Colet' Pov
Umaga na ng magising ako napahawak pa ako sa ulo dahil masakit na masakit dahil sa hang over.
Nagulat pa ako ng inilibot ko ang aking mata dahil hindi pamilyar itong kwarto.
Nasaan ako? Hindi ito ang kwarto namin ni Jhoanna.
Piskit sino itong nakayakap sa bewang ko ngayon?
Dahan dahan kong inilihis ang kumot na nakataklob at doon na nanlaki ang mata ko. Mabilis kong inalis ang kamay niya sakin at tumayo saka lumayo sa kama kaya nagising ito ngiting ngiti pa itong nakatingin sakin ngayon.
"Wag mong sabihin na may nangyari satin?" Agad na tanong ko, naka sports bra nalang kase ako ngayon.
Bumangon siya at naupo sa kama.
"Maxine ano, ano to? Bat tayo magkasama, bakit tayo magkatabi matulog?" Medyo inis na tanong kopa lalo nadin sumasakit ang ulo ko.
Maxine: "Lasing na lasing ka dinala lang kita dito sa condo ko, anong problema kung meron mang nangyari satin? Hindi naman malalaman ng girlfriend mo, you know i like you Colet sinabi kona sayo pero hindi mo ko pinapansin kaya ako na ang gumawa ng move." Seryosong saad niya.
Baliw naba ang isang to?
"Nasisiraan kana ba ng ulo? May girlfriend ako Maxine pag nalaman niya to pwedeng mawala sakin si Jhoanna anytime!!!!" Napapasigaw nadin ako sa inis.
Dahil wala talaga akong maalala kung paano ako napunta dito kung pano niya ako nadala dito.
Maxine: "Don't worry nandito naman ako eh." Akmang lalapit na ito sakin nakacycling lang ito at saka bra.
"Wag na wag kang lalapit." Pigil ko sakanya agad din naman siyang huminto.
Kaya hinanap kona sa lapag ang t-shirt kong suot kagabi saka ang suot kong jacket pati nadin ang pants at nagmamadaling sinuot.
Maxine: "Aalis ka ng ganon ganon nalang? Iiwanan mo ako dito after may mangyari sating dalawa?" Tanong niya ng makalapit ako sa pinto.
"Maling mali to Maxine kahit ako hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung totoong may nangyari satin." Saad ko sabay bukas ng pinto.
Maxine: "Subukan mong lumabas ng pinto, sasabihin ko to sa girlfriend mo. Wag ako Colet ready ako sa mga ganyang bagay." Saad niya at inilabas ang kanyang cellphone at pinakita isa isa ang mga picture na magkatabi kami.
"Fuck you! Fuck you Maxine." Sigaw ko, napaka sama niyang tao.
Hindi ko ineexpect na ganito ugali niya na ganito siya kadesperada para lang makuha ang mga gusto niya.
Padabog kong sinarado ang pinto ng kwarto at dumiretsyo na sa labas kinapa kapa kopa ang pants at jacket ko ng makapa ko ang cellphone ko agad kong chineck kaso lowbatt.
Paniguradong madami ng messages si Jhoanna sa pagaalala.
Napahampas nalang ako sa manibela sa sobrang galit sa sarili ko, sunod sunod nadin ang tulo ng luha mula sa dalawa kong mata.
Paano kung malaman to ni Jhoanna? Pati nila Tito at Tita pinagkatiwalaan nila ko para sa anak nila pero nagawa kopa tong ganitong bagay.
Halos buong biyahe ko pauwi ng Condo ay tuloy tuloy lang ang pag iyak ko grabe nadin ang kabog ng dibdib ko pati yung bigat nandito nadin hindi nadin ako mapakali. Nang maiparada ko ang sasakyan ay nanghihina akong naglalakad papunta sa condo namin.
Hindi ko alam, hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko kay Jhoanna pati sa pamilya niya kung malaman nila kung anong kalokohan ang nagawa ko.
Nang mabuksan kona ang pinto ay dahan dahan akong pumasok sa loob 7am palang naman kaya siguradong hindi pa gising si Jhoanna dahil wala naman kami parehas trabaho ngayon napaupo nalang ako sa sofa dahil sa panghihina, iniimagine kopa lang yung mangyayari pagka nalaman ni Jhoanna mabigat na mabigat na agad ang pakiramdam ko.
"Piskit ka Colet anong ginawa mo!" Bulong ko sa sarili ko habang nakayuko at takip takip ng dalawang kamay ang mukha ko.
Agad nadin akong tumayo at nagpunta sa kusina naghilamos at kumuha ng malamig na tubig, pagka inom ay dahan dahan nadin akong pumasok sa kwarto, hinubad kona din ang jacket ko at dahan dahan isinabit sa sabitan.
Jhoanna: "Bakit ngayon kalang?" Muntik pa akong mapatalon sa gulat.
"Ba....babi sor...sorry hindi kona kinaya umuwi dahil sa sobrang ka...kalasingan." Nauutal na sagot ko.
Jhoanna: "Ano bang sabi ko sayo? Diba sabi ko wag kang mag pakalasing?" Titig na titig na ito sa mata ko. "Alalang alala ako sayo Colet pwede ka namang magchat magtext tumawag na hindi ka makakauwi, pinatayan mopa ko ng cellphone." Inis na saad niya pa napatayo nadin ito mula sa kama.
Agad ko siyang nilapitan at niyakap pero inaalis lang nito ang kamay ko sakanya.
"Babi lowbatt po yung phone ko. Sorry kung hindi ako nakapagsabi, hindi napo mauulit. Sorry kung napag alala kita." Saad ko saka ko siya ulit niyakap hinigpitan kona para dina niya maalis ang kamay ko.
Gusto kong maiyak, gustong magsabi ng totoo pero pano? Hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala sakin si Jhoanna sigurado akong pag nalaman niya kung saan ako natulog paniguradong hindi niya ako mapapatawad.
Jhoanna: "Bat ka nanginginig? Umiiyak kaba?" Tanong niya sakin at doon ko na hindi napigilang humagulgol ng iyak.
Pano ba gagawin ko?
Jhoanna: "Love bakit? Ano bang nangyayari sayo?" Nag aalalang tanong ulit niya sakin.
"Babi so....sorry sorry babi." Umiiyak na saad ko nakaluhod nadin ako sa harap niya.
Jhoanna: "Ba..bakit? Ano bang nangyari, bakit ka umiiyak ng ganyan?" Naguguluhang tanong niya.
Napayuko nako kakaiyak kaya naupo nadin siya sa harap ko.
"Wag mokong iiwan babi please."
Jhoanna: "Hindi, hindi kita iiwan. May nangyari ba?"
"Nanaginip ako na....na iniwan moko." Pagsisinungaling ko.
Hindi ko talaga kaya sabihin yung totoo, nangingibabaw yung takot na baka pag sinabi ko mawala sakin si Jhoanna yon ang hindi ko kaya.
Jhoanna: "Hindi mangyayari yon okay? Panaginip lang yon, hindi kita iiwan." Niyakap nadin niya ako, patuloy padin ang pagiyak ko.
Parang gusto ko nalang magpakain sa lupa dahil sa nagawa ko.
Jhoanna: "Halika na sa kwarto, maligo ka para makapag pahinga ka baka pagod ka kaya kung ano ano napapanaginipan mo."
Dahan dahan niya akong tumayo at inakay papunta sa kwarto, idiniretsyo nadin niya ako sa Cr.
Jhoanna: "Maligo kana, iaabot ko nalang ang pamalit mo." Saad niya at saka sinarado ang pinto ng Cr.
Napaupo nalang ako sa gilid ng Cr at patuloy padin ang pagiyak, hindi kona alam daig kopa ang masisiraan ng ulo ngayon dahil paulit ulit sa utak ko ang nangyari samin ni Maxine.
Hinding hindi ko talaga mapapatawad si Maxine pag sinabi niya kay Jhoanna ang lahat.
____________________2017
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)