Someone' Pov
"Ano kamusta ang pinapatrabaho ko sainyo?"
Flores: "Medyo mailap siya sa trabaho ma'am, maaga siyang umuuwi after ng trabaho ay wala na itong ibang pinupuntahan."
"Masaya ba sila?" Tanong kopa.
Flores: "Sa pagkaka alam ko ma'am ay oo meron na silang dalawang anak kambal 4 years old na."
Napahawak nalang ako ng mahigpit sa baso na may laman na alak, hindi ako papayag na magiging masaya ka kung nagawa ko kayong sirain noon kaya ko ulit kayong pag hiwalayin ngayon.
Hindi ako papayag na may makinabang sayo Colet dapat ako lang, walang iba kundi ako lang.
"Gawin niyo ang lahat para madala siya sakin!" Inis na sambit ko.
Flores: "Yes ma'am, masusunod po dadalin po namin dito si Vergara."
Hindi na ako sumagot kaya lumabas nadin si Flores ng opisina, hindi na talaga ako makapag hintay na makita ka Nicolette Vergara.
Sa akin ka magiging masaya, sa akin ka bubuo ng pamilya hindi kay Jhoanna.
___________//////
"Ano nasaan na!? Bakit hindi niyo kasama si Colet?"
Flores: "Ma'am mailap talaga."
DelaCruz: "Kasama niya mga kaibigan niya ma'am, kaya natulungan siya hindi namin siya nakuha nagdatingan ang mga ibang pulis."
Flores: "Naka tawag agad sila ng Backup kaya umatras na kami mahirap madaming pulis ang bumackup sakanila ma'am, baka mahuli pa tayo." Sagot nito.
Buong pwersa kong ibinalibag ang hawak kong baso sa harap nilang dalawa.
"Hindi ko kayo binabayaran para lang sa mga palpak niyong trabaho! Diba madami kayo isa lang ang pinapakuha ko sainyo hindi niyo pa nagawa!" Sigaw ko.
Flores: "Ma'am pasensya napo."
"Anong gagawin ko sa pasensya mo ha!? Mapapakinabangan koba yan ha!?" Malakas ulit na sigaw ko habang nakatutok sakanila ang baril na hawak ko.
DelaCruz: "Ma'am wag po, gagawin napo namin ng maayos ang pinapatrabaho niyo." Nanginginig na sagot nito.
"Lumayas kayo sa harapan ko!" Nagmamadaling lumabas ng opisina ang dalawa, kaya padabog kong binaba ang hawak kong baril sa lamesa.
Napahilot nalang talaga ako sa ulo dahil ang hirap mong kunin Colet, masyado mo kong pinapahirapan.
Kung hindi ka makukuha ng mga tauhan ko, pwes ako gagawa ng paraan para makuha kita!
___________________2017
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)