KABANATA XLII

359 10 3
                                    

Colet' Pov


Kakauwi lang namin ni Jhoanna galing sa Supermarket para mag grocery at bumili nadin kami ng mga lulutuin para mamaya, magpupunta kase si Jared at si Maloi pati nadin si Mikha at Gwen hindi kase pwede ngayon si Sheena dahil nagpunta na itong Baguio dahil bukas na ang exam si Stacey at Aiah ay hindi pwede dahil may trabaho si Lance naman ay nasa business trip bawi nalang daw sila next time.

"Babi wag mo sarapan ang luto baka dito nadin tumira yung apat nayon." Biro ko na kinatawa niya.

Jhoanna: "Baliw ka talaga." Sagot niya inaasikaso yung ulam na lulutuin.

Ako naman ay busy ngayon sa pagprito ng lumpiang shanghai request kase ito ni Madam Maloi daig pa naglilihi diba?


Jhoanna: "Dyan ka sa shanghai tumingin wag sakin, baka masunog yan." Saad niya ng mahuli niya akong nakatitig sakanya.

Sino ba naman kase hindi mapapatitig sakanya? Eh ang ganda ganda niya suot niya pa ngayon yung favorite kong jersey ng Golden State na bagay na bagay sakanya.

Yes po opo, Fan po ako ng Golden State Warriors lalo na ni Stephen Curry.

"Ang ganda mo kase babi eh, kaya ang hirap pigilan ng mata ko na titigan ka."

Jhoanna: "Mamaya mona ko love titigan, magfocus ka dyan sa lumpia pag yan nasunog lagot ka talaga kay ate Maloi."

"Ito na nga babi oh? Patapos na nga eh. Ano pa next na lulutuin?" Tanong ko.

Jhoanna: "Beef broccoli, and then yung request mong sinigang na madaming gulay." Sagot niya kaya napangiti ako, love talaga niya ko lulutuin niya yung sinigang.

Favorite ko kaya yung sinigang kahit tapatan moko ng steak mas papansinin kopa din ang sinigang.

After ko maiprito lahat ng lumpia inasikaso kona ang mga gulay na ilalagay sa sinigang si Jhoanna naman ay niluluto na ang beef broccoli.

"Babi okay napo itong mga gulay, nahugasan kona din."

Jhoanna: "What time na love?"

"6:24 na babi, gusto mo pahinga kana muna saglit tas ligo kana? Ako na bahala dito." Saad ko, 7:30 kase ang usapan namin sa Gc.

Jhoanna: "Are you sure?" Nakangiti akong tumango.

Jhoanna: "Okay love ikaw na bahala ha." Saka ito nagpunta ng kwarto.

"Babi magpahinga na muna bago maligo ah? Baka mapasma ka." Sigaw ko.

Pagka lagay ko ng mga gulay ay bigla namang tumunog ang doorbell.

Nako nandito na ata yung apat wala pa ngang 7pm eh ang aga naman nila hindi kopa tapos lutuin ang sinigang saka dipa ako naliligo.

Mabilis akong naglakad papunta sa pinto at nakangiting binuksan, agad ding nawala ang ngiti ko nang makita ko kung sino ang nandito sa labas si Maxine isa siya sa mga kasamahan ko sa Presinto.

Isa siya sa pinag seselosan ni Jhoanna.

Maxine: "Hi Cole."

"He....hello Maxine, ano ginagawa mo dito?" Saad ko saka ako lumingon ulit sa loob baka kase tapos na si Jhoanna maligo baka makita pa niya si Maxine.

Maxine: "Idinaan kolang itong binili kong Donut para sayo, ito oh." Sabay abot niya sakin.

Hindi ko alam kung kukunin koba o hindi ano naman sasabihin ko kay Jhoanna pagka tinanong niya kung saan to galing?

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon