Colet' Pov
Nandito ako ngayon sa puntod ni Frances dito ako dumiretsyo after ng klase ko, gusto kolang na dito makapagisip isip.
Hindi kona kase alam kung tama paba ginagawa ko, kung tama bang iwasan ko si Jhoanna kung yon ba yung makakabuti pero ngayon pakiramdam ko parang hindi, parang may mali eh nahihirapan ako sa ginagawa ko.
Ito na siguro yung sinasabi ni Gwen na mahirap pigilan, hindi ako umiiwas sakanya dahil ayaw ko sakanya, gusto ko si Jhoanna gustong gusto iba na tong nararamdaman ko higit na to sa mahalaga siya gusto kona yung kapatid ni Frances.
"Ta....tangi? Bigyan mo naman ako ng sign oh? Please?" Saad ko habang nakatingin sa puntod nito.
Ramdam kona din ang pamumuo ng luha sa mata ko.
Namatay naman bigla ang sindi ng kandila sa biglang paghangin ng malakas, kaya mabilis ko ulit tong sinindihan pero paulit ulit lang itong namamatay.
Hinayaan kona lamang ang kandila saka tumayo upang lisanin na ang lugar malapit nadin kasing magdilim halos ako nalang ang nandito. Hindi pa ako nakakalayo sa puntod ay nag angatan na ang balahibo ko nakaramdam ako ng malamig na tila nakabalot sa buong katawan ko, tila parang inaakap ako ng mahigpit kaya napahinto ako sa pag lalakad, at doon ko muling nilingon ang puntod ni Frances maaaring siya ito, hindi ako nagkakamali dahil ganito kagaan ang pakiramdam ko tuwing mararamdaman ko ang yakap niya.
Napangiti ako dahil ngayon ko nalang ulit nararamdaman yung yakap niya pero hindi na sa buhay na Frances kundi sa kaluluwa na niya.
Maya maya lang din ay umalis na ako sa lugar kailangan kong makausap si Jhoanna, kaya nagmaneho na ako papunta sakanila gusto kong mag sorry sa pagiwas ko sakanya.
Gusto kong subukan, at kung mabibigyan man ako ng pagkakataon hindi kona iyon sasayangin.
Pagdating sa tapat ng bahay nila ay agad akong bumaba at pinindot ang doorbell, agad din namang lumabas ang kasambahay na si Nanay Loren kakilala kona ito dahil ito ang madalas naming kasama ni Frances tuwing malilibot ako dito.
Nanay Loren: "Nico anak nalibot ka, halika pasok ka. Wala pa dito sila Ma'am at Sir nasa trabaho pa." Agad na bungad nito sa akin.
"Nandyan po si Jhoanna?" Tanong ko habang naglalakad kami papasok sa loob ng bahay.
Nanay Loren: "Nandito, maupo kana at tatawagin kolang sa kwarto niya sa taas." Iniwan nadin ako nito sa sala at nagmamadaling umakyat ng hagdan.
Rinig kopa ang pagkatok nito sa pinto at pagtawag kay Jhoanna, saglit lang ay bumaba nadin si Nanay Loren.
Nanay Loren: "Susunod na daw siya dito sa baba, teka ikukuha kita ng maiinom mo." Ngumiti na lamang ako.
Pagkaalis ni Nanay Loren ay siya din namang pagbaba ni Jhoanna gulat pa itong napatingin sa akin kaya nagmamadali itong umakyat ulit pabalik sa taas.
"Jhoanna sandali!" Sigaw ko pati ako ay umakyat nadin sa hagdan at sumunod sakanya.
Mabilis nitong sinarado ang pintuan kaya hindi kona siya naabutan, ano bang nangyari don? Galit kaya siya sakin dahil sa pagiwas ko sakanya?
Kinatok kona agad ang pinto."Jhoanna?" Tawag ko habang kinakatok padin ang pinto.
"Jhoanna? Gusto lang kitang makausap." Tugon ko, kakatok sana ulit ako bigla naman nitong binuksan ang pinto.
Nakapag palit na ito ng damit, kanina kase ay nakasando lang ito at naka short ngayon ay naka t shirt na at panjama.
Jhoanna: "Anong ginagawa mo dito? Hindi ka manlang nagsasabi na pupunta ka dito, hindi naman sinabi ni Nanay Loren na ikaw yung bisita." Bungad nito sakin.
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)