KABANATA LXVII

435 11 4
                                    

Colet' Pov





1 week na ang lumipas nung malaman naming buntis si Jhoanna syempre walang bago lagi talaga siyang galit sakin kahit wala akong ginagawa at alam niyo bang pinapunta ako ng bicol para lang makatikim siya ng bicol express okay sana kung kasama ko siya don eh kaso ako lang magisa ang nagpunta don, balikan bai ang gusto pa dapat mainit kopa din iuuwi yung bicol express ang astig maglihi ng asawa ko diba? Pero syempre mas astig ang inyong lingkod baliwala sakin yon syempre yon ang gusto niya eh isa kase yon sa kabilin bilinan ni Mama na ibigay ko lahat ang gusto niya tulad ng sabi sakin ni Jared non. Akalain mo may tama ding na advice sakin si Jared kahit papano.




Kung alam niyo lang kung gaano ako kasaya nung nalaman ko, siguro na kwento na sainyo ni Jhoanna sa Pov niya oho hinimatay po ang inyong lingkod, diko naman kase ineexpect yon ang tagal bago nag sink in sakin nung sinabi niya yon tas nung inulit niya pinaghalong tuwa, galak, kaba kaya siguro parang na mental block utak ko ayon nahimatay ang ferson. Kaya sinisigurado ko talagang ako na ang pinaka mabuting tao na mababasa niyo ngayon sa Wattpad para sakin naman magmana yung baby.



At ngayon nandito kami sa seafoods restaurant ito daw ang gustong lunch ng aking pinakamamahal mabuti nalang nung nagcrave siya ng seafoods wala akong duty kung hindi baka binugahan na ako ng apoy na'to.





Jhoanna: "Matagal pa daw ba?"



"Ang sabi sakin 10 minutes nalang, ay ayan na mahal ko." Turo ko sa lalaki na dala dala ang order namin.



Jhoanna: "Love tawagan mo si Jared."



"Bakit?" Takang tanong ko sakanya.



Ano namang kinalaman ni Jared sa pagkain namin dito.



Jhoanna: "Please sige na, sila ni Mikha. Gusto ko sila makasabay kumain ng seafoods." Napataas naman ang kilay ko, so ako ayaw niya kasabay?



Napa buga nalang ako sa hangin at wala nang nagawa kundi idial ang number ni Jared after ko makausap ay si Mikha naman ang tinawagan ko mabuti nalang at hindi parehas busy kaya hinihingi agad location namin para makapunta na.



Ang lakas ko din talaga sa dalawang yon eh. Mabuti nalang at naiintindahan nila go lang sila.




"Mahal kain na tayo." Aya ko sakanya.



Jhoanna: "Nasaan na sila? Wait na natin sila para makasabay natin sila kumain."



After 20 minutes ay sabay nading dumating ang dalawa napatingin ako sa asawa ko na malawak na malawak ang ngiti, meron pa pala siyang mas weird na gagawin.



Jhoanna: "Hi upo na kayong dalawa, kumain na tayo." Aya nito sa dalawa.




Agad na napatingin sa akin si Jared habang nanlalaki ang mata, para bang sinasabi niya na 'buds seafoods yan allergic ako dyan.'



Bakit sa dalawa parang ang bait niya?




Jared: "Bu....busog ako Jho, kumain na ako kanina bago tumawag si Ssob." Sagot nito at naupo sa tabi ko si Mikha ay naupo sa tabi ni Jhoanna katapat ni Jared.




Mikha: "Napaka daming seafoods naman nito, parang fiesta ah kayo lang kakain nito?" Saad niya, tumango nalang ako at itinuro gamit nguso si Jhoanna na busy ngayon sa pag tanggal ng balat ng hipon.




Jhoanna: "Eat this, masarap siya." Itinapat niya mismo sa bibig ni Jared ang hipon na kanina lang ay tinatanggalan niya ng balat.



Agad kaming nagkatinginan ni Mikha at Jared.



Ano bang ginagawa niya pinagseselos niya ba ako?



Jared: "Ahh thankyou Jho bus....busog pa talaga ako."



Jhoanna: "Ehhhh, dali na eat na." Malambing na saad niya kaya lalong tumaas ang kilay ko.



Jared: "Ssob masasapok kita hindi ang asawa mo, Ssob allergic ako sa seafoods baka nakakalimutan mo." Bulong nito sakin, habang hawak pa ang braso ko.



"Ahh mahal, sakin nalang yan hindi pwede kay Jared yan eh." Pabalang niyang binagsak yung hipon sa plato niya.




Napatingin ako kay Jared na ngayon ay namumutla na habang si Mikha ay nag pipigil ng tawa.



Jhoanna: "Fresh talaba, eat this Mikhs." Tulalang nakatingin ngayon sakanya si Mikha.




Ayan tatawa tawa kapa kanina ah.




Litong lito naman ako sa pinag gagagawa ng asawa ko ngayon, ano bang trip niya bakit ako hinahayaan niya lang magbalat ng hipon para sakin habang yung dalawa pinagbabalat niya pa tas gusto pa subuan.




Agad na napangiti ang asawa ko ng tanggapin ni Mikha ang sinusubo niyang talaba, ngayon ay si Jared naman ang nagpipigil ng tawa dahil di maipinta ang mukha ngayon ni Mikha hindi naman din kase to mahilig sa seafoods at ayaw na ayaw niya yung mga ganon yung talaba tahong kadalasan na kinakain niya kase hipon, crabs at mga isda.




30 minutes na din ang lumipas halos maubos na ni Jhoanna ang inorder namin tungkol don sa dalawa? Ginamitan ng pagiging Pulis si Jhoanna para makaalis palos yung dalawa nayon eh sinusubuan nanaman kase si Jared ng pagkain kaya parang palos na biglang nawala silang dalawa ni Mikha.



Natatawa nalang ako sa isip ko, kawawa ang dalawa kong kaibigan nadamay sa paglilihi ng asawa ko.




"Mahal hindi kapa ba busog sobrang dami mo ng nakain." Tanong ko sakanya.



Pero hindi manlang ako nito pinansin, pag sakin silent treatment sa dalawa sinusubuan niya pa.




Paki play naman ng music, Pano by Zack Tabudlo.



Hanggang sa makauwi kami ng bahay ay hindi ako kinakausap ni Jhoanna hindi ko alam kanina kopa din iniisip kung ano nanaman ba ang nagawa kong mali dahilan kung bakit hindi nanaman niya ako pinapansin.



"Mahal may nagawa ba ako? Bakit hindi mo ko kinakausap kanina pa hanggang makauwi tayo." Tanong ko, dumiretsyo lang ito sa kwarto kaya agad kong sinundan.



Rinig kong may sinasabi ito habang naghahanap ng pamalit na damit kaso hindi ko maintindihan dahil halos ibulong lang niya sa hangin. Agad akong lumapit sakanya at niyakap siya sa kanyang likod mabilis ko ding inalis dahil sa pagtapik nito sa kamay ko, napakamot nalang talaga ko sa batok kahit hindi makati.



"Mahal may problema ba? Hindi ko kaya yang silent treatment nayan mahal." Nakasimangot na saad ko, masama itong napatingin sakin.



Jhoanna: "Don ka sa babae mo magpalambing. Ano porke't buntis nako babaliwalain mona ko?"




Ano daw?



"Wala naman akong babae mahal, ikaw lang ang meron ako, saka hindi kita binabaliwala. Ano ba yang sinasabi mo?"



Jhoanna: "Dapat lang Nicolette, kase kung may babae ka ilalayo ko sayo ang anak natin hinding hindi mo kami makikita." Hindi ko alam kung maiiling ako sa mga sinasabi niya.




Normal paba itong ganito? Talaga bang laging mapaghinala pag nagbubuntis?



"Promise mahal, ikaw lang. Sige na magpalit kana after mo nuod tayo sa Netflix okay?"



Jhoanna: "Hmmm, maligo tayo dali." Sabay hatak niya sakin papasok sa Cr.




Hindi ko napag handaan yung hatak nayon kaya wala na akong nagawa ng isara niya ang pinto ng Cr dito sa kwarto.



Napangiti naman ako dahil nasa mood na ulit siya at kinakausap na niya ako, wag lang sana magbago ang ihip ng hangin baka ang kapalit ng ilang minutong nasa mood siya ay magdamag akong nasa sala magisa.












_____________________2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon