KABANATA XV

244 10 0
                                    

Jhoanna' Pov


Pagdating namin sa ospital ay agad nadin kami pumasok sa room kung nasaan si Colet mabuti nalang at malaki ito hindi ganong masikip kung madaming dadalaw.

Jared: "Hi Jhoanna." Agad na bati sakin ni Jared ng makapasok kami sa loob bigla naman akong siniko ni ate Maloi nakangiti itong nakatingin sakin.

"Hi Jared."

Jared: "Ah, Tito, Tita mga kaibigan din po sila ni Colet gusto po bumisita."

Mrs.Vergara: "Upo na muna kayo. Salamat sa pagdalaw sa anak ko ah? Kaso hindi padin talaga siya nagigising eh."

Mr.Vergara: "Iha? You look familiar, nagkita naba tayo dati?" Tinuro kopa ang sarili ko baka kase di ako ang kausap nito, agad naman itong tumango.

Mr.Vergara: "Para kaseng may kamukha ka, pero hayaan mona wag mona isipin." Nakangiti pa nitong tugon.

Napatingin naman ako sa lalaking nadukdok na natutulog sa tabi ni Colet habang hawak ang kamay nito.

Baka boyfriend niya.

Mr.Vergara: "Cyrille anong nangyari sayo? Bat bigla ka nalang napatayo dyan?" Tukoy nito sa lalaking nasa tabi ni Colet.

Cyrille: "Gumalaw si Colet Pa, Ayan oh gumagalaw." Saad nito.

Pa? So kapatid pala ito ni Colet? Akala ko boyfriend.

Mr.Vergara: "Colet anak? Naririnig moba kami?"

Lahat kami ay nakatingin lang kay Colet, dahan dahan pa nitong ginagalaw ang kanyang kamay.

Maya maya lang ay dumilat na ito agad namang nilapitan ni Mikha si Jared ay nakatingin lang.

Mikha: "Tita baka po gusto niya ng tubig, ito po." Sabay abot nito sa Mama ni Colet.

Colet: "Anong ginagawa ko dito?" Saad nito.

Mrs.Vergara: "Anak uminom kana muna ng tubig." Agad namang bumangon sa pagkakahiga si Colet.

Mr.Vergara: "Anak dahan dahan sa paggalaw hindi kapa totally okay."

Colet: "Sandali po, sino poba kayo?" Halos lahat kami ay nagulat sa sinabi nito.

Cyrille: "Hindi moba kami naaalala?" Pero umiling lang itong si Colet.

Nagtaka naman ako ng bigla itong tumingin sa akin.

Colet: "Hey, who are you?" Sabay sabay naglingunan lahat sakin ng tanungin ako ni Colet.

"Jhoanna, my name is Jhoanna." Nakangiting sagot ko pero titig na titig lang ito sakin.

Colet: "May kamukha yung mata mo, ang ganda."

Maloi: "Maganda din naman mata ko ah? Bat di niya napansin? Yung mata ko kamukha kaya nung kay Taylor Swift." Bulong nito sakin kaya mabilis kong siniko.

Mr.Vergara: "Jared tumawag ka ng Doctor." Lumabas nadin agad si Jared.

Maya maya lang ay dumating na si Jared at may kasama na itong Doctor.

Mr.Vergara: "Doc anong nangyari? Bat hindi niya kami maalala?" Agad na tanong nito.

Doctor: "Nagkaroon  siya ng Dementia kaya may posibilidad na  mayrong
pagbabago sa personalidad, o di karaniwang pag-uugali niya. Yung pagka wala ng ala-ala niya ay panandalian lamang po or pansamantala. May mga bagay po na mababalik na ala-ala at meron namang pong hindi na."

Maloi: "Aw kawawa naman ang bebe ko." Bulong pa ulit nito sakin, baliw talaga ito.

Doctor: "Wag napo muna natin siyang pilitin na maalala ang mga bagay dahil mas makakasama po sakanya yon." Tugon pa nito habang si Colet ay titig na titig padin sakin siguro ay dahil padin sa mata ko.

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon