CHAPTER 226: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

540 44 8
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 226: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[1st half-1st quarter| 15 mins. 36 sec|
Tokyo Team: 5 | Manila Team: 8]

Napangiti si Fujima sa kanilang binabalak, si Hanamichi naman ay nakatingin lang. Tatlong puntos na lang ang kanilang hahabulin sa kasalukuyang puntos ng Manila Team. Tama na dito ang isang 3 point shot.

"Okay, chill lang Team. Tayo parin ang lamang!" Sabi sa kanila ni Macagcalat.

"Maghanda kayo." Sabi naman ni Maki sa kasamahan.

Sinimulan na ng Manila Teama ng kanilang opensa, hawak ni Macagcalat ang bola saka binounce pass kay Lakandula.

*PASS!*

Nang masalo ni Lakandula ay dinribol niya ito palabas ng court ng Tokyo Team at awtomatikong dumaan sa center circle ng court. Nang makapasok sa half court ng Manila Team ay nakita niya si Pepito na nasa unahan niya.

"Pits!" Tawag ni Lakandula kay Pepito at inoverhead pass ang bola.

Tumalon naman si Pepito para saluhin yun...

*PAKK!*

"Lahh!" Nagulat siya nang makuha yun ni Futatsu.

"Ayos kambal! Ang galing mo!" Puri sa kanya ng dalawang kambal niya.

Agad namang dinribol ni Futatsu ang bola palayo sa players ng Manila Team. Pero nakasunod sa kanya si Pepito, layunin nitong bawiin ang bola.

"Hindi ka makakatakas." Habol sa kanya ni Pepito.

"Hindi ko alam pero natatawa ako sa pangalan mo." Wika ni Futatsu sa kanya.

Pero nagulat na lang si Futatsu nang biglang sumulpot sa harapan niya si Bautista at nadaling naagaw ang bola.

*PAKK!*

"Ren!" Tawag ni Gallego.

"Salo!" Sigaw sa kanya ni Bautista at hinagis paitaas ang bola.

*PAKK!*

"Huwag nyokong kalimutan!" Sulpot ni Hanamichi sa pasa ni Bautista.

Medyo nagulat si Bautista doon, lalo na si Maki at Fujima.

"Mahusay, Sakuragi." Puri ni Fujima sa kanya.

"SENDOH!" sigaw ni Hanamichi saka agad na hinagis ang bola sa kawalan.

*PASS!*

Nakatingin ang lahat ng players sa bola, sinundan nila ang gawi nito at nakita na lamang nila nang pagawi ito sa libre at tumatakbong si Sendoh. Pagawi ito sa area ng tres.

Natigilan ang Manila Team doon.

"Si Sendoh!" Sabi nila.

Napatutok naman si Rukawa.

Nakatingin si Sendoh sa bola at tinalon ito.

Nakuha niya ang bola.

Habang nasa ere ay walang alin-langang tumira ng isang half court shot.

*SHOOT!*

"WAW!" Biglang sabi ni Gallego nang makita ang tirang yun.

[1st half-1st quarter| 14 mins. 25 sec|
Tokyo Team: 8 | Manila Team: 8]

Naghiyawan naman ang Tokyo Team dahil 3 consecutive shots na ang nagawa nila. Kaya ngayon, ay pantay na ang puntos ng parehong kuponan.

"Ayos!" Nag-apiran sina Sendoh, Hanamichi at Futatsu.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon