Jhoanna' Pov
Napahilot na lamang ako ng sintido ng matapos ko ang mga kailangan pirmahan pinakuha kona din kay Chloe para wala ng tambak dito sa table ko.
About sa meeting namin kanina medyo nainis lang ako wala pading pagbabago si Tan eh hindi ko alam kung pumasok ba siya talaga dito sa kompanya para makatulong namin sa darating na projects o mag yayabang lang kaya sumasakit din ang ulo ko ngayon masyado siyang mayabang magsalita akala ba niya siya lang Architect sa mundo?
Isa isa ko ng inayos ang mga papel na naiwan dito sa table ko para makalabas na ng office baka kailangan ko ng sariwang hangin sa labas kaya sumasakit ang ulo ko. Napatigil naman ako sa pagaayos ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Tan, hindi padin pala umaalis to dito?
"Sino ang nagsabi sayo na basta basta ka nalang pumasok dito sa opisina ko?" Agad na sambit ko.
Tan: "Chill, I'm sorry okay? Ayain lang sana kita lumabas ngayon tapos naman na trabaho mo diba?" Nakangiting saad niya.
"Wala akong panahon sayo Tan, kaya pwede ba lumabas kana ng opisina ko?" Inis na sambit ko.
Hindi ko talaga gusto yung presensya niya, kaya ganito ko nalang siya kausapin punong puno kase to ng kayabangan sa katawan lalo na ngayon at naging Architect pa kaya ang taas ng tingin niya sa sarili niya saka baka nakakalimutan niya yung ginawa niya nung College pinagkalat na pinayagan ko siyang manligaw sakin, message nga niya diko siniseen eh.
Tan: "Bakit ba ang sungit mo sakin? Makakasama mona ako palagi dito sa kompanya niyo kailangan natin magkasundo." Na pataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
Anong kailangang magkasundo? Okay lang ba siya?
"So what kung dito kana sa kompanya NAMIN magtatrabaho, saka hindi natin kailangang magkasundo." Irap ko at pinagpatuloy ang pag ayos dito sa table ko.
Sabay naman kaming napatingin sa pinto ng bigla itong magbukas nakangiting pumasok si Colet at agad din naman nawala ang ngiti nito ng makita si Tan.
Tan: "Long time no see Nicolette Vergara, ang matapang na sumuntok sa akin nung college day." Saad nito ng makalapit sa amin si Colet.
Colet: "Anong ginagawa mo dito?"
Tan: "Aayain kolang sana si Jhoanna lumabas, tapos nadin naman trabaho namin."
Colet: "Anong trabaho namin? Dito ka nagtatrabaho?"
"Siya ang kinuha ni Daddy na Architect para sa darating na project." Saad ko kaya napatingin sakin si Colet.
Colet: "Hindi sasama si Jhoanna sayo, kaya umalis kana." Seryosong saad niya.
Tan: "Bakit ba ang hilig mong makialam? Ano kaba ni Jhoanna."
"She's my Girlfriend Tan, kaya please lumabas kana ng opisina ko ngayon na."
Colet: "Labas!"
Matalim ang tingin sakanya ni Tan habang papalabas kaya agad ko ng nilapitan si Colet kilala niyo naman ito maiinitin ang ulo.
Colet: "Kailan pa nagtatrabaho sa kompanya niyo yon? Palagi kabang kinukulit non?" Agad na tanong nito sakin.
"Ngayon lang siya kase ang nakuhang Architect ni Daddy, hindi naman ako pumayag kaya kumalma kana okay?" Hinawakan ko ang kamay nito.
Colet: "Pano kung hindi ako dumating? Baka hindi na kita naabutan dito."
"Love hindi ako papayag na lumabas kasama siya okay? Kahit hindi ka pumunta dito para sunduin ako, hindi ako sakanya sasama." Saad ko habang hawak ang magkabilang pisngi nito.
BINABASA MO ANG
Her Eyes
Fiksi PenggemarNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)