SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 263: TOKYO vs. WASHINGTON (America) END GAME
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Eksaktong isang minuto na lang ang natitira at lamang parin ng isang punto ang kalabang kuponan ng Tokyo Team. Ginagawa nila ang lahat para mahabol at malamangan ang mga ito. Agad naman tumayo si Rukawa mula sa pagkakaupo sa sahig dahil kay Hanamichi.
Harap-harapan siyang pinabagsak ni Hanamichi kung kaya ay hindi na niya hahayaan na maulit pa muli.
Aminado naman si Rukawa na maaari ngang lamang na lamang si Hanamichi Sakuragi pagdating sa pwersahan at sa pabilisan kumpara sa kanya. Pero para kay Rukawa, ang husay at galing parin sa paglalaro ang totoong magaling.
Hindi niya kayang ilarawan na matatalo siya ni Hanamichi sa laban na'to.
Ang bola ay hawak ngayon ng Washington Team. Sinimulan yong patalbugin ni Minami para simulan ang opensa.
(Bouncing...)
Wala nang oras na sinasayang ang parehong kuponan. Paikli na ng paikli ang oras at magtatapos na ang laban.
Dinribol ni Minami ang bola patungo sa half court ng Washington Team. Tiningnan niya ang gawi ni Rukawa, nahuli naman nito ang kanyang tingin. Sinenyasan niya ito.
Kahit nagdadalawang isip si Rukawa ay tumango na lang siya. Dahil walang ibang player ang makakapigil kay Hanamichi kundi siya lamang. Sa kanya umaasa ang kanyang kasamahan pagdating sa ilalim ng ring.
Tatlong player ang nakatayo sa ilalim. Si Hanamichi, Sendoh at Jin. 2-3 high low defense ang hinandang depensa ng Tokyo Team sa kanila. Samantala si Rukawa ay hindi na ininda ang mga nakaharang.
Gagamitin na niya ang kanyang bilis para wasakin ang kanilang depensa dahil hindi niya iyon magagawa sa pamamagitan ng lakas hangga't nandyan si Hanamichi sa kanyang harapan.
Agad sumulong si Rukawa sa gawi nila. Napansin naman ng tatlo na patungo si Rukawa sa kanilang kinaroroonan.
"Maghanda kayo, palapit dito si Rukawa!" Wika ni Sendoh sa kanila.
"Pwehhh, ako nang bahala dyan!" Presenta ni Hanamichi saka lumipat sa harapan. Subalit, laking gulat nila nang...
"Ano?!" Nagulat silang tatlo nang bigla ding sumulpot sa parehong tabi ni Rukawa sina Micheal at Sawakita.
"Hindi pwedeng hindi namin sasamahan si Rukawa." Nakangiting batid ni Micheal.
Agad namang dumating si Maki sa tatlo at pinalitan si Jin. "Jin, palit tayo!" Wika nito at walang alinlangang sumunod si Jin sa plano.
Ngayon, ang inner court ay nagkaroon ng tulakan sa pagitan ng tatlo laban sa tatlo.
At tumuntong na sa segundo ang oras.
30 seconds na lang.
Mas lalong nag lalakasan ang mga hiyawan ng mga manonood sa loob ng standium. Hinihiyaw ang pangalan ng dalawanv kuponan.
Tokyo!
Tokyo!
At...
Washington!
Washington!
Dalawang kuponan na maituturing na kapantay sa lakas at galing sa laro. Ngunit, kailangan mahirang kung aling kuponan ang pinakamalakas.
Kung ang Numero unong kuponan nga ba ng bansang America na American Yellow Fox o ang Numero unong kuponan ng bansang Japan na Tokyo Black Samuraiz?
Nagtutulakan sila mula sa rebounding area.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...