KABANATA LXVIII

225 8 2
                                    

Colet' Pov





After ko ipasa ang mga report kay Chief ay bumalik nadin ako agad sa opisina kasama ko dito ang dalawa na parehas hindi pa tapos sa ginagawa nila, naupo ako sa swivel chair at sinandal ang aking likod na gustong gusto na ng masahe kahit na sabihing madalas lang nakaupo ang mga pulis sa opisana ay grabe nakakapagod din ang pag upo tas pindot ng pindot sa keyboard basa ng basa ng report.



Hindi naman sa nagrereklamo ako, medyo lang naman. Ginusto ko to eh kaya bawal tatamad tamad.



Mabuti nga at natapos ko ang ang mga ginagawa ko natambakan kase ako ng trabaho dahil nitong weekend dumalaw kami sa puntod ni Frances kami ng asawa ko, kaya hindi ako gaanong nakapag basa ng report sa bahay dahil kailangan ko din asikasuhin syempre ang misis ko, iba na ngayon nagdodoble ingat na ako doble alaga nadin sakanya dahil kahit 3 months palang siyang buntis medyo malaki na yung tiyan niya every month din kami nagpapacheck up at ang sabi naman ng doctor ay healthy naman ang dalawang baby.



Gulat kayo no? Twins ang pinag bubuntis ng aking misis kaya doble na talaga ang pagiingat ko, naming dalawa. At ang sabi ng doctor ay sa 5 months na pagbubuntis don pa lamang malalaman ang gender ng dalawang baby. Dahil sa sobrang saya ko ng malaman ko nawalan nanaman po ako ng malay, kaya palagi akong pinagtitripan ng mga kaibigan ko sino ba naman kase ang hindi hihimatayin sa tuwa bukod sa ang tagal na naming pangarap ni Jhoanna na magka baby hindi lang isa ang binigay samin ni Lord dalawang napaka gandang blessings ang binigay niya samin.



Nung malaman nga ng mga parents namin nagtatatalon sa tuwa eh, pano pa kaya ako diba?



Jared: "Parang ang lalim naman ng iniisip mo Ssob." Saad niya kaya mabilis akong napatingin sakanya.



Mikha: "Iniisip siguro kung bakit siya nahimatay HAHAHAHAHAHA."



"Nakakainsulto yang tawa mo buds ah." Saad ko habang masamang nakatingin sakanya, siya tuloy padin ang pag tawa.



Pag ito nahimatay magpapakain ako sa tuwa.



Gulat naman ako ng biglang mag ring ang cellphone ko kaya mabilis kong dinampot mula sa lamesa, ang aking asawa tumatawag.




"Hello mahal, bakit po may problema ba?" Agad na sambit ko ng sagutin ko ang tawag.



Nakasimangot na Jhoanna ang nakita sa screen.




BabiLove🤍: "Gusto ko kumain ng mangga." Nakasimangot padin ito.



Mikha: "Ayan na ang tunay na paglilihi." Mahinang bulong niya sapat na para marinig ko.



"Okay mahal, makikisuyo ako kay Tatay Albert para mabilan ka ha? Smile kana."



BabiLove🤍: "Ehhhh gusto ko ikaw ang maghahanap para sakin ikaw din magdadala dito. Bakit kay Mang Albert mo iuutos kanya bang anak to?"


Oo nga naman may point nga naman siya kaya dapat ako ang maghanap, si Nanay Loren at Tatay Albert kase ang kasama ngayon ni Jhoanna sa bahay ni request ko kay Daddy para may makasama sa bahay ang misis ko mahirap kase makahanap ngayon ng kasambahay at driver na mapag kakatiwalaan lalo na at buntis si Jhoanna for sure mababantayan at maaalagaan ni Nanay Loren ang aking asawa pag nasa trabaho ako. Mabuti nalang at merong bagong kasambahay sila Daddy kaya nasamin si Nanay Loren at Tatay Albert.




"Sabi ko nga sakin yang baby na yan, kaya ito oh mahal tatayo nako magpapaalam nako kay Chief." Rinig ko namang humahagikgik ng tawa yung dalawa kaya parehas kong sinamaan ng tingin.




Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon