KABANATA LXXIV

306 11 4
                                    

Jhoanna' Pov






Pag dating ko sa hospital ay nagtanong na agad ako sa mga nurse dito ako tinuro sa 2nd floor nandito ako ngayon sa tapat ng kwarto kung nasaan si Colet at wala pading balita kung ano ang lagay dahil grabe daw ang nangyari kaya mas lalong bumigat ang pakiramdam ko kanina padin ang pag iyak ko simula sa bahay hanggang ngayon. Yung kambal ay pinahatid kona muna kila Mommy sinabi kona din sakanila ang nangyari kay Colet agad ko daw silang balitaan kung kamusta na pati sila Mikha at si Mama at Papa ay sinabihan kona din kaya papunta na sila dito.




Jared: "Jho kamusta na daw?" Agad na tanong nito sakin.



Si ate Maloi ay agad akong niyakap kasama nadin nila si Mikha at ate Aiah. Kita ko din sa mukha ni Mikha ang lungkot halatang kakaiyak lang din ganon din si Jared.



"Nasa loob pa, wala pang lumalabas na doctor." Matamlay na sagot ko.



Ilang minutes lang ang lumipas ay dumating nadin si Gwen at Sheena kasabay si Lance at ate Stacey. Kasunod nadin sila Mama at Papa na maga din ang mga mata.



Agad akong napatayo ng may lumabas na nurse.


"Kamusta po? Ano napo lagay nung pasyente?"



Nurse: "Pasensya napo, si Doc po ang makakapag sabi kung ano ang lagay ng pasyente. Nirerevive papo siya hanggang ngayon." Sagot nito at saka umalis.



Napaupo na lamang ako sa sahig at tuloy padin ang pag iyak dahil parang ubos na ubos na ang lakas ko parang anytime sasabog nako sa bigat ng nararamdaman.




Please Colet lumaban ka para sakin, para samin please.



Lord please!!!!!



Maloi: "Jho magiging okay si Colet." Saad nito sabay yakap ulit sakin.



Mama: "Doc kamusta ang pasyente?"



Doctor: "Ginagawa po namin ang lahat ng aming makakaya para madugtungan ang buhay ng pasyente, sa ngayon po ay 50/50 po ang pasyente  dahil madaming organ ang naapektuhan sa nangyaring aksidente madami nadin nawalang dugo ang pasyente bago makarating dito." Para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig.



Hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala si Colet.



Mikha: "Gawin niyo lahat ng makakaya niyo please doc, lalaban yang si Colet please gawin niyo lahat."
Pag mamakaawa ni Mikha kaya mas lalo akong naiyak, halos lahat kami dito ay nagiiyakan na lalo na si Mama na napaupo nalang at humagulgol ng iyak.



Kahit si Lance ay kita kona din ang pag iyak lalo na si Jared at Papa na parehas nakaharap sa bintana kung saan nasa loob si Colet.



"Pw....pwede po ba namin siya maki...makita?"



Doctor: "Sorry pero maselan talaga ang nangyari sa pasyente kaya kailangan mona naming ng maraming pag tetest para masigurado namin ang kalagayan ng pasyente. Sasabihan na lamang namin kayo kung kailan niyo siya pwedeng makita." Saad nito, saka umalis.




Mikha: "Please buds lumaban ka." Umiiyak na saad ni Mikha habang yakap yakap siya ni Aiah.



Gwen: "Malakas si Colet, makakasama ulit natin siya."



Hindi ko alam kung kanino ako magagalit, bakit kailangan mangyari to kay Colet napaka dami niyang nagawang mabuti madami nadin siyang natulungan bakit sakanya nangyayari yung ganitong sitwasyon.



Please Lord, ilaban mo si Colet.



Kailangan namin siya, kailangan namin siya nila Joey at Riley madaming naghihintay at nagmamahal sakanya.







__________________/////





Tahimik lamang ako nakatitig kay Colet hindi kopa din mapigilang umiyak dahil ang hirap makitang ganito si Colet na walang malay madaming sugat kahit sa mukha, tatlong araw na siyang tulog tatlong araw na simula ng mangyari ang aksidente, tatlong araw nadin siyang hinahanap sakin ni Joey at Riley. Wala din akong tulog dahil gusto kong pag dilat ng mata niya ay makikita niya agad ako.



"Love namimiss na kita, namimiss kana namin ni Riley please gumising kana." Sana naririnig mo ko Colet, sobrang miss kana namin.




Ako lamang mag isa ang nagbabantay ngayon sakanya dito, halos kakaalis lang din nila Mama at Papa saka kuya Cyrille sila ang nagbantay kagabi hanggang ngayong umaga gusto daw kase nila na makapagpahinga ako kahit papano pero kahit nasa bahay ako di pa din ako makatulog, ang hirap matulog sa ganitong sitwasyon.


Sila Daddy at Mommy ay dumalaw din kahapon pinakiusap kong wag na nila isama ang dalawang bata dahil ayokong makita nila ang Dada nila na ganito kaya iniwan na muna saglit kay Nanay Loren ang dalawa. Sila Mikha, ate Aiah at ate Maloi pati na Jared ay papunta na ngayon para samahan ako dito. Sila Gwen, Sheena at ate Stacey at Lance ay sa susunod na lamang dadalaw dahil may kailangan silang asikasuhin.



Nawala naman ako sa pag iisip ng biglang may pumasok na nurse halatang nagulat pa ito ng makita ako kahit ako nagulat, hindi manlang kase siya kumatok.



Nurse: "So...sorry ma'am, ichecheck ko lang po ang pasyente." Nauutal na saad nito.


Bigla namang nag ring ang cellphone ko kaya mabilis kong kinuha para sagutin kung sino ang tumatawag.



"Okay sige, lalabas na muna ko." Saad ko sa nurse after sagutin ang tawag ni Daddy.



Nurse: "Sige po."




Lumabas na muna ako ng kwarto at kinausap sa cellphone si Daddy.



After ilang minutes na paguusap namin ni Daddy ay pinatay nadin nito ang tawag kinamusta lamang ako ng dalawang bata at ganon din si Mommy at Daddy kinamusta din nila si Colet mabuti nalang at meron kaming Joey at Riley na pag nakakausap ko ay gumagaan talaga aang pakiramdam ko. Sinabi din ni Daddy na pupunta si Manang dito para magdala ng makakain ko, malayo palang ay tanaw kona ang mga kaibigan kong papalapit sakin napalingon naman ako sa nurse na nagmamadaling naglalakad pagkalabas ng kwarto, hindi manlang siya nagsabi sakin na okay na ang pagcheck kay Colet nakabunggo pa nga ng nurse si Mikha kakamadali maglakad.




Mikha: "Nurse ba talaga yon?" Takang tanong niya ng makalapit sila sakin.




"Yeah, chineck niya si Colet. Tara pasok na tayo sa loob." Aya ko sakanila.


Parang di kumbinsido si Mikha at Jared sa sagot ko kaya nagmamadali itong pumasok sa kwarto kung nasaan si Colet kami nila ate Maloi ay nagiwan na nagtataka dito sa labas.




Jared: "Tumawag kayo ng Doctor!" Sigaw nito samin, kaya parang nataranta ako at nagmamadaling pumasok sa loob.



Mikha: "Colet, hey! Hindi na nagpa-pump yung heart niya. Nasaan na ang Doctor?" Sigaw din niya kaya napatingin ako sa monitor.




Flat line.....



Oh god!!! Please!!! Anong nangyayari?



Doctor: "Anong nangyayari?" Tanong nito pero hindi ako makapag salita.



Mikha: "Pag pasok namin dito nagkakaganyan na siya."



Doctor: "Excuse me." Agad na nitong nilapitan si Colet kasama ang dalawang nurse.



Paulit ulit na nirerevive pero walang pagbabago sa monitor, nananatili paring flat line, parang binibiyak ang puso ko sa nakikita ko.




Colet lumaban ka!!!!




Please lumaban ka Colet......










_______________________2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon