KABANATA XLVI

385 14 0
                                    

Colet' Pov



Pagdating namin sa lugar ay agad nadin kaming bumaba kasama ko ngayon si Mikha at Jared at iba pa naming kasamahan sa wakas ay natunton nadin namin kung saan makikita ang matagal ko ng gustong paghigantihan.



Ilang araw din akong nagfocus para sa kaso na'to halos di ako natutulog para makakuha kami ng impormasyon at tama nga ang sinabi ni Jared at Mikha na nasa malaking sindikato ang mga taong pumatay kay Frances kaya hindi mahuli huli dahil may mataas din na taong pumuprotekta sa sindikato na'to.


Jared: "Teka teka muna, saan ka pupunta?" Tanong nito sakin.


"Sa loob."


Mikha: "Hindi natin alam kung gaano kadami ang nasa loob kaya wag muna tayo basta basta pumasok." Tumango na lamang ako.



Nilibot ko ang aking mata sa buong lugar parang pamilyar to parang nakita kona ito dati pamilyar yung mga puno nagiisang malaking bodega sa gitna at maluwang na lote.


Parang nakita kona to hindi kolang matandaan kung kailan.



"Flores palibutan niyo na tingnan niyo din kung may pwedeng daanan sa likod." Saad ko sa isa naming kasamahan.


Flores: "Yes ma'am, sabihan kona po sila." Nagtakbuhan nadin ang iba papunta sa bodega.


Medyo malayo kase ang pwesto namin pati ng mga sasakyan dahil baka makaramdam agad ang mga tao sa loob.


"Pumasok na tayo, Jared kayo na ni Mikha ang magsama dito ako papasok sa gawing likod."



Mikha: "Buds bat hihiwalay kapa?" Takang tanong nito sakin.



Jared: "Oo nga sumama kana samin."



"Mas okay kung maghihiwa hiwalay tayo, siguradong madaming tao sa loob."


Jared: "Ikaw na nga nagsabing madami tas hihiwalay kapa." Saad niya at parehas padin silang nakasunod sakin.



"Sige na, dito nako."



Mikha: "Kulit talaga non." Rinig kopang saad ni Mikha bago ako makalayo sakanila.



Hindi nadin naman sumunod sa akin yung dalawa nagpunta nadin siguro sa ibang direksyon, ako ay alisto padin sa mga dinadaanan ko mahirap na baka imbes na kami ang mang gulat sakanila baka ang mangyari sila ang gumulat samin.



Nakakita naman ako ng isang maliit na pinto hindi nakalock kaya dahan dahan akong pumasok, pag pasok sa loob bumungad sakin ang malalaking kahon na kahoy naalisto naman ako ng makarinig ako ng iba ibang boses at parang papalapit ito sa pwesto ko.




Boy1: "Ang sabi ni Boss bantayan daw itong droga na isasakay sa truck."



Bodega pala ng droga to?



Boy2: "Ano bang ginagawa natin diba binabantayan nga natin." Sagot naman ng isa.


Boy3: "Pahingi nga akong sigarilyo." Sumilip ako para makita kung nasaan ang pwesto nila pare parehas silang may mga hawak na baril.


Nilibot kopa ang aking mata kung may mga kasama pa itong malapit sa pwesto namin, mabuti nalang at wala at mukhang nasa malayo yung iba.



Nagpunta lang siguro ito sa gawi na'to para magsigarilyo at magbantay ng droga, sigurado akong lahat ng naka kahon na ito ay mga droga.



Napahawak naman ako agad sa baril na hawak ko ng makarinig ako ng apat na sunod sunod na putok.



Boy1: "Putangina ano yon? Napasok na ata tayo." Sigaw nito pagsilip ko ay pare parehas na itong nakahawak sa kanya kanyang baril at tumakbo.


Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon