KABANATA XVII

302 12 0
                                    

Jhoanna' POV


Kakatapos lang ng klase namin, ngayon ay hinihintay ko sila ate Maloi dito sa parking lot.

Hanggang ngayon ay dipa din mawala sa isip ko yung ginawa ni Colet  kahapon, hindi nga ako pinatulog non kagabi eh.

Bat parang mas naging maiinitin ang ulo niya, eh wala pa naman siyang naalala.

Mabilis naman ako nagtago sa likod ng kotse ng makita ko si Jared at Colet halatang mainit ang ulo ni Colet dahil madilim ang mukha nito at kunot na kunot ang noo.

Colet: "Ano ba Jared? Potangina alam kong matagal nayon pero wala kang karapatan sabihin sakin lahat ng yon. Parang hindi mo naging kaibigan si Frances ah?" Gigil na sambit nito.

Jared: "I know, i know! Kaya nga nagsosorry ako. Ayoko lang kase na bumalik ka sa dati katulad nung nawala si Frances."

Colet: "Kaya mo nasabi sakin lahat yon? Akala moba nakatulong? Diba hindi?" Ano ba nangyayari? Nakakaalala naba si Colet?

Jared: "I'm sorry, hindi ko naman alam na ganon pala yung totoong nangyari kay Frances. Kung alam kolang na may ganon kang nalaman sana pinigilan kong makapag salita ng hindi maganda." Mangiyak ngiyak na saad nito.

Colet: "Matagal na tayong magkaibigan Jared, halos dikit na bituka nating dalawa simula pagkabata, kaya dapat ramdam at kilala mona ko. Ako nga alam ko kung ano mga iniisip mo kahit dimo sabihin."

Colet: "Wag mona akong sundan, gusto ko ng katahimikan." Pagkasilip ko ay nakita ko nalang na naglalakad papalayo si Colet habang si Jared ay naiwan lang na nakatayo.

Nagkasalubong naman si Colet at Mikha babatiin pa niya sana si Colet pero ni tingan ay di ito ginawa sakanya kaya nagpunta agad siya kay Jared.

Mikha: "Anong nangyari don? Mukhang galit nanaman? Ano nanamang ginawa mo?" Rinig kong tanong nito kay Jared.

Jared: "Naalala na niya lahat, naalala na niya na wala na si Frances." Matamlay na sagot nito.

Halata sa mukha ni Mikha ang pagkagulat, kahit ako ay nagulat din kaya siguro galit na galit ito kay Jared dahil naalala na niya yung huling usapan nila nung mawalan siya ng alaala.

Mikha: "Paano?"

Jared: "Hindi ko alam, diba dalawang subject natin wala siya nandon pala sa Library natutulog. Nung magising ayon galit na galit na sakin."

Mikha: "Hayaan mona muna siguro makapag isip isip, saka mo nalang suyuin. Mauna nako ah?" Tinapik pa nito ang likod ni Jared, tumango nalang si Jared naglakad nadin papunta sa nakapark nitong sasakyan.

Nang maramdaman ko ng nakaalis na sila ay don lamang ako lumabas, natanaw nadin naman agad ng mata ko yung tatlo.

Maloi: "Kanina kapa dyan? Ang tagal magdismiss ni Ma'am Lani eh."

Stacey: "Antok na antok na nga ako sa sinasabi niya eh. Isang salita nalang niya kanina feeling ko babagsak nako sa antok." Natatawang saad nito.

Aiah: "Huy okay kalang ba?"

"Nakakaalala na si Colet."

Stacey: "Hala ede warla nanaman sila nung Bff niya??"

Maloi: "Totoo?"

Aiah: "Oh mabuti naman."

"Oo naririnig ko nga silang nagaaway kanina." Agad na sagot ko palabas na kami ng University, balak kase namin na pumunta muna sa Coffee shop na malapit dito bago umuwi.

Aiah: "Mas okay nadin na naalala na ni Colet lahat, pano kung hanapin ni Colet si Frances diba? Sino ihaharap nila? Ikaw?" Tinuro pa ako nito.

Stacey: "Pero alam mo may napapansin ako, iba kung makatingin sayo si Colet eh." Tukoy nito sakin.

Maloi: "Akala ko ako lang nakakapansin non."

Stacey: "Saka yung pagsuntok niya kay Tan non, grabe galit niya diba nung hinawakan ka ni Tan? Tas ano pa sabi nung huli?"

Maloi: "Wag na wag daw makikitang lalapit kay Jhoanna at babasagin niya mukha."

Stacey: "Baka nagseselos?"

Aiah: "Baka may gusto sayo si Colet."

"Kayo kung ano ano iniisip niyo hano?" Ang weird nilang tatlo.

Maloi: "Wag kang magalala di naman ako magagalit kung magiging kayo, happy happy crush lang naman yung sakin."

"Baliw kana ate, mahal non si Frances yung kapatid ko."

Aiah: "Oh bat parang may panghihinayang?"

Stacey: "Uyyyy! Ikaw ah, gusto mo si Colet no?"

"Alam niyo mga ate umorder nalang tayo ng  Ice Coffee baka kulang lang kayo sa kape kaya kung ano ano sinasabi niyo." Saka ko sila hinatak sa loob ng coffee shop at umorder na.



_______________________///



Saturday ngayon nagkaayaan kami nila ate Aiah na gumala dahil wala naman kaming gaanong gagawin about sa School.

Kakatapos kolang din maligo at napagusapan namin na sa Park nalang kami nagkita kita.

"Daddy alis na muna ko ah? May gala kami ngayon nila ate Maloi. Nasaan po si Mommy?" Dahil wala ito sa sala.

Daddy: "Nag grocery anak kanina pa umalis baka pabalik nadin yon. Saan ba ang punta niyo gusto mo ako na maghatid sayo?" Agad na sagot nito saka pinatay ang TV gamit ang remote.

"No need na daddy, pahinga ka nalang dyan kay Mang Albert nalang po ako papahatid." Nakangiting sagot ko.

Daddy: "Okay sige anak, magiingat kayo ah?" Tumango nalang ako at kumaway habang naglalakad palabas ng bahay.

Mang Albert: "Ma'am papahatid po kayo?"

"Opo, doon po sa Park."

Mang Albert: "Sakay napo ma'am, tapos ko naman napo ito punasan." Saka nito binuksan ang pinto ng sasakyan.

Habang nasa biyahe ay nakatingin lamang ako sa mga dinadaanan namin.

Maya maya lang ay nakarating nadin kami sa Park at agad naman akong pinagbuksan ni Mang Albert ng pinto.

"Thankyou po, ingat po kayo."

Mang Albert: "Sige po ma'am, ingat din po kayo. Text or tawag nalang po kayo pagka kailangan niyo po ako." Agad naman akong tumango at ngumiti.

Naglakad nako papunta don pwesto kung saan kami magkikita kita, dito kase namin napagusapan sa ilalim ng pinaka malaking puno dito sa Park.

Agad nadin akong naupo at kinuha ang phone ko para maichat na sila mahilig kase yung mga yon sa on the way pero naliligo palang pala.

Pagka chat ay binalik kona din agad ang phone ko sa dala dala kong bag at tumingin sa malayo don ako natingin sa matandang nagtitinda ng iba't ibang miryenda, nagulat pa ako ng bigla kong makita si Colet inabutan nito ang matanda ng isang bote ng tubig.

Nakangiti pa nitong kinakausap Ang matanda, napangiti nadin ako dahil ang dalas kong makitang may ganyang ginagawa si Colet yung unang beses na nakita ko ay yung tinulungan niyang tumawid ang matanda alam kong nakita niya ako that time, kung titingnan kase si Colet para kase siyang isang taong yelo na walang pakialam sa mundo yon talaga unang nakita ko sakanya, iniisip ko nalang non baka sa mga kaibigan niya okay siya, I mean maingay ganon nakikisabay sa mga trip nung nakita ko siya ng pangalawang beses don kolang naisip na baka nasa puso niya talaga ang pagtulong.




_________2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon