KABANATA LIX

346 13 2
                                    

Jhoanna' Pov




Tatlong araw nadin ang lumipas ng magkausap kami sa personal ni Colet simula din non ay wala ako sakanyang narereceive na chat text or kahit tawag, sinabi din sakin ni Mikha na tatlong araw nadin daw itong hindi pumapasok sa trabaho, pinuntahan daw nila sa Condo pero nakalock lang ito at walang sumasagot, sinubukan din daw nilang itext at tawagan pero hindi din sumasagot, sinabi ko nalang kila Mikha na pag nakausap nila ay balitaan nila agad ako.



Hindi ko namang maiiwasang magalala, kahit naman galit ako sakanya ay mahal kopa din naman si Colet hindi naman agad iyon mawawala sakin, siguro ay nasaktan din siya sa mga sinabi ko nung huling paguusap namin kaya hinayaan na niya ako.



Simula ng makita ko ang mga picture nayon ay hindi na ako nakapag focus sa trabaho hanggang ngayon dahil puro yon lang ang pumapasok sa isip ko.



Halos mapatayo ako sa gulat ng biglang tumunog ng malakas ang cellphone ko, si ate Maloi tumatawag kaya dali dali kong sinagot.




Ate Maloi: "Hello Jho? May ginagawa kaba?" Agad na bungad niya mula sa kabilang linya.


"Wala naman ate, why?"


Ate Maloi: "Pwede bang pumunta ka dito sa Coffee shop malapit sa mall may importante kaming sasabihin sayo, kasama ko si Aiah at Stacey ngayon pati nadin si Gwen at Sheena."



"About saan ate? Kung pipilitin niyo lang ako ate makipag ayos kay Colet wag nalang." Agad na sagot ko.



Ate Maloi: "Hindi Jho, importante to. Dalian mona."



Napa buga nalang ako sa hangin.



"Okay sige, punta nako." Saka ko pinatay ang tawag.



Lumabas nadin ako ng opisina at dumiretsyo sa elevator.


Pag bukas ay naglakad na ako papunta sa parking lot dala ko kase ang isa naming sasakyan para hindi na ako sunduin ngayon ni Mang Albert. Nagdrive nadin ako papunta sa sinasabi ni ate Maloi na Coffee shop.



Entrance palang ng Coffee shop ay nag init na agad ang ulo ko tanaw ko din agad sila ate Maloi kasama si Maxine, ang kapal talaga ng mukha ng malanding babaeng na to.


Pag lapit ko ay isang malakas na sampal ang binigay ko sakanya, napatayo nadin sila ate Maloi.



Stacey: "Jho tama na." Pigil nito sakin hawak nadin ako ni ate Aiah sa kabilang kamay.



"Ang kapal ng mukha mong humarap sa mga kaibigan ko? Pagka tapos mong landiin si Colet ha?" Sigaw ko, pinagtitinginan nadin kami ng ibang customer.



Aiah: "Jho calm down." Pagpapakalma pa nito sakin.



Maloi: "Kaya siya nandito para humingi ng tawad sayo kaya ka namin pinapunta dito para malinawan tayong lahat sa nangyari."



Maxine: "Patawarin moko Jhoanna, nabulag ako sa pagmamahal kay Colet sa kagustuhan kong makuha siya gumawa ako ng paraan." Binuksan nito ang dala dala niyang laptop.



Maloi: "Pakinggan mo muna siya." Saad ni ate Maloi sakin.



Maxine: "Walang kasalanan si Colet, ako ang may kasalanan ng lahat. Wala talagang nangyari samin, nakaplano lahat yon dahil gusto kong makuha si Colet." Napayuko na lamang siya habang sinasabi niya yon.



Medyo kumalma nadin ang pakiramdam ko.



Maxine: "Wala siyang bukang bibig nung araw nayon kundi ikaw, puro ikaw Jhoanna ang binabanggit niya." Tugon niya pa saka iniharap sakin ang laptop saka nagplay ng video.



Kita ko ang pag pasok nila sa kwarto akay akay ni Maxine si Colet na walang malay dahil sa kalasingan, tinanggalan niya ng polo si Colet at inihiga sa kama nagtanggal din ng damit si Maxine at tumabi kay Colet pilit niyang hinahalikan pero todo iwas lang si Colet, kita din sa video na nagpicture si Maxine iyon siguro yung mga nakita ko, buong video ay wala namang nangyari mahimbing lang na natutulog si Colet hanggang magumaga halata kay Colet na gulat pa ito at takang taka dahil nasa ibang kwarto siya.



Maxine: "Patawarin moko Jhoanna, maling mali yung ginawa ko, nabulag talaga ako sa kagustuhan kong makuha si Colet." Lumuhod nadin siya sa harap ko hawak hawak ang kamay ko.



"Hindi lahat ng gusto mo eh makukuha mo, hindi kalang dapat sakin mag sorry pati nadin kay Colet."
Seryosong saad ko.



Maxine: "Galing siya samin nung nakaraang araw lasing na lasing at galit na galit sakin nagpapabaril siya kay Daddy dahil mas gugustuhin pa daw niyang mamatay kesa pakisamahan ako. Nasaktan siya ni Daddy nasuntok siya ng dalawang beses. Sorry talaga Jhoanna." Napatayo naman ako agad sa sinabi niya.



Aiah: "Jho saan ka pupunta?" Pigil niya sakin ng magumpisa ako maglakad.



"Pupuntahan ko ate si Colet."



Gwen: "Samahan ka namin ni bebe." Tumango nalang ako.



Maloi: "Magingat kayo ah? Balitaan niyo nalang kami."




Naglakad na kami palabas ng Coffee shop sinundan nalang din ako ng dalawa papunta sa Condo ni Colet dahil may dala silang sasakyan.



Hindi ko mapigilang maguilty sa lahat ng mga masasakit na salita na binitawan ko kay Colet masyado akong nagpakain sa galit dapat pala talaga hinayaan ko siyang mag paliwanag, dapat pinaniwalaan ko siya.



Pinag bintangan ko siya sa kasalanang hindi naman niya talaga ginawa, hindi niya pala talaga ako niloko.



Gwen: "May susi kaba?" Tanong niya sakin ng matapat kami sa pinto ng condo agad naman akong tumango.



Sheena: "Ate Jho paano kung wala dito si ate Colet? Diba pinuntahan na nila Mikhs at Jared wala naman daw?"



"Kung wala siya dito, kila Tito natin siya pupuntahan." Agad na sagot ko saka ko binuksan ang condo.



Makalat na sala ang bumungad samin ng makapasok kaming tatlo, nagkalat na bote ng alak kahit sa kusina ay may mga bote din ng alak yung iba ay may onti pang laman. Hindi ko mapigilang mainis sa sarili ko hindi ko siya inintindi kaya siya nagka ganito.




Sheena: "Omg! Grabe puro bote ng alak ah."



"Check kolang siya sa kwarto namin." Saad ko saka ako naglakad papunta sa kwarto namin.



Agad kong nabuksan dahil hindi naman ito nakalock wala siya dito ganon din ang nadatnan ko makalat na kwarto puro bote din ng alak meron ding ash tray na merong laman na upos ng sigarilyo.



Kailan pa siya nagyoyosi?



"Colet?" Tawag ko sabay katok sa Cr nakalock ito malamang ay nandito siya sa loob.



Gwen: "Nandyan ba siya sa loob?"



"Hindi ko sure pero nakalock eh. Colet? Nandyan kaba?"


Sheena: "Wala kabang susi nyan ate?" Umiling ako.



Gwen: "Sirain na natin, alis kayo dyan." Saad niya habang hawak hawak niya ang baseball bat ni Colet.



Malakas niyang hinampas ng paulit ulit ang doorknob hanggang sa masira, nang masira ay malakas niya din tinadyakan ang pinto kaya biglang bumukas.



Gwen: "Colet!!!" Agad na sigaw niya.



Wala itong malay na nakahiga sa loob ng Cr kaya agad din akong pumasok sa loob ng Cr, kusa nading bumagsak ang mga luha ko mula sa mata, kung hindi ko siya tiniis sana hindi siya nangyayari sakanya to.



Gwen: "Humihinga pa, dalin na natin siya ng ospital."



Pinagtulungan na naming tatlo ilabas si Colet sa loob ng condo ng makita kami ng guard ay agad itong lumapit samin para tulungan kami siya nadin ang bumuhat kay Colet papunta sa sasakyan.












___________________2017

Author note: Sorry na late ang update, busy masyado.

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon