KABANATA LXXXI

150 8 2
                                    

Jhoanna' Pov







Halata sa mukha ni Colet ang galit sa amin, masamang masama itong nakatingin sa min ng dalin namin siya dito sa dati niyang Condo.


Hindi na namin siya hinayaang makatakas don sa restaurant, paniguradong pinaghahahanap na siya ngayon ni Maxine paniguradong nagsumbong na yung kasama nitong kasambahay at yung bata.


Ito nalang ang paraan para makausap namin siya, para maibalik siya sa amin.




Colet: "Ano bang kailangan niyo sa akin? Ha?" Sigaw nito.



Mikha: "Maiwan na muna namin kayo." Sabay silang lumabas ng kwarto ni Jared at naiwan kaming dalawa ni Colet.



Colet: "Miss ano ba'to? Parang awa niyo na ibalik niyo na ako sa pamilya ko." Parang tinusok ang puso ko sa mga sinabi niya.



"Colet....."



Colet: "Hindi nga ako si Colet, hindi Colet ang pangalan ko!!!" Sigaw nito sakin.



"Ikaw si Colet, walang makakapag pabago non. Hindi kami ang kaaway mo dito, hindi kami kalaban Colet."



Matalim pa din ang tingin na pinupukol nito sa akin.




Colet: "Parang awa niyo na, pakawalan niyo na ako. Gusto ko ng bumalik sa pamilya ko kila Maxine."



"Ako, kami ang pamilya mo Colet."



Colet: "Hindi, hindi totoo yan. Kayo ang dahilan kung bakit muntikan na akong mamatay."



"Hindi totoo yan Colet, walang may gusto na maaksidente ka. Hindi ka pinapapatay nila Mama at Papa alam ko kung gaano ka nila kamahal." Dahil sa sinabi ko ay agad na tumulo ang luha ko.



Ang sakit sa pakiramdam na kinamumuhian niya kami lalo na ang pamilya niya.



"3 years kaming nagdusa Colet, lalo na ako dahil sa aksidenteng nangyari sayo. Colet tatlong taon simula nung mangyari yung aksidente na yon halos lahat kami nagluksa tas ngayong nalaman namin na buhay ka ganyan pala ang sinabi sayo ni Maxine napaka sama niya." Tugon kopa.



Colet: "Hindi masamang tao si Maxine, siya ang dahilan kung bakit buhay ako ngayon siya ang tumulong sakin siya lang ang taong tumanggap sakin kung ano talaga ako, alam kong ayaw niyo para sakin si Maxine kaya pinapapatay nila ko, kayo ang masama hindi siya."




"Yaan ba ang sinabi niya sayo? Hindi ba niya nabanggit sayo na may pamilya kana? Na may anak kana?" Napakunot ang noo niya ng tumingin sakin.




Colet: "Anong pinagsasabi mo? Si Maxine at Missy lang ang pamilya ko."



"Colet hindi....." Napahinto ako sa pagsasalita ng pumasok sa kwarto si Jared at may iniabot sakin.



Ito yung mga picture namin na kailangan ko sakanyang ipakita ng maibigay sakin ni Jared ay agad nadin itong lumabas.




"Ako ang asawa mo, hindi si Maxine."




Colet: "What!? Pwede ba tama na pakawalan niyo nako, hindi ako maniniwala sainyo."



"May dalawa tayo anak Colet at kambal yon, ito si Joey at ito naman si Riley." Saad ko habang pinapakita sakanya ang litrato nung kambal, napakunot ang noo niya ng makita ang sarili niya sa picture na nakayakap pa sa dalawa.



Kinuha niya sakin ang mga hawak kong litrato hinayaan ko lamang siya na makita niya lahat iyon.



"Isa kang pulis, yung dalawang kumuha sayo sila ang kasama mo sa trabaho dimo lang sila kasama sa trabaho yung dalawa nayon ang bestfriend mo." Saad ko ng mapansin kong tinitingnan niya ang picture nilang tatlo nila Jared at Mikha.



Napatingin ito sakin na parang hindi makapaniwala.


"Hindi ako nagsisinungaling Colet, nagsasabi ako ng totoo sayo hindi kami masama tulad ng inaakala mo lalo na ang pamilya mo. Tanggap ka nila tanggap nila tayo hindi totoong ayaw nila kay Maxine tanggap ka nila na babae din ang gusto mo, ikaw mismo ang may ayaw kay Maxine. Colet ako yung mahal mo, ako yung pinakasalan mo since college tayo na nila Mikha ang magkakasama. Ito pa ang mga litrato na kasama natin ang mga ibang kaibigan natin, at yang hawak mong litrato yan yung kasal natin at yung katabi mona yan yan sila Mama at Papa ang parents mo." Sunod sunod na pumatak ang luha mula sa mga mata ko.



Ganito pala kasakit magpaliwanag sa taong walang naaalala, sa kagustuhan kong bumalik siya samin nagiging desperada na ako.



Colet: "Pa....paanong nagka anak ako sayo? Hindi ko maintindihan naguguluhan ako." Saad niya.



Bumukas ulit ang pinto at niluwa ang kambal sabay pang nanlaki ang kanilang mata ng makita ang Dada nila.



Joey: "Dada!!!!!!" Sigaw nito agad tumakbo papunta kay Colet at mabilis itong niyakap.



Tinawagan ko si Manang Loren para dalin dito ang kambal para maipakita kay Colet, sana isa ito sa magiging dahilan para paniwalaan niya kami.



Riley: "Mommy is this real? Dada is alive?"



Joey: "What do you mean Dada is alive? Ofcourse yes."




Titig na titig lamang si Colet sa dalawa niyang anak, halatang hindi ito makapaniwala.




Joey: "I miss you so much Dada, saan kaba nagpunta?" Saad ni Joey habang nakayakap kay Colet.



Samantalang si Riley ay nakatitig lamang sakanyang Ina na si Colet.



Colet: "Kilala niyo ako?" Takang tanong niya.



Joey: "Ofcourse Dada."



Riley: "Anong nangyari sakanya Mommy? Hindi niya ba kami kilala?" Saad nito ng makalapit sa akin.



"Long story baby, maiintindihan niyo din to someday okay? Ang mahalaga ngayon nandito na si Dada niyo." Saad ko, napatingin naman sa akin si Colet.



Nanatili pading nakayakap sakanya si Joey.



"Joey, Riley punta muna kayo kila Tita Mikha at Tito Jared maguusap lang kami ni Dada okay?"



Joey/Riley: "Okay po mommy." Sabay na saad nung dalawa na agad ding lumabas ng kwarto.



Huminga na muna ako ng malalim at nagpunas ng luha sa pisngi bago ulit harapin si Colet, tulala itong nakatingin padin sa mga litrato na kanina pa niya tinitingnan.



"Hindi ako nagsisinungaling, walang nagsisinungaling sayo si Maxine ang may gawa ng lahat kung bakit ka naaksidente kung bakit ka nalayo sa amin."



Colet: "Imposible hindi totoo yang sinasabi niyo. Malay ko bang ginagamit molang yan para mapabalik sa pamilya ko."



"Colet uulitin ko sayo, hindi kami masamang tao, kami talaga ang pamilya mo yung kambal na yumakap sayo anak mo yon sakin mismo, kung hindi kapa din naniniwala, makakaalis kana." Agad napatingin ito sakin.



Hindi ko alam parang lalabas na Ang puso ko sa bigat ng nararamdaman ngayon feeling ko ay pinipiga ito ng mabuti, kung hindi siya maniniwala sa mga sinabi at pinakita ko ay para akong inuubos na kandila sa sobrang sakit, hindi pala madali yung ganitong sitwasyon masyado ng nilason ni Maxine ang utak niya.














__________________2017

Sino gustong sumakal kay Maxine?

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon