CHAPTER 257: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

537 42 12
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 257: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Ipinasok na nga sa court ang tatlong kabilang sa Primary Players ng Washington Team na sina Moroboshi, Minami at Micheal, pinalitan nila ang tatlong mga foreigner players. Kaya sa line-up nila ngayon ay naging J-Line up o Japanese Line-up ng Washington Team.

Sa gilid ay napalunok si Hanamichi nang makita niya ang kasalukuyang line-up ng Washington Team. Siguradong mas mapapasubo na siya dito. Hindi niya alam kung makakaya nila ang mga ito.

Lalo na ang Team Captain nitong NBA Ex-Recruited na si Micheal Okita.

Ang pangunahing beses sa Intercollegiate Matches na nagsama sa isang line-up ang limang may dugong hapon ay tinuturing na Prime Line-Up dahil sa napakapambihira ng kakayahan ng bawat isa at may sarili mga titulo.

Ang Prime Line-Up na makakaharap na ngayon ni Hanamichi.

"Nagsama na ang mga loko." Bulong na wika niya.

Ang bola ay hawak ng Washington Team, dahil ang Tokyo Team ang huling nakagawa ng puntos ay sila ang depensiba.

"Nalagot na..." Napatayo si Coach Zakusa sa kanyang kinauupuan. "Babagan niyo at pigilan sila hangga't maaari!" Sigaw niya.

"Oo, alam namin!" Sagot ni Hanamichi.

"Hindi ko na mailarawan ang maaaring mangyari sa'tin--- haiisshhh, bahala na prehh!" Naguguluhang wika ni Kiyota saka sinimulan ang pagdepensa.

"Let's go, Team!" Nakangiting sabi ni Micheal sa kanyang kasamahan.

"Okay!" Sagot nila.

Sinimulan ni Moroboshi ang opensa, dinribol niya ito palabas ng court ng Tokyo Team. Sa gawi ng center circle ay nakatayo ang kanyang depensiba na si Mittsu. Dahil mas maliit si Moroboshi sa kanya ay sinamantala nito ang tangkad nito. Ginamit ni Moroboshi ang kanyang kabilisan at mailap na ball handling skills na siyang napagtagumpayan niyang lumagpas sa depensang ginawa ni Mittsu.

Hindi makapaniwala si Mittsu doon, masyado siyang mabilis. Ni hindi niya nahagilap ng maayos lalo na ang pag galaw ng mga kamay nito.

"Ang bilis niya!" Mittsu

Ang bolang hawak ni Moroboshi ay agad niyang pinasa kay Minami.

*PASS!*

Pero bago paman makalapit ng tuluyan ang bola sa kanya ay biglang sumulpot ang kamay ni Hanamichi at nadakma nito ang bola.

*PAKK!*

"Huli ka." Hanamichi

"Ayos, ang galing!" Salita ni Maki mula sa bangko.

Nang makuha ni Hanamichi ang bola ay dinribol niya ito agad patungo sa court ng Tokyo Team. Nang makalampas siya sa division line ay dumaan si Micheal sa kanya na parang wala lang.

Nagtaka si Hanamichi doon dahil dumaan lang si Micheal sa kanya at hindi siya dinepensahan.

"Problema nun?" Magpapatuloy na siya sa kanyang opensa nang maramdaman niya ang kanyang kamay na tila walang nahawakan. Kaya agad siyang napatingin doon. "Teka--- ano?!" Biglang napalingon si Hanamichi sa likod siya kung saan nandoon ang gawi ni Micheal.

Pero sakto na itong palapit sa ring ng Washington Team.

Akmang susundan niya nang bigla ding dumating si Rukawa kanyang harapan para babagan siya.

"Tumabi ka dyan, Rukawa!" Hanamichi

Napaismid naman ito. "Akala ko ba ako ang haharapin mo?" Natigilan si Hanamichi sa kanyang tanong.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon