CHAPTER 255: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

477 37 4
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 255: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nang masabi ni Hanamichi na magtutuos sila ay agad itong tumakbo kasama ang iba pa paatras hanggang division line para abangan ang opensa ng Washington Team. Hawak ni Rukawa ang bola at pinatalbog ito.

*PASS!*

Nasalo ni Sawakita ang bola nang ipasa ito ni Lucas sa kanya. Pagkatanggap niya ay mabilis niya itong idinribol palayo ng rebounding area hanggang sa nakalagpas siya sa free throw area ng Tokyo Team half court.

Sa pwesto niyang iyon ay nakita niya sina Maxwell at Laxamana, pero ang mas nauna sa kanila na pumasok sa Washington team half court ay ang team captain nilang si Lucas.

Binounce pass ni Sawakita ang bola sa gawi ni Rukawa pabalik. Pagkasalo nito ay mabilis itong dinribol patungong power forward area. Samantala si Hanamichi ay hindi makakapayag na makalibre ang isang ito.

Agad siyang tumungo sa gawi ni Rukawa para babagan ng balak nito.

Sa ilalim ng ring ay parehong nakatayo sina Futatsu at Mittsu habang sa labas naman ay sina Lucas at Hitotsu. Ang bola hawak ni Rukawa ay agad iniwas kay Hanamichi nang makarating ito sa kanyang harapan.

Nakita niya si Maxwell na nasa gawi pala ng outer area ahead of power forward part. Chinest pass nito ang bola sa kanyang likuran kung saan nadoon ang pwesto ni Maxwell dahilan para mabigo si Hanamichi na abutin yun.

Sa saktong pagsalo ni Maxwell ay agad itong nagpose sa 3-point area. Pero nasa kanyang harapan si Futatsu na nakataas ang mga kamay.

Nakadepensa ito at determinadong hindi palulusutin ang matagumpay niyang tira. Kaya hindi makatira si Maxwell sa pwesto niya. Nilipat niya ang bola sa kanyang kanang kamay at inoverhead pass niya kay Lucas na kasalukuyang nasa ilalim ng ring.

*PASS!*

Nakatingin si Hitotsu sa bola at handa na siyang abutin ito.

Pero...

*PAKK!*

*DUNKKKKKKKKKKK!!!*

Nagulat si Hitotsu sa mala kidlat na Alley Hoop ni Rukawa. Yung tipong kumurap lang siya pero naidakdak na ang bola. Natigilan siya.

Muling naghiyawan ang taga suporta ng Washington Team.

Ang bolang dinakdak ni Rukawa sa ring ay agad dinampot ni Hanamichi at pinatalbog ito. Isa-isa niyang tiningnan ang kanyang mga kasamahan.

Nakipagkumunikar siya kay Kiyota gamit ang mga tingin ito. Hindi maintindihan ni Kiyota ang kanyang nais ipahiwatig pero tumango na lang ito kahit hindi sigurado sa planong naiisip. Basta na lang na tumango.

*PASS!*

Pinasa ni Hanamichi ng bola sa kanya saka agad itong tumakbo ng mabilis. Sinabayan ni Hitotsu at Futatsu ang bilis ni Hanamichi upang makalabas agad ng half court ng Washington Team.

Nang nang makapasok si Hanamichi sa Tokyo Team half court ay sinalubong siya ni Rukawa pero iniwasan niya lang iyon gamit ang spin move at zigzag footwork na aabot lang ng tatlong beses. Muntik nang mabumba si Rukawa sa ginawa niya. Ang akala ni Rukawa ay madudulas si Hanamichi ngunit nagkamali siya.

Dahil sa akala niyang iyon ay tagumpay na nakalusot si Hanamichi sa kanya at nakapasok ito sa rebounding area kung saan nandoon si Lucas nakatayo at handa siyang harapin.

Maingat si Kiyota sa kanyang opensa habang nakababag sa kanya si Laxamana. Nagawa niyang lusutan ito pero si Sawakita naman ang pumalit. Pagkapasok ni Kiyota sa inner courr ay inunderneath pass niya ang bola mula sa pagitan ng mga binti ni Sawakita na ikinagulat ng mga manonood.

"TEKA ANO YUN?

ANG BILIS!

PINADAAN NYA ANG BOLA SA ILALIM NI EIJI!"

Ang bola ay patungo sa mismong mga kamay ni Hanamichi at tagumpay itong nasalo. Naalarma ang ibang player ng Washington Team dahil siguradong pupuntos ito.

Agad tumakbo sa ilalim ng ring si Rukawa para babagan din si Hanamichi na siya namang ikinataka ng manonood. Bakit?

Bakit si Rukawa at Lucas ang sasalubong kay Hanamichi sa ilalim ng ring?

Patuloy parin sa pagdidribol si Hanamichi at siya'y tumalon ng mataas kasabay ng bola na itinaas niya. Hinanda naman nina Rukawa at Lucas ang kanilang mga sarili dahil siguradong isang kagila-gilalas na dunk ang gagawin nito.

Bago pa man gawin ni Hanamichi ang nais niya ay napaisip siya.

Hindi siya maaring magpadalos-dalos. Kapag gagawin niya ang bagay na yun na mismong siya lang ang may kagustuhan ay siguradong mafofoul siya.

Isang metro na lang ang lapit ni Hanamichi kaya sabay tumalon si Rukawa at Lucas. Parehong nakataas ang mga kamay at pinorma ito na naayon sa matibay na pader para sa malalakas na dumakdak tulad ni Hanamichi.

Pero... Nagulat sila.

Dahil hindi dunk ang ginawa ni Hanamichi bagkus ay paatras pala ang talon nito. Hindi sila maaaring magkamali sa kanilang naiisip sa porma ng talon ni Hanamichi.

"Huh?" Lucas

Shinoot ni Hanamichi ang bola.

"Fade Away Shot!" Rukawa

At...

*SHOOT!*

Pasok ang Fade Away Shot ni Hanamichi para sa dalawang blocker ng Washington Team. Pagkababa ni Hanamichi sa sahig ay muntik na siyang matumba pero napigilan niya.

Tiningnan ni Hanamichi ang kamay niya at niyukom yun. "Owryttt! Another puntos na naman para sa Henyong Poging si Hanamichi Sakuragi!" Nakangiting bulong niya.

Nagsicheer ang mga taga suporta ng Tokyo Team lalo na ang mga sigaw ng Apat Na Ungas. Si Coach Kawarama naman ay todo palakpak at proud sa nagawa ng Apo. Dalawang Washington Players ang kaharap nito at namanage pang isahan sila.

"Ang galing mo dun, Apo! Humuhusay kana!" Cheer ni Coach Kawarama at ganun din si Haruko at ang ibang bangko ng kanilang Team.

Muling nakalamang ng dalawang puntos ang kuponan ng Tokyo. Ang kaninang tabla na puntos na 29 ay naging 31 na, ang Tokyo at Washington ay tabla na ulit.

Samantala si Coach Amerigo ay mahinang napapadyak sa kanang paa niya. Nakatingin siya sa tinatayuan ni Hanamichi.

"Ang Sakuragi'ng yun... Mahusay nga talaga siya." Mahinang bulong nito.

Habang pinupuri ni Hanamichi ang kanyang sarili ay hindi niya namalayan si Rukawa na dinribol na pala ang bola palabas ng half court ng Tokyo Team.

"Unggoy, balik na!" Pukaw ni Kiyota sa kanya na panandaliang kinataranta niya.

"Anak ng tipaklong! Pinupuri ko pa ang kagalingan ng Henyong Si Hanamichi Sakuragi!" Agad tumakbo si Hanamichi para habulin si Rukawa.

Pero hindi na niya ito mahabol dahil masyado nang malayo ang distansiya ni Rukawa sa kaniya. Nakaramdam ng kunting sisi si Hanamichi sa kanyang sarili.

"Ang tigas talaga ng mukha mo Rukawa." Hanamichi

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]

YouTube Channel: ANIME VIRALS PH

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon