Hindi kayo makakapuntos ulit..." diing sabi ni Sunah habang nakikipagtulakan.
"Salo!"
Napatingin si Hanagata sa bola na ipinasa ni Sendoh sa kanya. Nasalo niya ito. Papalpalin sana yun ni Sunah pero ibinalik niya agad ang bola kay Sendoh.
"Lahh binalik? " maktol ni Sendoh dahil agad bumalik sa kanya ang bola.
"hindi ko kayo makakapuntos." Sunah.
Si Kim Sun Ah ay isang 4th year center na may tangkad na 212 centimeters, kasing tangkad ni Zakusa. Isa din siya sa maituturing na pinakamalakas na centro sa South Korea College Matches.
Napatingin si Sendoh kay Hanamichi na patakbo papunta sa small forward area kaya ipinasa niya ito. Pagkasalo nun ni Hanamichi mabilis namang nakasunod si Kurooshi sa kanya.
"Wala yan, boi." Kurooshi
"Ang baho ng bibig mo!" Iritang wika ni Sakuragi kaya ipinasa niya pabalik kay Sendoh ang bola.
"Binalik ulit? Problema niyo?" Banas na tanong ni Sendoh sa kanila.
"Ikaw na ang bahala, Sendoh!" Sigaw pa ni Hanamichi.
Sa saktong pagdating ni Sendoh sa left area ng 3 point line ay nagjumpshot agad ito.
*SHOOT!*
"AYOOOOOOS!
TRES YUN AH?
PUNTOS NA NAMAN!" sigawan ng mga tao.
Napapalakpak naman sina Rukawa. "Mahusay kayo."
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...