KABANATA LVIII

360 12 3
                                    

Colet' Pov




Limang araw ko na ding paulit ulit na pinupuntahan si Jhoanna sa bahay nila para ihatid pero wala akong naaabutan, palagi din akong pumupunta sakanila sa gabi para makausap siya pero hindi niya ako nailalabas tuwing pupuntahan ko siya sa Office niya ay di ako nito pinapa pasok sa loob.


Ngayon ay nandito ako sa parking lot naghihintay sakanya dito ako dumiretsyo galing sa trabaho nagbabaka sakali na baka kausapin na niya ako.


Agad akong lumabas ng sasakyan ng matanaw kona si Jhoanna kinuha kona din sa sasakyan ang dala kong bouquet, kahit kinakabahan ay nag lakas loob akong nilapitan siya pero kahit tingnan ay hindi niya padin nagawa tulad ng mga nakaraang araw, sa mga nakaraang araw nayon ay palagi akong may dalang bulaklak pero wala ni tingnan di niya na magawa sakin.




"Babi magusap naman tayo oh? Please?" Saad ko.



Halata sa mukha niya ang sakit at lungkot, masakit sakin na makita siyang ganito pero mas masakit sakin na ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan.



"Babi please, kausapin mo naman ako oh?" Walang emosyon itong tumingin sakin.


Jhoanna: "Wala na tayong dapat pagusapan Colet, binigay kona sayo yung singsing nakipag hiwalay nako. Tapos na, tapos na tayo Colet."



"Babi ayoko, wag ka namang ganyan oh? Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Hayaan mo muna ko magpaliwanag please?"



Jhoanna: "Hindi mo kaya? Na mawala ako sayo? Pero nagawa mo akong lokohin? Nasaan yung sinasabi mong hindi mo kaya? Ano pabang kasinungalingan ang ipapaliwanag mo?" Saad niya.



Sandali akong natahimik kita kong may namumuo nadin mga luha sa mata niya kaya parang tinutusok ang puso ko sa nakikita ko.



"Babi sasabihin ko naman sayo lahat, natatakot lang ako na baka iwan moko, humahanap lang talaga ako ng timing at lakas ng loob para sabihin sayo."


Jhoanna: "Kung sinabi mo sakin una palang baka mapatawad pa kita, hinintay mopang sa iba ko malaman. Alam mo Colet umalis kana dito, wag na wag ka ng magpapakita sakin magsama kayo ng malanding Maxine nayon." Inis na saad niya sabay punas ng luha.



"Babi lasing ako non, wala akong alam sa nangyari. Paniwalaan mo naman ako oh? Please?" Lumuhod na ako sa harap niya habang hawak padin ang bulaklak.


"Alam ko na okay pa ako nung matapos kaming maginom pero may inabot saking baso ng alak si Maxine after kong inumin hindi kona alam ang mga nangyari. Hanggang don nalang ang naaalala ko, maniwala ka naman sakin oh?" Pagmamakaawa ko.



Jhoanna: "Nasaktan kana kaya dapat alam mona kung ano ang nararamdaman ko ngayon Colet, ayoko na tigilan mona ko."



Dumating nadin ang sasakyan nila na sakay ni Tatay Albert agad siyang sumakay don kaya wala nadin akong nagawa kundi tumayo sa pagkaka luhod. Malakas kong inihampas ang hawak kong bulaklak sa sasakyan saka ito itinapon sa malayo bago sumakay ng kotse.


Dito nako humagulgol ng humagulgol ng iyak, ang sakit na sobra.


Pag dating ko sa bar ay dumiretsyo agad ako sa counter para kumuha ng alak pagka abot sakin ay walang alinlangan ko itong tinungga kahit anong pait ay wala akong malasahan tanging bigat ng dibdib lang ang nararamdaman ko, paulit ulit na pag tungga ng alak ang ginawa ko gusto kong malasing at magwala, mismong barista ay tinatanong kung okay lang ba ako dahil nakakailan na akong baso nagtataka din siguro siya dahil iyak talaga ako ng iyak kahit ano din naman kaseng pigil ko sa luha ko talagang lalabas padin eh.



Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon