KABANATA XVIII

1K 22 1
                                        

Colet' Pov

Wala ako sa mood makinig sa mga Prof ngayon kaya nung matapos ang klase ay lumabas nadin ako kasunod ng prof. Napatingin pako kila Mikha at Jared na nakatingin sakin tinanong pa nito kung saan ako pupunta sinabi ko nalang na iihi ako, pero ang totoo ay pupunta ako sa Library gusto kong matulog sobrang sakit ng ulo ko daig kopa ang may hangover.

Sa kagustuhan kong may maalala gabi gabi akong puyat kakaisip dahil hindi ako naniniwala sa sinasabi nila Papa, na wala na si Frances matagal na paano nila nasasabi yon alam kong buhay si Frances kailan lang kasama ko siya bago ako maospital.

Pagdating kosa library ay agad ako nagsulat ng pangalan ko need kase non eh bago makapasok saka ako kumuha ng isang libro para kunwari ay talagang magbabasa ako dito.

Saka ako dumukdok sa table dahil grabe talaga ang sakit ng ulo ko ngayon.


__________________//////


Nagising nalang ako na may kumakalabit sa akin.


Pagmulat ng mata ay takang taka ako kung bakit ako nandito? Dahil ang alam ko ay nasa garden ako at nagsasagutan kami ni Jared.

Nasaan ba ako?

Sa library to, anong ginagawa ko dito?

Kaya bumigat nanaman ang pakiramdam ko, bat ako napunta dito? Dito ba ako dumiretsyo?

Don nadin pumasok lahat sa utak ko yung mga sagutan namin ni Jared halos lahat, parang nag reply lahat ng pangyayari sa utak ko.

GIRL: "May naghahanap sayo sa labas." Kinalabit pa ako ulit nito.

"Sorry po, sige po puntahan kona." Saka ako tumayo at naglakad na palabas sa bintana palang ay kita kona agad si Jared na ngiting ngiti sakin na parang walang nangyari.

Jared: "Baliw ka natulog kalang sa library? Kanina pa kita hinahanap." Agad na saad nito ng makalabas ako ng library.

Seriously? After niya magsabi ng di maganda? Kakausapin niya ko na parang normal?

"Seryoso ka? After ng nangyari? Akala mo okay na agad tayo?"

Jared: "Huh!?"

"Wag mo muna ko Jared kausapin." Saka ko binilisan ang paglalakad ko.

Jared: "Ssob teka lang ano ba nangyayari sayo?" Tanong nito habang nakasunod sakin.

"Tangina Jared nagaway lang tayo kanina diba? Wag mong sabihin na dimo alam kase kanina lang yon." Gulat ang rumehistro sa mukha nito.

Jared: "Na...naaalala mona? Nakakaalala kana?" Tanong nito.

"Ano akala mo sakin naguntog tas nawalan ng alaala?" Inis na sagot ko dito saka ulit naglakad.

Jared: "Teka lang muna." Pigil nito sakin ng makarating kami sa parking lot.

"Ano ba Jared? Potangina alam kong matagal nayon pero wala kang karapatan sabihin sakin lahat ng yon. Parang hindi mo naging kaibigan si Frances ah?" Gigil na sambit ko.

Alam kong mabigat nadin ang mata ko, pero pinipigilan kong bumagsak lahat ng luha na namumuo dito.

Jared: "I know, i know! Kaya nga nagsosorry ako. Ayoko lang kase na bumalik ka sa dati katulad nung nawala si Frances."

"Kaya mo nasabi sakin lahat yon? Akala moba nakatulong? Diba hindi?"

Jared: "I'm sorry, hindi ko naman alam na ganon pala yung totoong nangyari kay Frances. Kung alam kolang na may ganon kang nalaman sana pinigilan kong makapag salita ng hindi maganda." Kita kong nanggigilid na ang luha nito.

"Matagal na tayong magkaibigan Jared, halos dikit na bituka nating dalawa simula pagkabata, kaya dapat ramdam at kilala mona ko. Ako nga alam ko kung ano mga iniisip mo kahit dimo sabihin." Ramdam kopa din ang pagsunod nito sakin.

"Wag mona akong sundan, gusto ko ng katahimikan." Saka ako naglakad ng mabilis papalayo.

Nakasalubong kopa si Mikha pero hindi ko ito pinansin dahil ang sama sama talaga ng loob ko ngayon.

Agad na akong sumakay sa sasakyan ko at mabilis na nagmaneho pauwi sa condo, nagbagsakan na lahat ng luha na kanina kopa iniipon.

Pagdating kosa condo ay nagpunas agad ako ng luha takang taka naman ako ng nabuksan ko ang pinto dahil nakabukas ang mga ilaw, agad naman akong kinabahan baka pinasok na ako ng magnanakaw dito.

Dahan dahan akong naglakad naririnig kopang bukas ang tv.

"AAAAAHHHHHHH! POTA!" agad kong sigaw ng may kumalabit sakin.

Si Kuya, anong ginagawa niya dito? Kailan pa siya umuwi? Nadagdagan pa ang gulat ko ng lumabas mula sa Cr si Papa dagdag gulat pa ulit ng makita ko sa harap ng Ref si Mama na siya pala mismo ang kumalabit sa akin.

Mama: "Nandyan kana pala anak, magpalit kana muna ng Uniform mo inaasikaso ko naman na yung dinner natin." Tahimik lang akong nakatingin dito.

Papa: "Kamusta school anak?" Tanong din ni Papa.

Kuya: "Ano bang nangyayari sayo para kang nakakita ng multo?" Natatawang tanong nito sakin saka binalik ulit ang tingin sa Tv.

"A....an...ano po ginagawa niyo dito?" Nauutal na tanong ko.

Takang taka lamang silang tatlo na nakatingin sa akin, bat diko alam na uuwi sila?

Mama: "Anak ilang weeks na kami dito nila Kuya at Papa mo. May problema ba?"

"Anong araw po ngayon?"

Kuya: "July 26, 2024." Mabilis na sagot ni kuya.

"Huh? Diba July 04 palang?"

Papa: "26 na anak, may problema ba? Parang gulong gulo isip mo? May nangyari ba?"

"Pa...pano nangyari yon bakit ang alam ko July 04 palang? Saka bakit kayo nandito? Bakit kayo umuwi?" Nagkatinginan naman si Mama at Papa.

Mama: "Anak umuwi kami dahil naospital ka." Gulat na napatingin ako kay Mama.

Pang ilang gulat kona ba to? Ang dami naba?

Ano bang nangyayari?


Papa: "July 04 anak yon yung araw na dinala ka sa ospital at walang malay. Tinawagan kami ni Jared about sa nangyari kaya kami umuwi agad dito." So nung araw na nagaway kami ni Jared naospital ako?

Kaya ba takang taka si Jared kanina? Kaya ba tinatanong niya kung nakakaalala na ako?

Kuya: "Nung dumating kami tulog ka halos ilang araw kadin hindi gumising, nang magising ka naman wala ka maalala na kahit ano." Paliwanag ni Kuya.


Mama: "Dalin kaya natin siya sa Ospital hon? Baka nakakaalala na siya."

"Naospital? Ako po? Ano pong nangyari?" Takang tanong ko.

Papa: "Oo anak, bumagsak ang katawan mo nung time na nagkasagutan kayo ni Jared. Kasalanan ko anak, dapat diko na sinabi sayo ang totoong nangyari kay Frances." Naaalala ko yon yung paguusap namin ni Papa bago kami nagkasagutan ni Jared.


"Wala po akong maalala na naospital ako, ang alam kolang po ay yung nagkausap tayo Pa, at yung mga pangyayari bago mag July 04."

Mama: "Ilang weeks ka anak walang maalala simula nung maospital ka. Salamat naman at naalala mona lahat naalala mona kami." Mabilis ako nitong niyakap.


Ganon din si Papa at Kuya lumapit nadin sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Ilang weeks na pala ang lumipas na wala akong kaalam alam. Buong akala ko ay July 04 pa lang.





_____________2017

Her EyesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon