CHAPTER 247: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

428 38 4
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 247: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nagsimula nang magyari ang hindi inasahan ni Hanamichi, ang pagtangkang pang frame nina Sawakita at Lucas sa kanya para ma foul. Ngunit, dala ng karanasan ni Hanamichi sa nakaraang laban ay nabasa at nalaman niya ang mga ito kung kaya ay nabigo ito na ma frame siya.

Nakadepensa ngayon ang Tokyo Players sa opensa ng Washington Team. Hawak muli ni Moroboshi ang bola, habang dinidribol niya hindi maalis sa kanyang isip ang pagbabago ng estilo ni Maki.

"Depensa lang Team, isang punto na lang ang lamang nila sa atin. Huwag na nating palakihin yon." Wika ni Maki sa kanila.

"Sa ganitong kalagayan natin, Maki... Mahirap mangako." Sagot ni Sendoh na may simpleng ngiti. "Pero, syempre--- gagawin natin ang lahat para matapatan ang mga 'to."

"Hindi tayo magpapalampaso sa kanila. Kahit mga NBA Recruited pa sila." Fujima

"Tama ka, Fujiboo! Dahil ang Henyo na poging si Hanamichi Sakuragi lang ang makakagawa nun, lalong-lalo na sa mayabang na si Rukawa!" Singit ni Hanamichi sa kanila.

"Malalaman..." Hitotsu

7 minutes at 54 seconds pang natitira sa first half ang lahat ng players sa loob ay nagiging alerto na dahil malapit na ang katapusan ng unang set. Pagkapasok ni Moroboshi sa court ng Washington Team ay binabagan siya ni Maki na nay intensyong agawin ang bola.

Ngunit agad nakaiwas si Moroboshi doon at mabilis na ipinasa ang bola kay Minami na tumatakbo patungong 3 point area ng kanilang court.

*PASS!*

Pagkasalo ni Minami ay tumira ito.

*SHOOT!*

Subalit ay biglang sumulpot ang isang kamay ni Fujima at natamaan ang bola gamit ang dulo ng mga daliri nito.

*PAKK!*

"Anong---" Minami

Napangisi si Fujima. "SAKURAGI!" sigaw niya.

"Oo, Fujiboo!" Tumatakbong sagot ni Hanamichi.

Naalerto naman si Lucas doon, ang bilis ng kilos ni Hanamichi. Kahit anong oras ay makukuha nya nag bolang palapit sa ring at ang rebound.

"I won't let you---" hindi natuloy ang balak ni Lucas nang harangan siya ng nakangising si Hitotsu.

"Stay there buddy." Nakadepensang wika ni Hitotsu.

Hindi naman makakilos si Lucas sa kanya, medyo nakukulitan na siya sa Centrong First Year na'to.

Samantala si Sawakita at Rukawa naman, kahit wala sa plano ay naging isa ang kanilang isip. Pipigilan nila si Hanamichi. Ang bola ay palapit na sa ring at saktong tatama na.

"Heto na ako!" Sigaw ni Hanamichi at akmang tatalon na siya nang bigla siyang sabay na binabagan ni Rukawa at Sawakita.

Nagulat ang mga manonood doon.

"Teka--- ano?" Napatayo si Mitsui.

Nagtinginan naman si Rukawa at Sawakita na may tingin na 'Anong ginagawa mo?'. Matalim silang nagtinginan hanggang sa binalikan nila ng atensyon si Hanamichi. Pero laking bigla nila nang wala na ito sa harapan nila.

"Ano!" Rukawa/Sawakita

"Teka--- nasaan na siya?" Hinanap ni Sawakita si Hanamichi pero nakita na lamang nila ito na...

"ANG BILIS NI SAKURAGI!" Audience

*PAKKK!*

"SAKIN KAYO MAG PUKOS MGA GUNGGONG!" nakangising sabi ni Hanamichi sa kanila habang matagumpay na nakuha ang rebound. Natigilan silang dalawa sa sobrang gulat.

"Ang bilis niyang nakarating dyan." Sawakita

"Ang gunggong na'to..." Rukawa

Hindi paman bumaba sa sahig si Hanamichi nang ihagis niya ang bola na may pwersa patungo sa kabilang court.

"SALO!... SENDOH!"

*PASS!*

"Grabe! Yung pwersa!

Hala! Tignan niyo yung isa!

Yung Sendoh number 7! Nasa kabilang court na agad!" Saad ng mga manonood.

Si Sendoh naman ay nakatutok lang sa bola, sinundan niya ang gawi nito habang papasok ito sa court ng Tokyo Team. Nang makuha niya ang tyempo ay tumalon siya.

"Ang galing ng tyempo mo, Sakuragi." Nakangiting wika ni Sendoh at nang makababa siya sa sahig ay saktong nakaapak ito sa linya ng tres.

Napahiyaw ang mga manonood sa ganda ng pwesto niya. Hindi na pinatagal ni Sendoh ang pagkakataon at tumira.

*SHOOT!*

"Ayos!" Nakayukom na sabi ni Sendoh nang  tagumpay na pumasok ang kanyang tira.

Muli na namang naghiyawan ang mga manonood dahil ito na ang tatlong beses na sunod-sunod na nakashoot ang Tokyo Team.

"ANG HUSAY! BUMABANGIS NA ANG LABAN!

LAMANG NA ANG TOKYO TEAM!

LAMANG NA SILA NG DALAWANG PUNTOS!"

Nag-apiran naman si Sendoh at Hanamichi para sa kanilang tandem. "Ayos!" *apir*

Napapalakpak naman si Coach Zakusa sa kasalukuyang puntos nila. Meron nang 17 points ang Tokyo Team habang sa Washington Team naman ay 15.

"Mahusay, ipagpatuloy niyo lang... Hindi porket mga Standard Players sila ay madadali nila tayo." Wika niya.

Samantala si Sawakita at Rukawa naman ay naiinis sa mga sarili nila. Nadistract sila pareho dahil hindi nila inasahan na sabay nilang babantayan si Hanamichi habang si Sendoh naman ay napabayaan.

"Maging klaro nga tayo, Rukawa. Sino ba talaga ang babantayan mo? Akala ko ba si Sendoh pero bigla ka nalang bumababag kay Sakuragi?" May halong inis na tanong ni Sawakita sa kanya.

Hindi rin maintindihan ni Rukawa ang sarili niya. Gustong-gusto niyang bantayan si Sendoh dahil tinuturing niya ito bilang matinding karibal. Pero ang pinipili ng kanyang katawan na bantayan ay si Sakuragi.

"Maniwala ka sa'kin... Si Sendoh na ang babantayan ko." Sagot ni Rukawa. "Si Sendoh muna ang uunahin ko. Kapag kay Sakuragi na... Magiging ibang usapan na." dagdag pa niya.

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]

YouTube Channel: ANIME VIRALS PH

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon