KABANATA L

361 12 0
                                    

Colet' Pov



Ngayong araw ang kasal ni Stacey at Lance nandito nadin kami ngayon sa venue halos kumpleto na kaming magkakaibigan dito syempre pati ang bagong kasal tapos nadin kami kumain ng masasarap diko akalain na anak pala ng matataas na tao itong si Lance kaya sobrang garbo ng kasal nilang dalawa halatang malaki ang ginastos kahit sa mga hinandang pagkain makikita mong sosyal.



Napatingin naman ako sa katabi ko na ngiting ngiti na nakatingin sa kaibigan niyang si Stacey.



"Don't worry babi, sa susunod magiging ganyan kadin kaganda pag kinasal tayo." Nakangiting saad ko sabay hawak sa kamay nito kaya napatingin siya sakin.



Jhoanna: "I know love, masaya lang ako para kay ate Stacey." Agad na sagot niya sakin na kinangiti ko.



Jared: "Pre hindi na kana makakatakas nyan pagka gusto mong uminom may misis kana." Birong saad ni Jared.



Lance: "Pre magpapaalam nalang ako Hahahaha." Sagot niya sabay tingin sa misis niya na katabi niya lang.




After ng bigayan ng regalo ay nakapwesto na ang ibang girls sa likod ni Stacey para sa ihahagis na bulaklak, naiwan kami sa table ni Jared, Mikha, Gwen.




"Bro grabe yung girlfriend mo parang babalyahin ang ibang girls makuha lang yung bulaklak ah." Natatawang saad ko natawa naman agad si Gwen habang nakatingin sa Girlfriend niyang parang naglalaro ng harang taga.




Mikha: "Gusto na ikasal sayo, mag propose kana kase."



Jared: "Eh kung ikaw din kaya kay Aiah? Naunahan na namin kayo oh?"




Gwen: "Plano kona yon, saka na pag may result na ng board exam. Eh Ikaw ba Bro kailan mo balak?" Tanong nito sa akin.



"After na ng kasal ni Jared, Plano kona yon."



Jared: "Ikaw buddy?" Tanong niya kay Mikha.



Mikha: "Ngayon na." Sabay sabay naman kaming napatingin sakanya habang nanlalaki ang mata.



Pero nawala din ang tingin namin kay Mikha ng maghiyawan ang mga girls nagtatalunan sila kahit ang girlfriend ko ay tumatalon din kaya pala mga tuwang tuwa dahil si Aiah ang nakakuha ng bulaklak na hinagis ni Stacey.



Gwen: "Bromikhs it's time to shine!" Sabay siko pa nito kay Mikha.



"Go na, sabi mo ngayon ka magpopropose." Itinayo kopa ito mula sa pagkaka upo at bahagyang tinulak palapit kay Aiah.



Stacey: "Feeling ko may gustong sabihin si Mikha." Saad nito gamit ang Mic.



Lumapit ito kay Mikha at saka bumulong iniabot nadin niya ang Mic kaya itong si Mikha ay dahan dahan ng nagpunta sa gitna napatingin naman ako kay Aiah na titig na titig ngayon kay Mikha sa gulat nadin siguro.




"Buds namumutla ka, chill kalang." Sigaw ko sinamaan lang ako nito ng tingin na kinatawa ko.



Mikha: "Ahmmm......I know naman na madami na tayong pinagdaanan pinagtalunan at masaya ako na nagstay kapa din sakin sa kabila ng lahat ng pinagawayan natin, I think this is the right day, right time to ask you this......"




Huminto ito sa pagsasalita at may kinuha sa bulsa ng mailabas na niya ang maliit na box don na siya lumuhod hindi pala talaga nagbibiro ang isang to sa sinabi niya na ngayon siya magpopropose kay Aiah seryoso pala talaga siya.



Mikha: "Mariah Queen Arceta will you marry me?"



All: "Yes na agaaaad!!!!" Halos sigaw ng lahat.



Maloi: "Haba ng hair talaga Aiah!"



Jared: "Lakas mo talaga buddy."



Gwen: "Bromikhs lang malakas."



Sheena: "Yes na agad ate Aiah!" Pinaka malakas talaga sigaw ni Sheena seryoso.



Aiah: "Yes, yes of course." Kaya nagsigawan nanaman ang mga nandito sa Venue at pinaka malakas nanaman ang kay Sheena.



Nang maisuot ni Mikha ang singsing ay mabilis niyang niyakap si Aiah kaya napuno ulit ng sigawan dito.



Napatingin ulit ako kay Jhoanna na masayang masaya na nakatingin kay Aiah at Mikha sa gitna.




"Wait molang ako babi, ikaw na ang next na masaya nilang tinitingnan dyan sa gitna." Bulong ko sa sarili ko.



Bumalik nadin sa table ang mga kaibigan ko nandito nadin sa tabi ko ang girlfriend ko sa kabila ay katabi kona din si Mikha na malawak na malawak ang ngiti.



"Akala ko buds nagbibiro kalang kanina, totoo palang magpopropose ka."



Mikha: "Ikaw lang buds eh wala kang bilib sakin eh." Umakbay pa ito sakin.



"Napabilib moko ngayon Buds." Natatawang saad kopa.



Mikha: "Kayo na next ni Gwen ah, wag na kayo magpahuli."



Gwen: "Dadating tayo don, wag kang magalala." Sabay kindat pa nito kay Mikha.



Jhoanna: "Mikha pag sinaktan mo si ate Aiah babawiin ko sayo yan ha?" Natawa naman si Aiah at Mikha kahit ako ay natawa din sa banta niya.




Mikha: "Don't worry Jho, hinding hindi ko gagawin yon kay ate Aiah mo." Nakangiting sagot niya.



"Babi naiinggit kaba sa kanila?" Napalingon ito agad sakin dahil siguro sa tanong ko.



Jhoanna: "No love, masaya lang ako para sakanila saka alam ko naman na dadating din tayo don."



"What if hindi? What if hindi tayo dumating don?" Biro ko agad na napataas ang kilay niya.



Jhoanna: "Ede kay Maxine ka magpakasal." Sabay irap nito sakin natawa naman ako.



"Joke lang babi, I'm just asking lang naman po, of course hundred percent sure ikaw ang ikakasal sakin soon wala ng iba." Saka ko ito mabilis na hinalikan sa labi kaya namula ang pisngi nito.



Jhoanna: "Siguraduhin mo Nicolette Vergara kase ipapakulam kita para dika maging masaya." Lalo pa akong natawa sa sinabi niya.



"Ang scary naman babi, ikaw lang ang papakasalan ko promise." Tinaas kopa ang isang kamay ko na parang nanunumpa ng panatang makabayan.




Maloi: "Masyado na kayong sweet dyang dalawa, sa bahay daw nila Lance at Stacey gaganapin ang inuman." Humawak pa ito sa parehas naming balikat ni Jhoanna.




Pagdating namin sa bahay nila ay parehas kaming nagulat ni Jhoanna sa sobrang laki sariling bahay na ito nung dalawa, dapat mag anak sila ng mga dose siguro para naman mapuno yung bahay na'to ang laki eh.



Lance: "Pasok na guy's, tayo tayo lang ang nandito yon kase ang request ni Misis." Sabay tingin niya kay Stacey.




Maloi: "Grabe naman Lance itong pinagawa niyong bahay, aalog alog kayong dalawa dito sa sobrang laki." Nagtawanan naman kami dahil totoo nga naman sila palang dalawa ang titira eh ang laki ng bahay.



Pumasok nadin kami sa loob kumain nadin naman kami kaya ang mga nakahanda na sa garden ay ang mamahaling alak mismong pulutan mamahalin din.



Parang ang hirap gawing pulutan nito steak ba naman parang ang hirap ilulon, fish ball at kikiam lang kase tinatanggap ng lalamunan ko pagka nagiinom eh. Kahit naman may pera kami ng pamilya ko alam ko yung mga ganong pulutan kahit nga happy na mani papalagan koyan basta maayos ang kainuman.










_________________2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon