Colet' Pov
3 days na ang nakakaraan simula nung napunta akong Ospital, 3 days din akong di pumasok dahil nadin sa panghihina mabuti nalang at kasama kosi Jared sa Condo may nagaasikaso sakin kahit papano.
Jared: "Are you sure na okay kana? Pwede kapa naman magpahinga sa condo kaya ko naman magenroll mag isa." Kanina pa niya ko tinatanong paulit ulit kung okay ako dahil nakwento kona sakanya yung nangyari kaya ito ang kulit.
Nandito na kami ngayon sa University dito niya din kase gustong magaral inggetero kasi itong isang to!
"Oo nga, paulit ulit ka!" Sagot ko, gamit kona din yung kotse ko papunta dito.
Kinabukasan nung pagbalik kosa condo galing ospital ay pinuntahan namin sa Police station don muna kase dinala dahil basag ang salamin nito pinaliwanag naman sakin kung bakit dahil daw hindi mabuksan kaya napilitan na silang basagin para mailabas ako.
Sobra ang pasasalamat ko kase kung hindi nila ako nakita don wala nako dito sa mundo.
Sheena: "Huy ate Colet! Okay kana ba?" Tanong agad nito sakin nandito kami ngayon sa Cafe dito kami dumiretsyo after magenroll ni Jared.
"Oo naman malakas nako. Nga pala ito pala si Jared Espinoza bestfriend ko galing siyang US kakatapos niya lang mag enroll dito." Nakangiting sagot ko.
Jared: "Hello guy's!" Nakipagkamay pa ito sa tatlo.
"This is Sheena, Mikha and Gwen! Mga kaibigan ko dito sa University."
Mikha: "Talaga bang okay kana? I can help you naman sa mga activity dito sa University para makapagpahinga kapa." Umakbay ako dito at ngumiti ang bait talaga ng taong to.
"Okay nako, wag kana magalala."
Gwen: "Guy's mauna na kami, hahatid kona tong si Bebe may klase na siya saka ako din meron na. Colet wag na matigas ulo ha?" Pagpapaalala pa nito sakin, kumaway pa silang dalawa ni Sheena at naglakad na.
"Let's go na sa room?" Aya ko sa dalawa.
Mikha: "Kablock natin siya?"
Jared: "Yeah, new poging blockmate niyo ko." Natatawang saad nito, kaya binatukan ko natawa naman din itong si Mikha.
"Poging pinagsasabi mo. Tara na!" Saka hinatak itong dalawa papunta sa room.
____________////
After ng klase ay nauna na lumabas si Mikha nagpaalam nadin samin na may lakad sila ng Fam niya kaya nagmamadaling lumabas.
Jared: "Ssob nakita mo yung dumaan kanina dito sa room natin yung babae?" Tanong nito paglabas namin ng room.
"Hindi bakit?"
Jared: "Ang ganda Ssob!"
"Basta talaga maganda ang linaw ng mata mo hano?" Uto talaga tong isang to eh sakit na niya ata yung pagiging uto.
Jared: "By the way, may nakuha na akong Condo kaso medyo malayo sayo pero mas malapit dito sa University." Saad nito habang naglalakad kami papuntang parking lot.
"Mabuti naman, ayaw na kitang kasama sa condo ang lakas mo maghilik." Natatawang sagot ko.
Jared: "Grabe ka naman sakin, parang dimo ko na miss ah?"
"Na miss kita pero yung paghihilik mo hindi, as in hindi talaga!"
Jared: "Hindi ka naman inaano ng hilik ko, Arte mo! Ay ayon! Ssob ayon!"
"Ang alin?"
Jared: "Siya yung tinutukoy ko kanina na dumaan sa room natin yung maganda." Turo nito sa naglalakad pagharap nito ay si Jhoanna pala.
"Ahh si Jhoanna pala tinutukoy mo."
Jared: "Magkakilala kayo? Pakilala mo naman ako."
"Sakto lang, nakakahiya kaya hano? Saka President ng Student Council yan ano kaba!"
Jared: "Ang ganda niya no?" Titig na titig itong uto kay Jhoanna.
"Yeah, kaya halika na pagka talaga maganda tumutulo laway mo." Hinatak kona at saka sinakay sa kotse masyadong madaldal eh.
Nag drive na ako pauwi ng Condo, nilingon kopa itong isa tahimik ata itong isang to himala.
Pagdating namin sa condo ay kumuha na agad ako ng pamalit at dumiretsyo sa banyo.
After ko ay nakita kosi Jared na natutulog sa sofa don kase may kwarto naman siya bat dito siya natutulog? Dalawa kase ang kwarto dito sa condo malinis naman yung isa may mga gamit lang don ko kase nilagay ibang gamit ko na diko naman na halos nagagamit. Inayos lang naming dalawa yon at doon siya natutulog simula nung dumating siya dito.
Hanggang ngayong gabi nalang siya dito kase may nakuha na siyang condo at lilipat na siya bukas.
Tahimik lang kaming nakikinig ngayon sa nagsasalita sa stage si Jhoanna, ayoko sana magpunta dito sa Gymnasium pero nung nalaman ni Jared na si Jhoanna ang nagsasalita kaya eto hinatak ako dito at nakikinig kami ngayon.
Jared: "Ang ganda niya no?" Wala sa sariling saad nitong katabi ko, napa iling nalang ako at tumingin sa taong nagsasalita sa stage.
Totoo naman maganda naman talaga si Jhoanna, kahit sino namang makakita sakanya yon ang sasabihin. Ngayon ko nalang ulit siya natitigan bagay na bagay sakanya yung Uniform nilang mga Student Council.
Jared:"Ahh ssob matagal nabang President ng Student Council si Jhoanna?" Tanong pa nito.
"Ewan ko."
Jared: "Nagaaral kaba talaga dito? Bakit hindi mo alam?" Napatingin ako sakanya.
"Hello transferee lang ako dito ngayong year kaya ano bang malay ko." Saka ko ito inirapan.
After ng announcement ay nagpunta na kaming Cafeteria at kasama nadin namin si Mikha, Gwen at Sheena.
Habang kumakain ay naalala ko nanaman ang panaginip ko nung nakaraan, siguro kaya niya ko dinalaw sa panaginip ko kase gusto niya dalawin ko siya. Bumigat nanaman ang pakiramdam ko ang hirap umusad pagka talaga mahal mopa yung isang tao eh.
Mikha: "Earth to Colet! Huy?"
"Sorry? May sinasabi ba kayo?" Tanong ko.
Mikha: "Kanina pa kami salita ng salita dito. What are you thinking ba?" Tanong nito napatingin naman ako kay Jared na saktong nakatingin din sakin.
Jared: "Okay kalang ba?" Tanong nito.
"Oo naman, may iniisip lang about sa activities." Pagsisinungaling ko.
Sheena: "Alam mo ate Colet ang dalas naming mapansin na wala ka sa sarili tas tulala kahit nung bago ka maospital laging ganon. May problema ba?"
Gwen: "Totoo."
"Wala ano ba kayo, may iniisip lang pero okay lang ako. Wag kayo magalala." Nakangiting sagot ko napatingin ako kay Mikha na parang di sangayon sa sagot ko.
Malakas din kase makaradar ng mga bagay bagay itong isang to eh.
Sheena: "Hala anong meron don! Bat ang daming tao?" Napalingon kami sa labas ng Cafeteria mga Students na nagkukumpulan.
Siguro may nagaaway.
Mikha: "Baka may nagaaway."
Jared: "Tara tingnan natin." Chismoso talaga.
Gwen: "Bebe hindi mona ba uubus.... Nasan si bebe?" Tanong nito kaya sabay sabay naming tinuro si Sheena na nandon sa labas at nakikichismis na sa mga estudyante na nagkukumpulan.
Napailing nalang si Gwen at ayon nahawa nalang kami ng iling mahilig kase talaga sa chismis ang isang Sheena Catacutan.
_________2017
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)