KABANATA X

314 13 0
                                    

Jhoanna' Pov

Kakalabas kolang ng SCO Office ngayon dahil kakatapos lang ng meeting para sa dadating na Program tomorrow, si ate Maloi naiwan pa sa loob dahil kinakausap pa siya ni Ma'am Abby pinauna niya nalang ako at susunod nalang daw siya sa Gymnasium dahil kaming dalawa ang toka ngayon sa pagaayos dito.

Si ate Aiah and ate Stacey naman ay nasa klase pa nila ngayon nagusap nalang kami kanina na sabay nalang kami magla-lunch.

Habang naglalakad ay napatingin ako sa babaeng kasalubong ko si Colet tutok ito sa cellphone habang naglalakad may kasama itong lalaki na ngayon kolang nakita, transferee din ba to?

BOY: "Ssob sige na, tulungan mona ko." Rinig kong usapan nila pero si Colet ay busy na nakatingin sa Cellphone.

Colet: "Piskit ka Jared, ang kulit mo hindi ko nga kaclose si Jhoanna." Napahinto naman ako sa paglalakad hindi kase nila napansin na ako yung nakasalubong nila, nilingon kopa sila at saktong nakahinto din ito pero nakatalikod sa akin.

So Jared pala ang name nung lalaki.

Jared: "Eh bat alam mo yung pangalan?"

Colet: "Malamang kilala siya dito, President nga diba?" Inis na sambit nito.

Jared: "Ang ganda kaya niya, papatulong lang naman na ipakilala ako sakanya eh." Parang nagtatampong sagot nung lalaki.

Colet: "May gusto ka talaga kay Jhoanna no? Aminin mona kase!"

Jared: "Napaka slow mo, ngayon molang napansin?" Natawa nalang ako, wala naman na sakin yung mga ganon.

Actually madami akong naririnig na ganon pero hindi ko naman pinapansin dahil wala pa sa isip ko yung ganyan.

Colet: "As if naman magugustuhan ka non, okay kalang ba? Ang ganda ganda kaya non tas ikaw lang magiging boyfriend? Kahit ako di papayag pre!" Natatawang saad nito, napangiti naman ako sa sinabi niyang ang ganda ganda.

Really Colet?

Kahit pala maiinitin ulo mo nakaka appreciate kadin pala ng mukha ng tao. Wala kase sa mukha niya yon eh, kita molang sa mukha niya na nonchalant ganon parang walang pake sa mundo.

Jared: "Ang sakit mo magsalita pre! Parang dimo ko bestfriend ah?" Umakto pa ito na parang nasasaktan habang nakahawak sa dibdib.

Colet: "Ang arte mo, diko nga yon kaclose." Nakatalikod padin ito sa akin halatang hindi ako napapansin.

Kaya nilapitan kona, para matapos na ang bangayan nila.

"Hi, may problema ba?" Kunwaring tanong ko kahit alam ko naman yung pinaguusapan nila.

Napatingin naman ako sa Jared na ngayon ay titig na titig sakin habang nakatikom ang bibig.

"May problema ba?" Nakita ko namang siniko nung Jared si Colet kaya napatingin ito sakin nanlaki pa ang mata nito.

Colet: "Ano kase, pwede bang makuha number mo?"

Colet: "I mean ano....ahhh ano ba. Pwede bang ano makuha niya number mo?" Tugon pa nito.

Jared: "Nakakahiya ka, bat ba nabubulol kapa?" Bulong nito kay Colet pero siniko lang siya ni Colet.

Colet: "Si Jared nga pala, bestfriend ko gusto ka daw niya makilala eh."

Jared: "Hi Jhoanna, Jared Espinoza pala." Saka nito nilahad ang kanyang kamay na agad kong inabot.

"Jhoanna Robles, nice to meet you! Sorry ah diko kase binibigay number ko eh."

Jared: "Robles? Robles surname mo?"
Tumango naman ako.

Colet: "Wag kang magisip ng kung ano, madaming Robles sa mundo." Bulong nito sa kaibigan niya kaya hindi ko narinig.

Jared: "Ayos lang yon, Salamat Jhoanna!" Saka nito hinatak si Colet.

Ako ay naglakad nadin papunta sa Gym.

Colet: "Ano okay na? Nakakahiya ka piskit ka nabubulol ako dahil sayo!" Rinig kopang saad ni Colet.

Kaya natawa nalang ako habang naglalakad ang cute nilang mag bestfriend isang maiinitin ulo at torpe.

Habang nagaayos dito sa Gym ay dumating nadin si ate Maloi may dala itong Ice coffee.

Maloi: "Magkape na muna tayo, deserve natin to!" Sabay abot nito sakin.

Nagulat naman kaming dalawa ni ate Maloi nang biglang sumulpot dito si Tan.

Tan: "Hi Pres, hello ate Maloi! Need niyo ng tulong?"

"Hindi naman kaya na namin to." Sagot ko.

Tan: "Kung kailangan niyo ng tulong, tawagin niyo lang ako ah?" Saka ito naglakad paalis papunta don sa mga kasama niya.

Maloi: "Nanliligaw padin ba sayo yon?"

"No, at hindi ko pinayagan manligaw sakin yon ate." Agad na sagot ko.

Maloi: "Oh bat pinagkakalat niya na nanliligaw daw siya sayo? Kailan koba narinig yon last week ata narinig ko sa mga nagchichikahan na girls. Ngayon ko nga lang naalala dapat tatanungin kita about don eh." Mahabang sagot ni ate Maloi na kinagulat kopa.

Never nga akong nagpaligaw sa kahit na sino eh.

"What? Nagchachat siya sakin madalas, pero wala akong natatandaan na pinayagan ko siyang manligaw ni hindi ko nga nirereplayan mga chat non eh."

Maloi: "Delulu talaga yong si Tan hano? Gwapo nga feelingero naman." Saad pa nito habang inaayos ang mga tela.

After namin magayos ni ate Maloi ay inaya kona siya sa Cafe at lunch nadin naman saka naghihintay nadon yung dalawa.

Pagpasok namin ay natanaw kona agad yung dalawa busy ito sa pagchichikahan kaya hinatak kona si ate Maloi papunta don sa dalawa.

Stacey: "Kamusta alipin ng PSU, maayos naba ang Stage sa gym?"

Maloi: "Yeah, kapagod nga eh kami pa ni Jho ang natoka don."

Aiah: "Para mawala pagod niyo, order na tayo para makakain na."

Mikha: "No need na, ito na pagkain niyo." Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot nito.

Maloi: "What is the meaning of this?" Tanong nito habang naniningkit ang mata na nakatingin kay ate Aiah.

Dumating din si Colet at may dala dala ding pagkain kasama niya yung Jared saka si Sheena at Gwen.
Nang naibaba nila ang pagkain ay umalis nadin ito.

Stacey: "Aiah ano yon ah?"

Aiah: "Nanlibre lang yung tao, birthday niya ata."

"Sus! Nung nakaraan sabi mo nagchachat sayo yon. Baka naman nililigawan kana ngayon?" Pangaasar ko tumingin naman ito sa akin ng masama.

Maloi: "O to the M to the G! Bading kana din Aiah!!!!" Kinikilig na saad nito, Oa din talaga madalas si ate Maloi eh.

Aiah: "Maloi huy! Hinaan mo nga boses mo baka marinig ka non. Oo na oo na, nanliligaw siya sakin. Okay naba pwede naba tayong kumain?"

Maloi: "Kinikilig ako hays, sana all!"

Napailing nalang ako sa sobrang oa ni ate Maloi, napatingin naman ako sa pwesto nila Colet at saktong nagtama ang mata naming dalawa.

Kanina paba niya ko tinitingnan?

Siguro ay 20 secs pa kaming nagkatinginan naputol lang ito ng may biglang dumaan pagtingin ko ulit ay tutok na ito sa pagkain niya.

Kaya naupo nadin ako at nagumpisang kumain dahil napagod din ako sa pagaayos sa Stage.



___________2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon