Jhoanna' Pov
Dahan dahan kong binuksan ang mata ko isang doctor agad ang bumungad sakin may idea na akong nasa ospital ako dahil puting puti na kwarto agad ang nakita ko ang tanging naaalala kolang ay nawalan ako ng malay tas ito na nandito na ako ngayon.
Doctor: "Mrs.Vergara gising kana pala." Saad nito sakin ng mapatingin ito.
"Ano pong nangyari sakin?"
Doctor: "Wala namang problema sayo Mrs. Vergara normal lang na makaramdam ka ng panghihina, pagka hilo at pagsusuka dahil nagdadalang tao ka." Tahimik lang ako nakatingin sakanya.
Doctor: "You are 5 weeks pregnant Mrs.Vergara." nakangiting tugon nito.
Nang mag sink in sakin ang sinabi nito ay agad na nanlaki ang mata ko.
Parang sasabog ang puso ko ngayon sa tuwa, ito nayon. Ito na yung matagal naming hinihintay na blessing ni Colet, ito na yung pinapangarap naming dalawa matagal na.
Doctor: "Paalala lang ha? Maselan ang pagbubuntis mo kaya kailangan magingat." Agad akong tumango.
"Thankyou po Doc. Ahmm Doc? Pwedeng ako nalang po muna ang makakaalam tungkol dito."
Doctor: "Walang problema, kanina pa nga nangungulit ang wife mo sa labas gustong gusto na pumasok dito para icheck ka. Babalik ang isang nurse dito para ibilin kung anong mga vitamins ang kailangan mong inumin." Napangiti naman ako alam niyo naman si Colet bagay na bagay sakanya name niya sobrang kulit kase non.
Tumango na lamang ako bilang sagot at lumabas na ng kwarto ang doctor natanaw ko naman agad si Colet na kinakausap ngayon ang doctor na kakalabas lang parang nagtanong ito kung pwede ng pumasok dito sa loob agad naman akong napangiti ng magtama ang mata naming dalawa.
Sa sobrang excited at saya ko hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya na magkaka baby na kaming dalawa.
Colet: "Babi ano daw kamusta ka daw? Bakit ka daw nawalan ng malay may sakit kaba? Masama ba pakiramdam mo?" Sunod sunod na tanong niya.
"Love isa isa lang, I'm fine don't worry baka nasobrahan lang ako sa pagtatrabaho kaya ako nawalan ng malay. Hihintayin kolang yung ibibigay na reseta ng nurse after non pwede na tayong umuwi."
Colet: "Sure kang okay kana babi? Papunta na sila Mommy at Daddy Dito sinabihan kona din si Mama at Papa papunta nadin."
"Okay na ako love, wag ka ng magalala." Sagot ko.
Saglit niya akong niyakap ng mahigpit sabay halik sa noo.
Colet: "Grabe ang kaba ko babi akala ko kung ano na nangyari sayo. Wag kana magpapagod ng sobra sa trabaho ah?" Saad niya.
Maya maya lang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Daddy at Mommy kasama nadin niya sila Mama at Papa halos lahat sila ay halata sa mukha ang pag aalala.
Mommy: "Are you okay? Ano daw kamusta bakit ka daw biglang nawalan ng malay." Napatingin naman ako kay Colet halos lahat sila ay naghihintay ng sagot ko.
Deserve naman nila malaman lalo na ni Colet matagal na niya tong pinagdadasal.
"I'm..."
Daddy: "I'm ano anak?" Di makapag hintay na saad ni Daddy.
"I'm pregnant po, 5 weeks."
Papa: "Wow magkaka apo na ako magkaka apo na tayo." Nilingon ko ang asawa ko na tulala lang na nakatingin sakin.
Hindi ba siya masaya?
"Love magkaka baby na tayo." Saad ko sakanya.
Kakalabitin ko sana siya para matigil sa pagka tulala ng bigla ito hinimatay.
My god!
"Love."
Mama: "Anak!! Jusko na shock ata ang anak ko."
Mommy: "Hon tumawag kayo ng doctor."
______________________//
8pm ng mahigit ng makarating kami sa bahay kung tatanungin niyo kung ano nangyari kay Colet opo nahimatay po siya ng dahil sa sinabi ko 30 mins din ang tinagal bago magising si Colet pagkaka himatay, ang sabi ng doctor ay nashock nga lang ito kaya iyon ang nangyari.
Nandito ako ngayon sa sala pinaupo niya muna ako sa sofa siya na daw ang maaasikasong magluto.
Colet: "Babi nagkausap na kami ni Daddy gusto kong maging healthy ka at ang baby natin wag kana muna magtrabaho ha?"
"Pero love...."
Colet: "Please love, ang sabi ng doctor maselan ang pagbubuntis mo kaya dapat mas madalas ang pahinga mo saka baka kang mapagod at mastress."
Wala na akong nagawa kundi tumango nalang, ngayon ay ngiting ngiti si Colet habang busy sa pag luluto.
Ano kaya ang iniisip ng isang to?
Ramdam ko namang masaya siya na magkaka baby na kami lalo na ako syempre ang tagal din namin tong giniling and finally ito na binigay na samin.
After ilang minutes ay inaya na ako ni Colet sa kusina para kumain siya nadin ang naglagay ng rice at ulam na beef broccoli sa plato ko favorite namin parehas itong niluto niya, after niyang maglagay sa plato ko ay naglagay nadin siya ng para sakanya at naupo sa katapat kong bangko.
Hindi ko alam bakit amoy panis yung ulam.
"Love panis na." Napatigil ito sa pagsubo.
Colet: "Huh? Kakaluto lang nyan mahal ko." Takang taka na sagot niya.
"Ang baho, hindi ko gusto yung amoy. Pwede bang bumili ka nalang ng pizza tas fries?"
Colet: "O....osige wait lang kukunin kolang ang jacket ko." Nagmamadali itong pumasok sa kwarto.
Saglit lang ay lumabas nadin ito hawak ang susi ng sasakyan at nakasuot na ng jacket.
Colet: "Mahal ano pa gusto mo? Para mabili kona din." Tanong niya sakin habang nasa tapat na ito ng pinto.
"Gusto ko ng itlog ng pugo love, tas may asin."
Colet: "Mahal saan ba nakakabili non?"
"Try mo sa 7/11." Pabirong saad ko, agad naman siyang tumango at saka lumabas na ng bahay.
Pero no joke yon ang hinahanap ng panlasa ko, inilayo kona din sa akin yung niluto ni Colet medyo na guilty pa ako ng onti enjoy na enjoy pa naman siya habang nagluluto kanina tas hindi ko naman pala makakain, bakit naman kase amoy durian itong beef broccoli.
Pumasok naman lahat sa isip ko ngayon yung mga weird na nangyayari sa akin nung mga nakaraang linggo saka nito lang ding nakaraang araw kaya siguro ang bilis kona magalit at mapagod madalas din ako makaramdam ng hilo, madalas pa nga ang napagbubuntunan ko ng galit ay ang asawa ko mabuti nalang at sing haba ng dagat ang pasensya ni Colet. Kahit na minsan dito siya sa sala natutulog, isa pa yon diko alam kung bakit bahong baho ako sakanya, gusto ko malapit siya sakin pero ayaw ko ng amoy niya maligo o hindi, hindi ko din minsan maintindihan ang sarili ko eh may time pa na ayaw kong madikit ang balat ko sakanya pero gusto ko siyang hawakan, ang weird diba? Normal ba yon sa mga nagbubuntis? Feeling ko ngayon may ubo ako sa utak pag naaalala ko mga ginagawa ko kay Colet.
___________________2017
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)