The class that she belongs.
I am Georgina Astair Noburi.
Hindi ako mayaman, wala ring connection ang pamilya ko. Ewan ko ba, basta ang alam ko lang ay nandito na ako sa Noblesse High, Class 4-Z.
Napahinga ako ng malalim.
Jusko, sobrang kinakabahan ako. Hindi ko alam ang gagawin. Unang araw ko kasi ngayon dito sa school na 'to. Wala parin man lang akong nakakausap. Nangangatog na nga ang tuhod ko eh. Ganito pala feeling kapag kaharap ko ang mga elite type of students. Lahat ng anak ng mayayaman ay napasok dito. Kaya nga nagtataka ako kung paano ako napasok dito e' mahirap lang naman kami. Siguro ginayuma ni Kuya 'yung Principal, pfft.
"Calling the Attention of Class 4-Z, please proceed on the school ground."
Muntik pa akong mapatalon sa speaker ng school. Buti nalang muntik lang kung hindi mapaghahalataan na duks lang ako. Pero, anyways dalawang beses pang inulit 'yung announcement na 'yun.
Nagsimula ng magsialisan ang mga kaklase ko samantalang ako ay natuod na dito sa kinauupuan ko. Nacurious ako sa madaming bagay. Una, bakit naman ipapatawag ang section namin? Pangalawa, bakit sa dinami-dami ng pwedeng ipatawag ay section lang namin?Pangatlo, bakit ang konti lang ng tao sa room na 'to? Nakakapagtaka dahil super late na naman pero bilang lang sa daliri ang tao dito, lima lang sila at puro babae pa.
"Hoy!"
"Ay palaka ka!"
Napatakip ako sa bibig. Si Kuya naman kasi nanggugulat. Sinamaan niya ako ng tingin, ako naman eto nagpeace sign lang sa kan'ya hehe. Syempre, ayoko naman magkaroon ng kaaway. Kebago bago ko lang dito eh.
"Ikaw, bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang announcement?" galit nyang singhal sa akin.
Nakatayo siya sa may pinto ng classroom namin. Di ko sure kung tagasaan s'yang section. Napatayo naman agad ako sa upuan. Beast mode na si Kuya.
"Sorry, sorry. Tao lang." ismid ko sa kanya.
Bago ko siya tuluyang malampasan ay nagflip hair muna ako sa kaniya at saka dali daling tumakbo palabas ng Hallway. Hmp, akala niya ha. Sungit sungit niya.
"Bilis, ang bagal bagal."
Aray!
Muntik pa akong madapa sa pagkakatulak ng nasa likuran ko. Grabe, makatulak akala mo walang bukas. Ang lawak lawak ng daan dito sa school ground or field keme eh. Jusko. Ang malas malas ko naman ngayon, puro salbaheng bata ang nakakasalamuha ko. *-*
Nakarating na ako sa school ground, nandito na din ang ibang kaklase ko. Lumapit ako sa kanila. Syempre ayoko naman maging outcast. So ayun, pagkarating ko dun bigla kaming pinalibutan ng mga nakamaskarang estudyante. Ang weird nga, hindi ko alam kung bakit ayaw nilang ipakita ang mga mukha nila. Is this some kind of kulto? Bigla nalang kaming inikutan eh, parang mga aning.
"Today, Class 4-Z will receive their punishment." ani isang lalaki na nasa 'di kalayuan.
Hindi ko maitsurahan sila dahil nga nakamaskara sila. Hindi ko rin alam pero pagkaannounce nung lalaki about sa parusa ay bigla nalang natakot 'tong mga kasama ko. Nanginginig sila.
Pero teka, nabanggit niya na may parusa. Para saan naman 'yon? Bakit paparusahan ang section na kinabibilangan ko? Bakit pati ako kasama sa paparusahan?
"Weyt!"
Napatingin sa'kin ang lahat. Medyo nahiya naman ako lalo pa't nakakatakot ang binibigay na tingin sakin nung lalaki na nasa gitna. Kita ko parin kasi ang mga mata nila.
"Bakit may punishment?"
Lumakad ako paunahan. Aba, syempre kelangan kong sulitin ang pagkakataon na 'to. Kailangan kong masabi at matanong lahat ng gumugulo sa isipan ko. Baka mamaya n'yan hindi nila ako pakinggan.
"Bakit sa dami ng paparusahan ay section pa namin?." dagdag ko pa.
Hindi kasi sila nasagot. Tahimik lang sila, mga walang balak sagutin ang tanong ko.
"Bakit nakamaskara kayo? Anong gagawin niyo? Pwede ba itigil niyo na kung ano man ang gagawin niyo.. Tingnan niyo sila oh, nanginginig sila sa takot. " sunod sunod kong lintanya.
"You'll know soon enough. For now get back and prepare for your punishment." pagingles niya.
Alam ko na iniiwasan nilang sagutin ang tanong ko. Kung malalaman ko rin pala ay bakit hindi pa nila sabihin ngayon din? Ginagawa nilang kumplikado ang lahat.
Iimik pa sana ako ng unahan ako ng lalaking nasa gitna sa pagsasalita.
"Ready. "
Ready ang alin?
Naguguluhan ako. Tiningnan ko ang mga kasama kong babae at mga nakayuko lang sila. Wala ni isa sa kanilang tumitingin sa akin.
Bigla namang may inilabas na malaking lagayan ang isa sa kanila, may laman 'yung bola. Maraming bola na hindi ko alam kung para saan, assorted eh.
"Fire. " pagsasalita ulit nung lalaki sa gitna.
Nangunot ang noo ko. Magsasalita sana ako pero naramdaman ko nalang ang malakas na impact sa ulo ko. Napahawak agad ako doon, isinasangga ang braso sa paparating pa. Sa hindi malamang dahilan, binabato nila kami ng bola.
"Arrghh! Ano ba, tigilan niyo 'yan."
Nahihilo ako.
Iba't ibang klaseng bola ang binabato nila sa amin. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko sa lakas ng pagkakabato nila. Hindi ko rin gaanong maimulat ang mata ko dahil sa sunod sunod na pambabato ng mga nakamaskarang mga estudyante.
Sumulyap ako sa mga kaklase kong iba, nakahandusay na sila sa lupa. Nakahawak sa ulo, pilit na sinasangga ang mga bolang sunod sunod na tumatama sa iba't ibang parte ng katawan nila.
"Aray."
Masyadong mabilis ang pangyayari. Natagpuan ko nalang ang sariling nakaupo sa lupa. Hindi ko nakita ang paparating na malaking basketball ball, dirediretso 'tong tumama sa mukha ko.
Syet. Dumudugo na ata ang ilong ko. May nararamdaman akong likido na umaagos sa may ilong ko. Sinapo ko ang aking ilong at tama nga. Dumudugo nga ito. Mga buset! Ano bang ginawa namin sa kanila? At anong klaseng punishment ba 'to.. Bakit hindi makatarungan?!
"And the last one.. 100 balls done. Class 4-Z successfully punished."
Nagecho ang lahat ng sinabi ng lalaking sa tingin ko ay leader ng kultong 'to. Rinig na rinig ko siya, tandang tanda ko ang boses niya. Pinilit kong tumayo pero hindi ko kinaya. Sumasakit ang buong katawan ko, bukod din kasi sa ulo ay tinamaan din ako ng bola sa sikmura, likuran at sa kung saang pwede tamaan.
Napapikit na lang ako kasabay ng pagbagsak ng katawan ko sa lupa. Sobrang sakit ng ulo ko, nahihilo ako. Nanlalabo ang paningin ko. Pinilit kong imulat pero blurred ang lahat. Naaninag ko nalang na paalis na ang mga nakamaskarang lalaki..
"Mga buset! Hintayin niyo kong gumaling.. Lagot kayo sa'kin. "
Gustuhin ko man na isigaw 'yun ay hindi ganoon ang nangyari. Naging parang bulong lang 'yon.
Bugbog na bugbog ang katawan ko. Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang uli naranasang mabugbog ng ganito. Sobrang naalog din ang ulo ko, parang may nageecho sa utak ko.
Andaming katanungan. Nac-curious ako. Bakit ganito?.
Kung alam ko lang na ganito sa Noblesse High, hindi na sana ako pumayag na matransfer dito.
-----------------------------------
Ang storyang ito ay nabuo lamang sa malikot na imahinasyon ng author. Beginner pa lamang po ako kaya expect wrong grammars, typographical errors and mispelled words. Nagbase din po ako sa mga Movies and stories na nakainspire sa akin.
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
ARIESTELLER.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Ficção AdolescenteAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...