Colet' Pov
Limang araw na ang nakalipas simula nung nagkatabi kaming matulog ni Maxine, limang araw nadin niya akong ginugulo tinatawagan pinupuntahan sa opisina mabuti nalang pag napupunta siya dito sa opisina namin ay natataon na ako lang magisa at wala yung dalawa.
Hanggang ngayon ay diko padin sinasabi kay Jhoanna ang totoo dahil diko alam kung pano kung pano ako maguumpisa na sabihin sakanya lahat.
Simula non ay hindi nadin naging maayos ang tulog ko, hindi talaga ako pinapatulog ng konsensya ko pero nandito padin yung takot sakin iniimagine kopa nga lang na iiwan ako ni Jhoanna naiiyak nako pano pa kaya kung nangyari na baka don nako masiraan ng ulo dahil napaka buting tao ni Jhoanna kaya diko din talaga matanggap na ginago ko siya ng ganon ganon lang.
Talagang ginagamit ni Maxine sakin ang mga picture naming dalawa na magkatabi sa kama para pasunurin niya, pero patuloy lang ako sa pag iwas sakanya dahil yon ang alam kong tama ayoko ng dagdagan pa ang kalokohan kong nagawa kay Jhoanna.
Mikha: "Buds kanina kapa tulala may problema ba? Tinatawag ka sa harap o message mo daw kay Jared at Maloi." Saad niya, ngayon kase ang kasal nung dalawa.
Emcee: "Yung bestfriend daw merong message." Tumayo na ako at nagpunta sa gitna iniabot nadin sakin ng emcee ang mic.
Iniayos kona ang sarili ko at saglit kona munang kinalimutan ang mga gumugulo sa utak ko.
"Hmmm, Congratulations Jared and Maloi masayang masaya ako para sainyong dalawa lalo na dito sa bestfriend kong si Jared naka kuha ng misis na maganda eh diko ineexpect yon." Nagtawanan naman ang mga nakikinig na bisita lalo na ang mga kaibigan ko. "Simula bata palang talagang kasama kona yang si Jared kaya mas kabisado kopa sayo yan Maloi, pag yan ay nagregalo sayo ng mamahaling bag asahan mo magpapaalam uminom yan." Tugon kopa at nagtawanan ulit ang mga nakikinig.
Jared: "Ssob wag mo naman akong ibuking." Natatawang sigaw niya.
"Wag kona daw siya ibuking, so ayon kung may problema man kayong dalawa wag kayong nahihiyang lumapit sakin, samin ni Jhoanna at sa iba pa nating mga kaibigan dahil handa namin kayong samahan kung ano mang problema yon. Iwasan din ang away okay na yung isang beses sa isang taon, saka Maloi habaan mo pasensya mo dyan kay Jared pagka sumobra na sabihin mo sakin ako uupak dyan. Ayon lang mabuhay kayong dalawa, bigyan niyo na kami ng inaanak." Binigay kona sa emcee yung mic at bumalik nadin sa upuan katabi si Mikha at sa kabila si Jhoanna.
Jhoanna: "Ang ganda ganda ng ngiti ng ate ko, imagine parang aso't pusa sila noon ni Jared pero ngayon isa na siyang Mrs Espinoza." Saad niya at titig na titig sa ate Maloi niya.
Sino nga naman kase magaakala eh palaging magkaaway yang dalawa nayan nung college palang kami pero sila pala talaga ang ikakasal ngayon.
Mikha: "Mahirap na ayaing maginom yan may misis na eh." Natatawang saad ni Mikha na kinatawa kodin.
Itong isang to puro talaga inom ang alam eh, lagi namang nalalasing.
_______________________///////
"Jared nasaan na kayo?" Saad ko ng sagutin niya ang tawag ko.
Jared: "Malapit na, dala nadin namin yung bulaklak."
"Sila Maloi naayos na daw ba nila yung aayusin nila?"
Jared: "Oo okay na kaya kalma kalang dyan dahil magyeyes naman sayo si Jhoanna." Sagot niya mula sa kabilang linya.
Ngayon kona kase balak mag propose kay Jhoanna, mabuti nga at tinulungan padin ako ng mga kaibigan ko lalo na si Maloi at Jared kahit kakatapos lang ng kasal nila dalawang araw ang nakakalipas.
"Okay sige bye." Sabay patay ng tawag.
Mikha: "Ano tara na? Nagchat sakin si Aiah nagtatanong na daw si Jhoanna kung anong meron."
"Teka kinakabahan ako eh, normal ba yon?" Hindi talaga ako mapakali eh.
O dahil padin ito sa nagawa kong kalokohan? Hindi padin talaga ako tinatantanan ni Maxine nagtatanong na nga si Jared at Mikha dahil narinig daw nila na nagsasagutan kami ni Maxine.
Sobra na kase ang ginagawa niya tinatakot ako na pag di ako sumama sakanya makakarating lahat kay Jhoanna, buti naman kung matatakot ako sakanya wag lang talaga makakarating kay Jhoanna mapapatay ko siya.
Mikha: "Buds natural lang yan, halika na sumakay kana. Yung singsing nasaan? Baka naman yon pa makalimutan mo sa sobrang kaba ah?" Kinapa ko naman agad sa bulsa ang maliit na box ng makasakay ako sa kotse.
"Nandito sakin, grabe ganito pala pakiramdam masyado kaba ko."
Mikha: "Chill lang, magyeyes naman yon sayo." Sana nga Mikha, sana nga.
Nang makarating kami sa place kung saan ako magpopropose ay pinark na ni Mikha ang sasakyan, huminga na muna ako ng malalim bago bumaba ng sasakyan.
Mikha: "Buds kaya moyon tara na." Aya nito sakin kaya sumunod nalang ako sakanya.
Namangha ako sa ganda ng ayos na ginawa nila maliwanag na maliwanag dahil sa mga ilaw madami ding nagkalat na mga petals ng white roses at pink roses yon kase ang gustong kulay ni Jhoanna sa rose meron ding maliliit na balloons na nagkalat dito paligid at sa dulo may mga petals ulit na malaking hugis na heart sa tapat non ay nakalagay nadin ang balloon letter na 'Will you merry me'
"Sobrang ganda, ang galing niyo magayos." Wala sa sarili kong saad.
Jared: "Magaling misis ko dyan aba."
Sheena: "Hello kasama ako nagayos dyan no hindi lang si ate Maloi." Sabat niya.
Jared: "Ay sorry po." Natatawang saad niya.
"Thankyou guy's ang ganda."
Mikha: "Hoy mamaya na kayo mag chismisan dyan, nasa labas na sila Aiah." Kaya kumabog nanaman ang dibdib ko ng dahil sa kaba.
Jared: "Chill kalang ssob."
"Kinabahan ako eh." Umakbay siya sakin ng maiabot niya ang bulaklak.
Jared: "Kaya moyan, ayan na sila." Iniwan na niya ako sa pwesto ko tanaw kona din sila Aiah kasama si Jhoanna na may takip ngayon ang mata.
Halatang gulong gulo nadin siya sa nangyayari diko din kase talaga siya binigyan ng idea na magpopropose ako ngayon.
Jhoanna: "Pag ako pinaprank niyo lang, hindi ko talaga kayo papansinin lahat." Saad niya habang may takip padin ang kanyang mata.
Inayos kona ang sarili ko pero nandito padin ang kaba ko natural naman siguro to, tinanguan kona yung dalawa para tanggalin ang piring sa mata ni Jhoanna si Aiah at Stacey kase ang umaalalay kay Jhoanna ngayon tinanggal na nila ang piring ni Jhoanna halata sa kanyang dalawang mata ang mangha ng makita niya ang ayos ng lugar kaya napa ngiti ako.
___________________2017
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)