KABANATA LXXIII

208 8 1
                                    

Jhoanna' Pov






After ko makapag luto ng dinner ay chineck kona ang dalawang bata sa kwarto nila after kase naming mag lunch kanina ay hindi naglaro sa sala yung dalawa dumiretsyo sa kwarto nila gusto daw matulog, kailangan kona sila gisingin at baka wala silang itulog mamayang gabi mabilis lang ang oras mamaya lang din ay magchachat na si Colet na pauwi na siya.



Iinitin ko nalang ulit yung niluto ko pag dating ni Colet maaga kase talaga ako nagluluto ng pang dinner dahil before 6pm pauwi na si Colet  para hindi na siya maghintay madalas din kase maaga inaantok yung dalawa pag nasobrahan sa paglalaro maaga kona pinapakain ng dinner, pero ngayon mukhang makakasabay namin sila magdinner dahil nakatulog sila ng tanghali. Minsan pag talagang di naaabutan ni Colet na gising dalawang anak niya hindi matiis ginigising talaga niya saka pinupugpog ng halik.





Nakakatuwa lang at may ganitong pakiramdam na nangyayari sakin, samin ni Colet na dati iniisip lang namin sobrang bilis nga din ng panahon ang tagal na naming nagsasama at ang bilis din lumaki ni Joey at Riley ganon siguro talaga pag masaya ka hindi mona namamalayan yung mga nagdadaan na araw.




Speaking of Colet, tatlong araw kona siyang napapansin na parang malalim ang iniisip pag tinatanong ko naman palagi niyang sinasabi na about lang sa trabaho para kaseng meron siyang hindi sinasabi sakin nararamdaman ko yon dahil asawa niya ako kaya kahit hindi niya sabihin alam kong may gumugulo sa isip niya. Ang dalas niya kaseng tulala, palagi siyang nakaupdate sakin sanay naman ako don kase ganon naman talaga si Colet pero doble ngayon halos minu minuto din niya kaming kinakamusta, saka nung mga nakaraang araw ay hindi niya kami hinahayaang lumabas na hindi siya kasama kaya medyo may pagtataka lang sakin, hindi ko alam ayoko naman magisip ng negative kaya gusto ko sana malaman mismo kay Colet kung bakit.




Pag pasok ko sa kwarto ng mga bata ay agad na akong lumapit saka parehas itong hinalikan.



"Joey, Riley wakey wakey napo." Saad ko at dahan dahan pading hinahalikan ang pisngi nilang dalawa.



Sabay na sabay itong nagdilat ng mata at sabay din nag unat ng katawan, kambal nga. Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ang kambal madami sa mga kaibigan namin na sinasabi na kamukhang kamukha daw ni Colet ang kambal lalo na yung labi at ilong ang nakuha lang sakin ay yung mata talaga syempre sa ugali naman parehas namang verygood itong kambal lalo na si Riley, Colet na Colet ang datingan tahimik na tahimik pero nakakatakot magalit about naman kay Joey walang kasing daldal mauubusan ka talaga ng laway sobrang bibo, sana nga wag mona silang lumaki agad gusto kopa din sila maging Baby ng matagal.




"Dali na wakey na baka maabutan kayo ni Dada na tulog pa."



Joey: "I'm sleepy pa mommy."



Riley: "Me too." Saad nung dalawa habang kinukusot ang kanilang mata.




"Baka wala na kayong itulog mamayang gabi, sige na tayo na wait natin sa sala si Dada okay? Malapit na siya umuwi."



Joey: "Okay po mommy." Saad nito habang si Riley naman ay ngumiti lang at tumango.



"Labas na kayo dyan okay?" Saad kopa bago lumabas ay parehas ko muna silang hinalikan sa noo.




Pag labas ko ng kwarto ay agad akong nagpunta sa kusina bigla akong nakaramdam ng uhaw, pag kuha kopa lang ng baso ay bigla na lamang itong bumagsak medyo napatili pa ako dahil maayos naman ang pagkakahawak ko sa baso hindi ko alam kung bakit ko nabitawan.




Joey: "Mommy ano po yon?"



"Nothing po baby." Sagot ko saka nagmamadaling kinuha ang mga bubog sa sahig.



After ko pulutin at linisin lahat ng bubog ay bigla akong nakaramdam ng kaba at bigat ng pakiramdam kaya napahawak ako agad sa dibdib ko. Kumuha ulit ako ng panibagong baso para makainom ng tubig.



Kinuha ko din ang cellphone ko at mabilis na dinail ang number ni Colet wala padin siyang chat na pauwi na siya ganitong oras ay naka out nayon sa trabaho. Ilang beses lamang nagriring pero hindi niya sinasagot, kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko, dahil hindi ako mapakali pati si Jared ay tinawagan ko dalawang ring palang ay nasagot agad nito.




"Hello Jared? Nasa presinto kapa ba? Tanong ko sana kung nandyan pa si Colet." Saad ko ng sagutin nito ang tawag ko.



Jared: "Hello Jho, wala na ako sa presinto kasama ko ngayon si Maloi sa Mall. Nauna siya samin umalis ni Mikha sabi niya may bibilin daw siya para sayo at sa kambal. Why may problema ba?" Sagot niya mula sa kabilang linya.



"Ganon ba, wala pa kase siyang update hindi din siya sumasagot sa mga chat, text at tawag ko. Nagaalala kase ko medyo kinakabahan nadin."




Jared: "Try ko din siya i-call, wag ka masyado magalala okay? Tawagan agad kita pag nasagot niya tawag ko."



"Thankyou Jared, pasensya na sa istorbo. Ikamusta mo nalang ako kay ate Maloi."



Jared: "No problem Jho naririnig ka ng ate Maloi mo miss kana daw niya, ingat kayo dyan sa bahay."




"Okay thankyou." Saad ko saka pinatay nadin ang tawag.




Hindi ko alam talaga kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko, ayokong magisip na may nangyari kay Colet pero hindi maiwasan dahil last chat niya ay maaga siyang uuwi wala naman daw siyang gaanong gagawin sa presinto.


Binuksan kona muna ang Tv dito sa sala para makanuod ang dalawa nakakadalawang baso nadin ako ng tubig na nauubos hindi kase talaga ako mapakali eh.


Baka nga may binili lang siya tulad ng sabi ni Jared, pero kase magsasabi yon magchachat yon tatawag yon sa akin kase nung mga nakaraang araw minu minuto nagchachat yon kaya nakakapag taka lang ngayon.



Riley: "Mommy are you okay?"


"Yes baby, tinatawagan kolang si Dada." Tumango lang ito bilang sagot at binalik na ulit ang tingin sa pinapanuod.



Bumalik ulit ako sa kusina para kumuha ng tubig ng bigla namang tumunog ang cellphone ko nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko na si Colet ang tumatawag kaya agad kong sinagot binaba kona din muna ang hawak kong baso, napakunot naman ang noo ko dahil boses ng lalaki ang aking naririnig sa kabilang linya medyo magulo pa nga may naririnig din ako mga busina ng sasakyan.




"Hello? Sino po ito? Nasaan po yung may ari ng phone?" Agad na tanong ko.


Unknown: "Hello? I think ikaw yung asawa, yung may ari ng phone naaksidente." Napatulala na lamang ako.



Napahawak nadin ako sa table na malapit sakin dahil feeling ko ay babagsak ako.



Unknown: "Hello? Hello? Kinuha na siya ng ambulansya."


"Wa....wait saang hospital dadalin?"


Unknown: "Ambulance ng Taguig Hospital ang kumuha sakanya."



Pagka patay ng tawag ay patakbo akong nagpunta sa garahe para kausapin si Mang Albert parang lalabas ang puso ko sa sobrang kaba ang bigat nadin ng mata ko pati dibdib ko ay sobra nadin ang bigat na nararamdaman. Kaya siguro kanina pa ako kinakabahan, kaya siguro grabe ang pag aalala ko ngayon kase may ganitong mangyayari.













_______________________2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon