Jhoanna' Pov
Mabuti at wala namang problema kay Colet, nandito kami ngayon sa ospital malapit sa condo namin ni Colet ang sabi ng Doctor ay nawalan lamang siya ng malay dahil sa kalasingan, paniguradong umiinom si Colet ng hindi kumakain dahil wala naman akong nakitang kahit na anong nagalaw na pagkain sa condo wala din namang mga kalat na pinagkainan kung sakaling umoorder siya as in puro bote lang ng alak ang nagkalat sa condo kaya pinalinis kona din kanina sa housekeeping yung condo para kung maiuuwi si Colet ngayon ay maayos na.
Tita: "Ang sabi niya sa amin aalis na muna siya, mawawala daw muna siya ng isang linggo at magpupunta siya ng probinsya." Saad ni tita, katabi ko siya ngayon malapit dito kay Colet.
Tito: "Wala siya saming sinabi na meron siyang problemang dinadala, hindi namin alam na nagka problema na pala kayo." Napayuko ako ng maalala ko, ang huli naming usapan kung ano anong masasakit na salita ang nasabi ko sakanya.
At isa pa nasaktan siya ni Daddy, nung time nayon ay masakit sakin na makita yung ganong pangyayari pero hindi ko naman mapigil si Daddy. Kung sana una palang pinaniwalaan kona siya sa paliwanag niya wala sanang ganitong pangyayari. Mabuti na nga lang at nakonsensya si Maxine sa pinag gagawa niya, ang laking epekto sakin lalo na kay Colet yung ginawa niya, ngayon lang ako naka encounter ng ganong babaeng kadesperada talagang sinet up niya si Colet para lang mapa sakanya.
"Dapat po una palang pinaniwalaan kona siya, may mali din po ako inuna ko ang galit ko kaysa pakinggan siya." Nakayukong saad ko, ramdam ko naman ang paghimas ni Tita sa likod ko.
"Sorry po Tita, Tito." Nagumpisa na ulit akong umiyak, mahigpit akong niyakap ni Tita.
Tita: "Anak wala kang kasalanan, pag nagising si Colet magusap na kayo ng maayos ha? Saka anak wag na tita, Mama at Papa nalang itawag mo samin." Tumango nalang ako habang pinupunasan ang luha na ayaw tumigil sa pag tulo.
Tito: "Tumahan kana anak."
Nag paalam na muna ako sa parents ni Colet dahil meron akong meeting ngayong araw hindi kase ako pwedeng mawala don kaya kahit ayaw kong iwan dito si Colet ay wala akong magawa gusto ko sanang hintayin siyang magising.
Pag dating ko sa opisina ko ay naabutan ko si Mommy at Daddy na naghihintay sa akin naupo ako sa sofa at doon na kinukwento lahat kay Mommy at Daddy ang mga nangyari sinabi ko na wala talagang kasalanan si Colet na sinet up lang talaga siya kita ko naman sa mukha ni Daddy ang konsensya dahil siguro sa ginawa niyang pagsuntok ng dalawang beses kay Colet.
Daddy: "Hindi padin ba siya nagigising anak? Gusto ko siya makausap, gusto kong humingi ng pasensya." Malungkot na saad niya.
"Hindi papo siya gising nung umalis ako don, pero ang sabi ng Doctor sa sobrang kalasingan lang naman daw kaya nawalan ng malay si Colet."
Mommy: "Ang sabi ko naman kase sayo Boyet pakinggan muna natin magpaliwanag yung bata, mabait na bata si Colet hindi niya magagawang lokohin si Tintin matagal na nating kakilala yung batang iyon." Napayuko naman si Daddy ng sermonan siya ni Mommy.
Daddy: "Magsosorry ako, manghihingi ako ng tawad kay Colet, nadala lang din ako ng galit." Mahinahon na saad ni Daddy.
Mommy: "Sabay sabay na tayong mag punta ng ospital mamaya after ng meeting." Agad naman akong tumango.
Lumabas nadin muna si Mommy at Daddy kaya ako nalang mag isa ngayon sa office, agad akong naupo sa swivel chair sabay hilot ng ulo kulang na kulang din kase ako sa tulog nitong mga nakaraang araw dahil sa sobrang daming iniisip. Halos mabaliw ako sa sakit na nararamdaman ko kase akala ko nagawa talaga akong lokohin ni Colet mabuti ngayon at alam kona talaga ang totoong nangyari kaya gumaan nadin ang pakiramdam ko hindi na tulad nung nakaraang araw na parang laging sasabog sa sobrang sakit at bigat.
Uminom na muna ako ng isang baso ng tubig bago lumabas ng office papunta sa conference room, 20 minutes nalang din kase magistart na ang meeting. Pag pasok ko sa loob ay nandito nadin si Mommy at Daddy at ang iba pang makakasama namin sa meeting dalawa nalang din ang kulang agad na akong umupo sa vacant na upuan sa pagitan ni Mommy at Daddy.
Daddy: "Anak ayos kalang ba?" Agad akong tumango.
"Masakit lang po ang ulo ko."
Daddy: "After ng meeting natin magusap tayo ha?"
"Sige po." Sabay tango ulit.
After 15 minutes ay nagumpisa nadin ang meeting nagsasalita nadin ngayon si Daddy sa harap pero kahit anong pakikinig ang gawin ko ay wala talagang pumapasok sa utak ko, at mas lalo nading tumitindi ang sakit ng ulo ko.
Hinayaan nalang muna ako ni Daddy na maupo at makinig nalang hindi nalang muna niya ako pinagsalita sa harap nahalata na din niya siguro na masakit ang ulo ko dahil simula ng magumpisang magsalita si Daddy hanggang ngayon ay puro hilot ng sintido at inom ng tubig ang ginagawa ko pero hindi naman mabigat ang pakiramdam ko sadyang masakit lang talaga ang ulo ko.
Daddy: "Anak ilang araw na masakit ang ulo mo, napagusapan namin ng mommy mo na pagpahingahin kana muna." Saad ni Daddy ng makapasok kami ulit sa office ko.
Kakatapos lang din ng meeting at dito kami dumiretsyo dahil gusto daw nila ako makausap.
Mommy: "Kami na muna ang bahala sa kompanya, magpahinga ka para din magkaayos kayo ni Colet para mapagusapan niyo kung ano yung naging problema ngayon."
Daddy: "Wag kana anak kumontra, alam naming gusto mong makatulong sa pag papalakad ng kompanya pero kailangan modin ng pahinga. Dalawa naman kami ng Mommy mo kayang kaya namin to habang nagpapahinga ka."
Hindi na ako tumutol pa, dahil baka kailangan kodin talaga ng pahinga sa ngayon.
Niyakap ko nalang sila ng mahigpit sa mga ganitong sitwasyon talagang hindi nila ako pinapabayaan palagi silang nandito para sa akin kaya hindi kodin talaga alam kung ano ang gagawin ko kung wala sila, dahil nung time na para akong sasabog sa sakit ay nasa tabi kolang si Mommy at Daddy nasa tabi ko sila nung time na gabi gabi akong umiiyak.
_______________________2017
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)