KABANATA XLIII

370 16 0
                                    

Jhoanna' Pov


Hindi ko alam kung tama bang isipin kong niloloko ako ni Colet o mali ako? Baka don dapat sa babae nayon ako hindi magtiwala, ang hirap kaseng hindi magisip lalo na't lapitin talaga ng babae si Colet hindi ko talaga maiiwasang magselos.


Kaka alis niya lang hinatid na muna niya kase ako dito sa kompanya alam kong hindi din siya mapakali ng dahil sakin ramdam niya kase ako pagka may ganong eksena kaya simula ng mauwi sila ate Maloi ay sinusuyo ako nito, hindi naman ako galit sakanya hindi lang talaga ako panatag na may ganon kase hindi ko alam ang takbo ng isip ng babaeng yon.


Nang magbukas ang elevator ay lumabas na ako kanya kanyang bati nadin sa akin ang mga kapwa ko nagtatrabaho dito sa kompanya lahat sila ay nginitian kona lamang hindi naman ako suplada para hindi pansinin kahit anak ako ng may ari nitong kompanya.


"Chloe may meeting today?" Tanong ko sa secretary ko.

Chloe: "Yes ma'am, 2pm po with Architect Tan Roncal and Parents niyo po." Agad na sagot nito.

Nabanggit naman na ni Daddy nung tumawag siya sakin na si Tan ang makaka meeting namin diko alam na ngayon na pala yon, hindi kase ako nakapag check ng schedule kagabi sa dami ng iniisip.

"Okay thankyou, wag kana muna magpapasok dito sa Office lalo na kung hindi naman importante. Clear?"

Chloe: "Yes po ma'am." Sagot niya.


Pumasok nadin ako sa Office at binaba na sa table ang dala kong bag naupo nadin ako sa swivel chair at napahawak sa magkabilang sintido, hindi pa man naguumpisa ang trabaho ko pero ang sakit na ng ulo ko kaya pinikit kona muna ang mata ko.


Napadilat din ako agad ng tumunog ang aking cellphone.


Love🤍: "Babi I'm here napo sa presinto. Tell me if something bother to you ha? Call ka agad sakin, galingan mo sa trabaho pero wag ka masyado magpagod okay? Don't worry sayo lang ako. I love you babi🤗" Chat ni Colet agad din naman akong nagheart at nagtype para mag reply.

"I'm fine love, medyo masakit lang ang ulo ko. I love you more❤️." After ko isend ang reply ko ay binaba kona din ang phone ko.


Nagumpisa nadin akong pirmahan ang mga papel na nakatambak dito sa table ko inisa isa kona ding basahin para makabawas na ng gawain dahil mabilis lang tumatakbo ang oras.

"Chloe check your email may sinend akong gagawin mo kailangan yan mamaya sa meeting." Saad ko ng sagutin ni Chloe ang tawag ko.

Chloe: "Okay po ma'am." Sagot nito mula sa kabilang linya at saka ko binaba ang tawag.

Nawala naman ang pag focus ko sa pagcheck ng mga papers ng may kumatok sa pintuan.

"Come in." Saad ko.

Bumukas ang pinto at dumungaw si Chloe.

Chloe: "Ma'am sorry po may delivery rider po dito sa labas."

"Wala naman akong pinapadeliver ah? Papasukin mo." Sinarado na nito ang pinto.

Saglit lang ay bumukas ulit nakita kong may dalang bulaklak, iced coffee at mini box itong delivery rider.

Rider: "Ma'am ito po, pinapadeliver po ni Ms. Nicolette Vergara." Saad niya at saka binaba sa table ko ang mga dala niya.

"Thankyou."


Rider: "Papirmahan nalang po ito ma'am katunayan po na nareceive niyo napo." Agad naman akong pumirma sa iniabot nitong papel.


Rider: "Thankyou ma'am." Ngumiti nalang ako at lumabas nadin yung rider.

Ano nanaman kaya ang naisipan ni Colet at para nanamang nanliligaw eh girlfriend naman na niya ko sinabi kolang na masakit ang ulo ko eh.

Kinuha ko agad ang bulaklak ng mapansin kong may notes ito.


Flowers, Iced coffee and Mini chocolate cake for my babi❤️ Pang pawala ng sakit ng ulo, I love you.

                                  - Colet Pogi :)


Napangiti na lang ako after basahin ang nakalagay sa notes napainom nalang talaga ako ng Iced coffee sa kilig.

Daig pa naming dalawa yung high school, ginagawa niya talaga yan ang magpadeliver everytime na magsasabi ako ng may masakit sakin or di man nagkatampuhan kami.

Masyadong napaghahalataan na patay na patay sa akin yung si Colet araw araw nanliligaw. Kinuha ko ang phone ko para magchat sakanya para magthankyou dahil dito medyo kumalma at nawala na ang sakit ng ulo ko pagka check ko ay may message nadin pala siya.


Love🤍: "Kamusta ang Iced coffee at cake nagustuhan mo?"

"I love it, thankyou dito love🤗 I'm okay na, I love you❤️." Reply ko na agad din naman niya sineen.


Love🤍: "Welcome babi, I love you so much!🤗 Balik napo ako sa trabaho."

"Be safe okay? Magcheck nadin ako ng mga papers." Pagka reply ko ay binaba kona ang aking cellphone.



At nagumpisa na ulit harapin ang mga tambak na papel dito sa desk ko, mabuti at medyo kumalma na ang ulo ko dahil sa kape.

Mabuti nalang talaga ay meron akong isang Colet sa buhay ko, diko na imagine na makikipag relasyon ako sa kapwa ko babae kahit nga sa lalaki that time kase wala pa talaga sa isip ko yung ganito dahil alam kona wala akong magiging oras para don lalo na ngayon na malapit ng ako ang mag manage ng kompanya, hindi ko talaga na imagine na makikipag relasyon ako sa babae kay Colet hindi naman sa ayaw ko sa same sex relationship at may kaibigan akong part ng LGBTQ si ate Aiah noon pa man alam naming into girls siya not into boys wala talaga siyang pinayagang manligaw sakanya kahit isa, kahit si ate Maloi nagkaron din siya ng Girlfriend si ate Stacey lang talaga ang straight samin at tanggap niya kami.


Kahit parents ko hindi naman sila tutol sa ganitong relationship kaya nga napaka swerte ko kase suportado nila ako sa lahat ng bagay pati nadin sa pakikipag relasyon sa kapwa ko babae.

Saka wala namang mali don diba? Nagmamahal ka lang naman, as long as wala kang tinatapakang tao sa mga ginagawa mo walang mali walang mali sa pag mamahal ang mali lang ay yung ibang tao na humuhusga.

Same sex relationship is not a sin, love is for everyone. That's it!




____________________2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon