KABANATA XXVI

356 16 0
                                    

Jhoanna' Pov


10pm nadin at tuloy padin ang pagiinom nila, nandito kami ngayon sa bahay nila Mikha, ayoko sanang pumayag na sumama kaso mapilit si ate Aiah hindi daw siya sasama pagka di ako kasama ganon din si ate Maloi na siyang nakaisip natong inuman na ito.

Ang lala diba parang ako yung oxygen niya eh.

Nagpaalam naman ako kay Mommy at Daddy nasabi ko din na baka may inuman na magaganap at pumayag naman sila agad dahil minsan lang naman kase ako umalis ng bahay sobrang dalang kong sumama sa mga ganitong ganap, hindi talaga ako umiinom na try kona minsan hindi talaga gusto ng panlasa ko at ang bilis kodin talaga malasing kaya ayaw ko talaga napilitan lang ako ngayon dahil ayoko namang maging Kj minsan lang naman tong mga ganitong bagay at saka wala namang pasok bukas.

Halos lahat ay may tama na ng alak  ako nalang ata ang matino dahil nakadalawang bote lang ako medyo nararamdaman kona nga yung init ng beer sa katawan ko eh at pag tumatayo nakakaramdam ako ng hilo. Mga lasing na pero tuloy padin ang pagiinom nila si Sheena nga tulog na pati si ate Maloi ang lakas magaya na maginom siya naman pala itong unang wasted.

Gwen: "Akala ko ako ang aalagaan ni Sheena, siya pala ang aalagaan ko." Natatawang sambit na'to pipikit pikit pa nga eh.

Colet: "Iayos mo kaya ng upo? Baka mangawit yan." Tukoy nito kay Sheena.

Mikha: "Ipasok na kaya natin sa loob? Dito nadin kayo magpahinga madami naman room dito."


Gwen: "Uuwi kami bro, baka hanapin ni Tita yan."

Colet: "Duling kana nga eh tas magdadrive kapa? Ipagpaalam mo nalang."

Mikha: "Oo nga bro, saka iuuwi mobang ganyan si Sheena? Lasing na lasing oh?"


Aiah: "Jho come here!" Tawag nito sakin halatang lasing na dahil mapula na mga pisngi nito.

"Ate tama na inom, baka masobrahan ka nyan." Saad ko pero ngumiti lang ito sakin.

Aiah: "Minsan lang to Jho, deserve natin to sa sobrang daming gawain sa school."

Stacey: "True kaya shot pa!" Kumuha ulit ito ng panibagong beer agad ko namang inagaw.

"Tama na, pagewang gewang na nga kayo oh?" Pati yung hawak ni ate Aiah ay kinuha kona din.


Ganito pala talaga pagka lasing, sanay naman ako sa kakulitan ng mga ate kong to pero dodoble pala pagka nakainom.

Colet: "Mukhang naistress kana sa mga kaibigan mo." Saka ito uminom ulit ng Beer.

Jared: "Ssob ayoko na parang lalabas na lahat ng kinain ko." Nanghihinang saad nito mapulang mapula nadin ang mukha, halatang halata pa naman dahil ang puti niya.


Colet: "Himala ang hina mona ata uminom ngayon?"

Jared: "Hindi ah sumama lang tiyan ko, pano mauna nako gusto kona matulog." Saka ito tumayo muntik pa nga matumba nakahawak lang agad sa bangko.

Colet: "Hoy hindi ka makakauwi ng ganyan, sabay na tayo para mapagdrive kita." Hinatak nito si Jared at pilit ibinalik sa upuan.


Lumapit nadin ako sa dalawa at mabilis na kinuha ang alak na hawak ni Colet, baka kase pagka inubos niya pa ito lalo na siyang malasing.



"Wag mona to inumin, ayain mona si Jared sa loob dito na tayo magpapahinga lahat."

Colet: "Sabi ni bossing halika na sa loob." Natawa naman ako sa saad nito, anong bossing na pinagsasabi niya.

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon