KABANATA XLI

347 12 1
                                    

Colet' Pov


Kakadating lang namin ngayon dito sa Condo kasama si Jhoanna dala nadin niya ang mga gamit niya hindi na namin hinintay ang Monday dahil parehas kaming may trabaho bukas. Isa isa ko ng pinasok sa loob ang dala naming maleta na pinag lalagyan ng gamit niya.

"Babi akyat kona to sa kwarto." Saad ko habang hawak ko ang dalawang maleta.

Jhoanna: "Okay love, thankyou."

Nakangiti akong pumasok sa kwarto medyo excited kase ako dahil palagi na kaming magkasama ni Jhoanna magigising ako sa umaga na siya agad ang makikita ko, diba? Sino di maeexcite.

Inilagay kona muna ang dalawang malaking maleta sa tabi ng bed tutulungan kona lang din siya mamaya magayos ng gamit niya, mabuti nalang at malinis palagi itong condo ko kaya hindi nakakahiya kay Jhoanna.


Naglilinis naman talaga ako dito after work ko, ano akala niyo sakin tamad?


Jhoanna: "Aayusin kona ang gamit ko para makapag groceries tayo." Lumapit nadin ito sa maleta saka binuksan.

"Dito mo nalang ilagay sa isang wardrobe cabinet yung mga damit mo babi, meron din dyan extrang hanger. If di kasya lagyan mona din yung isang drawer na'to alisin kolang mga gamit."


Nag umpisa na kaming ayusin ang mga gamit niya ganito pala yung feeling para kaming kakatapos lang ikasal tas maguumpisa ng magsama.


Hindi pala 'parang' kase kasal nalang naman talaga ang kulang saming dalawa eh. Pag hahandaan kona muna iyon ayoko kase mang galing sa parents ko yung gagastusin ko para sa kasal. Madami na sa akin naibibigay sila Mama at Papa meron na akong sariling lupa galing iyon sakanila at doon ko balak itayo ang magiging bahay namin ni Jhoanna at yung mga binibigay nila sa akin na pera nakatabi lang yon sa bangko kumukuha ako pagka need ko, meron din akong sariling sasakyan pati don sa US meron din kung hindi nga ako magtatrabaho ayos lang kase kaya padin akong buhayin ng pera ni Mama at Papa.


"Ang galing mong magayos ng damit babi ah?" Saad ko ng makita ko ang wardrobe cabinet niya.

Jhoanna: "Si Mommy ang nagturo sakin nyan." Nakangiting sagot niya.

"Ano pala babi gusto mong kainin? Para makapagluto na ako?"


Jhoanna: "Sa labas nalang tayo kumain love, mauna kana maligo tapusin kolang to onti nalang naman."

Umakap ako sa likod niya at ipinatong ang ulo sa balikat.

"I love you." Bulong ko sakanya, agad naman itong humarap sa akin.

Jhoanna: "I love you more love." Saad nito habang magkadikit ang noo naming dalawa.


Hinawakan ko ng dalawang kamay ang magkabilang pisngi nito at saka ko siniil ng halik.

Hindi padin talaga nawawala yung kuryenteng nararamdaman ko tuwing maglalapat labi naming dalawa, ito talaga yung pinaka masarap na pakiramdam na nangyari sa buong buhay ko.

Unti unti nadin umangat ang dalawa niyang kamay upang ipatong sa magkabila kong balikat na hindi pinuputol ang halik.

Hindi naman ako nakainom pero para akong lasing dahil sa mga labi niya kada pikit para akong nakalutang dahil sa magandang pakiramdam.

Parehas kaming hingal ng maghiwalay ang mga labi namin nakatitig ako sa maganda niyang mata at ganoon din siya sakin humalik ako sa noo nito pababa sa ilong at binigyan ulit ng isang mabilis na halik ang kanyang labi.

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon