Jhoanna' Pov
Maaga akong ginising ng Alarm clock ko 8am kase ulit start ng klase ko kaya nagalarm ako kagabi medyo late nga din ako nakatulog eh kaya inaantok pa talaga ako ngayon.
Naginat inat pa ako bago bumangon baka kase akitin pa ako ng kama at makatulog ulit, kinuha ko naman agad ang cellphone ko sa table para icheck kung may message na si Colet pero wala padin, nung nagchat siya na nakauwi na siya after non ay wala na yon din ang iniisip ko kagabi kase nung mga nakaraang araw palaging may chat yon kahit ang tagal ko magreply kahit nga hindi ako magreply meron padin eh, nakakapagtaka lang ngayon kase kahit isa wala.
Baka may ginawa siya kagabi?
Saka ano naman kung hindi siya magupdate diba? Wala namang kami eh. Wala naman akong dapat ikaisip kung bakit wala siyang message magdamag dahil walang kami.
Pero kase gusto kopa siyang mas makilala, sa tingin ko nga gusto kona siya eh kase hindi naman ako papayag basta basta na hawakan niya kamay ko na halikan niya ang noo ko. Kaso parang ang bilis kase ng pangyayari parang nagising nalang ako na hinahanap ko siya na gusto ko siya makita at makausap, ang weird diba?
Ang weird para sakin, or siguro first time kolang naexperience kaya parang nawiwirduhan ako?
Hindi padin naman nawawala sa isip ko na naging girlfriend niya ang kapatid ko, nung hinatid niya ako pauwi dito sa bahay ito na talaga ang iniisip ko lutang nga ako sa klase non kaya nung nasa sasakyan niya ko tahimik lang ako dahil ang daming tumatakbo sa isip ko.
Hindi naman mahirap magustuhan si Colet, kahit pagka nakita mo siya sa personal na parang malamig lang na tao na maiinitin ang ulo, alam ko na mabuting tao si Colet kase hindi naman siya magugustuhan ng kapatid ko kung masamang tao si Colet baka hindi rin ipagkakatiwala nila Daddy at Mommy si Frances don kung hindi nila nakitaan ng kabutihan si Colet.
Pero ano ba dapat kong gawin? Pigilan ko nalang muna?
Itinigil kona muna ang pagiisip at baka malate pa ako agad na akong bumaba ng makatapos akong gumayak, naliligo kase ko habang nagkukwento syempre POV ko to.
Daddy: "Anak upo na, mag breakfast kana muna bago pumasok." Saad nito kaya naupo na ako habang si Mommy ay naglalagay na ng plato sa harap namin ni Daddy.
Mommy: "Lord thankyou for the food." Sabay sabay kaming nag sign of the cross at nagumpisa ng kumain.
Daddy: "Anak alam mobang si Colet ang girlfriend ni Frances bago siya nawala?" Tanong sakin ni Daddy agad naman akong tumango.
"Yes daddy sinabi sakin ni Colet, sinabi din niya na kakilala niya kayo."
Mommy: "Mabuti at nagkakilala na kayo ni Nico, napaka bait ng bata nayon. Hindi lang talaga namin napakilala sayo noon yung batang yon dahil pare pareho tayong mga busy kami ng Daddy mo sa trabaho at kayong magkapatid sa pagaaral." See magulang kona ang nagsabi na mabait talaga si Colet.
Daddy: "Minsan anak palibutin mo siya dito para naman makamusta ko siya at ang pamilya niya para nadin makapag bonding kami."
Mommy: "Oo nga anak, alam ko nauwi ang parents niya kailan lang? Nandyan pa kaya?"
"Alam ko po bumalik na ng US, magisa nalang po ulit si Colet Sa condo niya." Agad na sagot ko tumango tango naman sila ni Daddy at nagpatuloy na sa pagkain.
______________________/////
After ng klase ay lumabas nadin agad ako ng room, at hanggang ngayon ay wala pading message kahit isa si Colet hindi din siya sumabay sa amin maglunch kanina pero ang sabi naman ni Jared at Mikha pumasok naman daw ito wala lang gana kumain, tatlong beses na nga din ako sakanya nagchat pero kahit seen ay hindi nito ginawa.
Nagmamadali akong naglakad papunta sa Parking lot baka sakaling maabutan kopa siya doon.
Maloi: "Jho? Nagmamadali ka ata? Saan ka pupunta?" Tanong ni ate Maloi ng makita ako nito.
"Sa parking lot ate, baka kase naghihintay na si Daddy siya susundo sakin ngayon eh." Pagsisinungaling ko.
Maloi: "Osige ingat kayo ni tito pauwi."
"Ikaw din ate, ingat ka pauwi." Kumaway pa ito sakin habang naglalakad palayo kaya kumaway nadin ako.
Pagdating ko sa parking lot hinanap kona agad yung sasakyan ni Colet pero wala na dito muntik kopa nga isa isahin lahat ng nakaparada dito eh.
Mikha: "Pres? Pauwi kana?" Agad akong napalingon.
"Mikha si Colet? Nakauwi na siya?" Agad na tanong ko.
Mikha: "Oo kanina pa, nagmamadali nga eh. Hindi ko alam kung bakit." Nakaramdam naman ako ng lungkot ni hindi ko manlang siya nakita ngayong araw.
"Ganon ba sige mauna nako, thank you mikha."
Mikha: "Ingat Pres." Ngumiti na lamang ako at naglakad na palabas ng University.
Nagtext nadin ako kay Mang Albert para magpasundo, dito ko nalang siya hihintayin sa waiting shed. Napatitig naman ako sa conversation namin ni Colet hanggang ngayon ay dipa din talaga nito siniseen.
Ano kayang nangyari sakanya? May problema kaya siya?
Try ko kaya siyang tawagan?
Pinindot kona agad ang call gusto kong malaman kung ano nangyayari sakanya, kung bakit hindi siya nagrereply sa mga message ko, tatlong beses itong nagring napangiti naman ako nung sinagot nito ang tawag.
"Hello Colet?" Agad na sambit ko ng sagutin nito ang tawag.
Colet: "Hello Jhoanna? Napatawag ka?" Sagot nito mula sa kabilang linya.
Parang gumaan naman ang pakiramdam ko nung marinig ko ang boses nito.
Bakit naging ganito epekto sa akin ni Colet?
"Hindi ka kase nagmemessage simula kagabi, hindi din kita nakita ngayong araw. Are you okay?" Agad na sagot ko, narinig kopa itong huminga ng malalim.
Colet: "Okay lang ako, sobrang busy lang kaya di ako nakakagamit ng phone." Matamlay na sagot nito.
Colet: "Sige na Jhoanna, end kona yung call ah? May gagawin pa kase ko eh."
"O...okay sige bye." Pinatay nadin nito ang tawag.
Bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko? Bakit parang ang lamig ng pagkatao niya ngayon? Bakit pakiramdam ko ayaw niya akong kausap?
Maya maya lang ay may sasakyan ng huminto sa harap ko, bumaba nadin si Mang Albert para pagbuksan ako ng pinto agad din naman akong sumakay, gusto kona din magpahinga baka pagod lang talaga ko kaya kung ano ano ang iniisip ko.
_____________________2017
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)