KABANATA LXXXIII

151 11 5
                                    

Colet/ Claine' Pov





Pasimple ko lamang silang pinagmamasdan lahat, paminsan minsan ay nakikitawa ako sa kanilang biruan kanina pa kami magkakasama pero wala akong naramdaman na kakaiba o kaba, dahil lahat sila ay maayos at maganda ang pakikitungo sa akin kung paano nila ako pakisamahan ay kitang kilalang kilala na nila ako, hindi ko mapigilang mapaisip na baka si Maxine ang mali baka siya talaga ang nagsisinungaling sa akin hindi sila, hindi si Jhoanna.




Jhoanna: "Colet? Hindi lang sila ang sabik na makita ka." Tumingin ito sa likuran kaya napasunod nadin ang mata ko kung saan ito nakatingin.




Isang babae at lalaki na may katandaan at may kasama itong lalaki na buhat buhat si Riley. Bigla naman akong kinabahan dahil baka ito na ang pamilya ko baka sila ang parents ko.



Jhoanna: "Kapatid mo si kuya Cyrille yung may buhat kay Riley, yung kasama niya ay si Mama at Papa ang parents mo."



Mangiyak ngiyak na lumapit sa akin ang sinasabi ni Jhoanna na Mama ko, ganoon din si Papa mahigpit ako nitong niyakap, agad nawala ang kaba ko, ang gaan sa pakiramdam.



Mama: "Anak totoo ngang buhay ka, salamat sa diyos." Umiiyak na saad nito habang nakayakap padin sa akin at pinaghahalikan ako sa pisngi.




Tila parang naputulan ako ng dila at di makapag salita, bakit ganito ang pakiramdam ko kung talagang may masama silang balak sa akin noon pa man dapat takot ang nararamdaman ko dapat ako mismo ang maglalayo sakanila. Pero hindi wala akong ibang nararamdaman kundi saya ng puso at gaan ng pakiramdam.




Papa: "Buong akala namin anak wala kana, sobrang namiss ka namin Colet." Kahit si Papa ay umiiyak nadin nung kumalas sila sa pagkakayakap sakin bago iyon ay humalik muna ito sa aking noo.


Mama: "Cyrille? Hindi moba namiss ang kapatid mo?" Tukoy nito sa lalaking may buhat kay Riley.



Hindi makapaniwala itong nakatingin sa akin titig na titig lamang ito.



Jhoanna: "Kuya totoo pong si Colet yan." Nagtawanan naman ang mga kasama namin.


Dahil para talaga siyang nakakita ng multo sa itsura niya binaba na muna niya si Riley at dahan dahan na lumapit sa akin.


Kuya: "Gago ka!" Sambit nito sabay yakap sa akin ng mahigpit.



"Sa....sandali po hindi po ako makahinga." Saad ko dahil ang higpit ng pagkakayakap niya.


Kuya: "Sorry sorry, namiss lang kita. Namiss ka namin ng sobra Colet." Ngumiti na lamang ako.


Jhoanna: "Sana kahit dyan lang paniwalaan mo kami, hindi kami kalaban Colet, una sa lahat Nicolette Vergara ang pangalan mo not Claine Mendez. Kilala ka naming lahat, ito si ate Maloi ang asawa ni Jared na bestfriend mo ito naman si ate Aiah asawa din siya ng Bestfriend mong si Mikha." Pagpapakilala niya, Jared at Mikha pala ang pangalan nung dalawang pulis akala ko Jaron ang pangalan nung lalaki Jared pala.



Jhoanna: "Ito naman si Lance at ate Stacey mag asawa sila kaibigan din natin sila, ito naman si Gwen isa din siya sa bestfriend mo at asawa din siya ng isa pang bestfriend mong si Sheena yung Oa na yumakap sayo." Tugon pa nito sabay turo nito don sa Sheena kaya nagtawanan naman lahat.



Hindi makapaniwalang tiningnan ko silang lahat, lahat sila ay masayang nakatingin sa akin Wala talaga sa mukha nila yung sinabi sakin ni Maxine na masasama sila na galit at kinamumuhian nila ako, diko makita sakanila ngayon yon, ang nakikita ko lang ay sabik at kasiyahan.


Hindi ko alam kung bakit nakita ko nalang ang sarili kong nakayakap kay Jhoanna, mahigpit ko siyang niyakap.



"Isa lang ang masasabi ko, kayo ng anak ko at pamilya ko ang pipiliin ko." Saad ko.


Lumapit din sa amin ang kambal sabay din itong yumakap, sumali nadin sa amin ang magulang ko at iba naming kaibigan.



Jhoanna: "Thankyou Colet." Saad niya ng maghiwalay kami.



"No, thankyou Jhoanna dahil sinabi mo sa akin ang totoo. Kailangan kong makausap si Maxine." Napatingin naman ito sa babaeng Pulis kay Mikha.


Mikha: "Buds sasamahan ka namin, kilala namin si Maxine madumi siyang makipaglaro."


"Okay lang ako, kaya kona to. Sa tingin ko mapapakiusapan naman siya ng maayos."



Jared: "Tawagan mo kami agad kung may gawin man siya sayo, wala na kaming tiwala dyan pangalawang beses na niyang ginawa ang pagkuha sayo." Nagtataka ko itong tiningnan.



Jhoanna: "Totoo yon Colet, sinet up ka niya nung una para lang mapunta ka sakanya. Sinasabi niya na may nangyari sainyo na kailangan mong panagutan, pero umamin din siya at akala namin talagang nagbago na siya dahil ang tagal niyang nawala."



Tahimik lamang akong nakikinig sa kwento ni Jhoanna.



Mikha: "Kahit si General kinukunsinti ang mali ng anak niya."


"Wait sinong General?" Takang tanong ko.



Mikha: "General Trinidad, isang mataas na pulis ang tatay ni Maxine, Colet." Bakit hindi niya sa akin sinabi yon, ang sinabi lang sa akin ni Maxine ay may maganda lamang na trabaho ang tatay niya.


Jhoanna: "Hindi mo din ba alam na isa kang pulis?"


"Ako?"



Mikha: "Oo isa kang magaling na pulis Colet, kasama mo kami sa presinto."



Kaya pala yung nakita ko sa picture nakaakbay pa sila sakin at pare parehas kaming naka uniporme ng pulis.


Ang dami niyang hindi sinasabi sa akin, lahat lang ng pinakita at sinabi niya sakin ay kasinungalingan.



Jhoanna: "Saan ka pupunta?" Pigil nito sa akin ng tumayo ako para maglakad.



"Kailangan ko makausap si Maxine."



Jhoanna: "Please isama mona si Jared at Mikha, hindi ako kampante kung ikaw lang mag isa. Nakaya niyang ilayo ka samin ng ilang taon Colet, hindi kona kakayanin pag nangyari pa ulit yon." Mabilis kong hinawakan ang magkabila nitong pisngi sabay halik sa noo.



"Kaya kona to ayokong madamay sila, babalik ako, babalikan kita promise."  Nakangiting saad ko, saka ko pinunasan ang luha sakanyang pisngi.



Jhoanna: "Gamitin mo to, cellphone mo yan kung magka problema tawagan mo agad yung mga number dyan okay? Please bumalik ka Colet." Yumakap ito sa akin ng mahigpit.



Bago umalis ay niyakap ako ni Mikha kasunod si Jared at ang iba kopang mga kaibigan.




Jared: "Hihintayin ka namin Ssob." Ngumiti na lamang ako bilang sagot.



Mama/Papa: "Bumalik ka anak, maghihintay din kami."


Nakangiti akong tumango sakanila, diko alam kung bakit mabilis akong lumapit sakanila para yakapin sila ng mahigpit.


Isa lang ang nasa isip ko ngayon, si Jhoanna saka ang dalawa kong anak at mga kaibigan ko kasama ang pamilya ko sila ang paniniwalaan ko.

















_________________2017
Galit naba kayo dahil wala akong update? Sorry🥹


Ayan na muna, super busy lang talaga.


I love you guy's!🫶

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon