KABANATA LXXV

160 6 2
                                    

Jhoanna' Pov






Iyak lamang ako ng iyak habang pinagmamasdan si Colet habang nirerevive ng Doctor at nurse ang sakit sobra.




Please naman Colet lumaban ka!





Doctor: "We're very sorry, hindi na niya kinaya."




Mikha: "Doc?"




Doctor: "Time of Death 8:26am."





Time of Death......




Time of Death......





Paulit ulit na umeeko ang salitang yon sa utak ko, namanhid nadin ang buong katawan ko.




Mikha: "God please, No!"




Jared: "Doc hindi, lalaban si Colet! Kaya niya yan irevive niyo!" Sigaw niya.



Jared: "Doc ano ba? Irevive niyo!!" Pagmamakaawa nito sa Doctor.




Doctor: "Sorry pero wala na ang pasyente." Sa sinabi nito ay don na ako napaupo sa sahig at humagulgol ng iyak.




Lord bakit?



Colet bakit?




Bakit ganito Lord, bakit binigyan mo ako ng ganitong pagsubok? Hindi ko kaya Lord please ibalik mo si Colet nagmamakaawa ako.




"Love, please!!! Gumising ka hindi ko kaya nagmamakaawa ako." Sigaw ko.




"Colet please wag kang ganyan."




Aiah: "Jho halika na muna sa labas please?"




"Ate hindi, hindi ako iiwan ni Colet magigising siya. Please love please nagmamakaawa ako."




Paulit ulit na pagdadasal na ibalik si Colet na gisingin si Colet naka isang daan na ata akong please at pagmamakaawa dahil hindi ko talaga kaya, sobrang sakit at bigat sa pakiramdam hindi ko kayang tagalan yung ganitong sitwasyon.




Bakit kailangan mangyari to, pagsubok paba to?







____________///





Tulala lamang akong pinagmamasdan ang pangalan ni Colet na nakaukit na sa lapida.




Masama ang loob at masakit na pakiramdam pero wala ng luha na lumalabas mula sa mata ko, naubos na nailabas kona lahat lahat ng iyak ko pero ganon padin hindi padin ako nagigising hindi padin ako makapaniwala na hindi na mukha niya ang titigigan ko kundi yung larawan nalang at lapida niya.




Sana talaga panaginip nalang to, gusto ko ng magising.




Hindi ko alam kung paano sasabihin sa dalawa ang totoo sa tuwing hinahanap nila ang Dada nila, sa ngayon ay hindi pa nila maiintindihan pero pano kung dumating na sila sa tamang edad at malaman nila ang nangyari sa Dada nila kung sa akin ay sobrang sakit na pano pa kaya sakanila.




"Love ang daya mo naman kase eh, sabi mo sakin kasama kitang magpapalaki kila Joey at Riley." Malungkot na saad ko habang tinititigan ang picture niya.




Nawala naman ang tingin ko sa litrato ng may maramdaman akong nakatingin sakin, mabilis kong nilingon isang babae na naka shades at nakasakay sa loob ng sasakyan kahit naka shades ay alam kong sakin ito nakatingin parang pamilyar siya saglit pa itong tumingin at saka ngumiti bago nagsarado ng bintana ng sasakyan saka umalis, ang weird.





Pamilyar ang mukha nayon, diko matandaan kong saan ko siya nakita.




Ilang minutes ang lumipas ay nagpasya nadin akong umuwi, babalik nalang ako dito bukas palagi naman ako dumadalaw halos isang buwan kona itong ginagawa sa loob ng isang buwan nayon umaasa padin akong panaginip lahat ng ito, umaasa padin ako na buhay si Colet.





Sobrang daming nagbago nung nawala si Colet, si Jared na joker na masayahing tao naging tahimik ganon din si Mikha sobrang laki ng epekto samin ng pagkawala ni Colet kung samin sobrang sakit na pano pa kaya sa Parents niya katulad ko na gabi gabing umiiyak si Mama kaya ang hirap, diko alam kung paano ako uusad kung paano kami uusad.




Pagdating ko sa bahay ay agad ako sinalubong ng kambal dito na muna kami nakatira ulit kila Daddy dahil bawat sulok ng bahay namin si Colet ang nakikita ko babalik nalang siguro ako doon pag okay na ako, pag kaya kona.



Pero hanggang kailan kaya ako mananatili sa ganitong sakit? Kailan ako magiging okay?



Feeling ko pag nabuhay lang si Colet saka ko mararamdaman na okay ako, pero pano?




Mas okay pang napagod siya sakin, mas okay pang niloko nalang niya ako at least buhay siya, at least nakikita ko siya. Hindi na sana yung ganito, buong buhay kona hindi siya makikita, buong buhay kona hindi mararamdaman yung yakap niya buong buhay ko ng hindi mararamdaman yung pagmamahal at pagaalaga niya sakin lalo na sa dalawa. Napahirap ng ganitong sitwasyon para anytime masisiraan ako ng ulo, parang anytime susunod nako sakanya.




Riley: "Mommy, nasaan napo si Dada? Kailan po siya babalik dito, namimiss kona makipag play kay Dada." Malungkot akong napatingin sa aking anak.



Kita ko sa mata niya ang pagka miss sa Dada niya.




Sorry anak, hindi na babalik si Dada.




"Busy pa si Dada baby, pero mabilis lang yon okay? Isusurprise niya tayo pag bumalik siya."




Joey: "Really Mommy? I miss Dada nadin po so much."





"Yes baby, miss na din kayo ni Dada for sure." Pilit na ngiting saad ko.




Iniwan kona muna sa sala ang dalawa inopen ko din ang tv para may mapanuod sila ako ay umakyat na muna sa kwarto namin para makaligo ulit.



After ng ilang minutes na pagligo ay chineck ko ang aking phone, mga texts at chats mula sa mga kaibigan namin ni Colet halos lahat sila ay nangangamusta after kase nung nangyari ay hindi na ako gaanong lumalabas after ko magpunta sa puntod ni Colet ay nagkukulong na ulit ako sa bahay ilang beses nadin nila akong niyaya para makapag libang pero di ako sumasama mas gusto ko magkulong sa bahay kasama ang kambal.



Paminsan minsan ay nililibot ako dito nila ate Aiah sila nila ate Stacey at ate Maloi kaya kahit papano ay gumagaan naman ang pakiramdam ko kase nandyan naman sila palagi para sakin at sa kambal. Ganon din naman sila Mama at Papa lalo na sila Daddy at Mommy hindi nila kami pinapabayaan si Kuya Cyrille na madalas din lumibot dito para laruin yung dalawang kambal ganon din si Mama at Papa na palagi din nandito para kamustahin kami kumpleto naman si Colet lang talaga ang wala.




Kung kaya ko lang ibalik yung araw nayon gagawin ko, hindi ko siya hahayaang umalis sa tabi ko para hindi mangyari yung aksidente nayon, hindi sana ganito kabigat ang pakiramdam ko, hindi sana ako nagsisinungaling sa kambal, hindi sana ako nahihirapan nandito ka sana sa tabi ko hanggang ngayon.















______________________2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon