KABANATA LXII

271 12 0
                                    

Colet' Pov





Pabagsak akong humiga sa kama isang buong maghapong nakakapagod na trabaho ang nangyari sakin ngayong araw, at wala manlang akong mayakap para pang patanggal manlang ng pagod.


Mag isa kase ako ngayon dito sa condo si Jhoanna ay kasama ng iba naming kaibigan naisip kase ng magaling na Maloi na kahit 1 week lang wag muna kami magkita hangga't hindi pa nangyayari ang kasal naming dalawa, dalawang beses na akong pumupunta kung nasaan sila pero pinapaalis lang nila ko tiisin ko daw munang hindi makasama si Jhoanna, grabeng pag torture ang ginagawa nila sakin nakakapang hina.



At tatlong buwan nadin ang lumipas simula nung nagka problema kami ni Jhoanna isang buong buwan ko siya niligawan para bumalik kami sa dati mabuti nga at okay na okay na ulit kami kaya masaya na ulit talaga ang puso ko nang magkaayos kami ay napagusapan nadin ang kasal kaya next week na dahil yon ang gusto ng parents namin na kasalan na daw agad para daw magka apo na parang ang dali eh hano?


After ko maligo ay kinuha ko ang cellphone ko, para tawagan si Jhoanna nanghihina ako sa pagka miss sakanya, tatlong ring lang ay agad naman niyang sinagot.

Napangiti agad ako ng makita ko ang mukha niya sa screen.


"Babi, hindi ba talaga tayo pwedeng magkita? Susunduin kita dyan, dito ka nalang matulog." Agad na saad ko nagpacute nadin ako.


Nakita ko naman ang pagsilip ni Maloi at Stacey sa screen.


Maloi: "Hoy Colet tigilan mo muna si Jhoanna, 4 days nalang tiisin mona." Sumimangot ako, 1 day nga lang hirap na hirap nako 4 days pa kaya.


Nakita ko naman ang pag tawa ni Jhoanna, grabe pinagtatawanan ang pangungulila ko sakanya.


Jhoanna: "Love pag nakita ka nila dito papauwiin kadin nila hindi modin ako masusundo."



"Bakit ba kase pumayag tayo sa plano ni Maloi, miss na miss na kita." Saad ko.



Jhoanna: "Love mabilis lang ang araw, after 4 days habang buhay na tayo mag sasama." Nakangiting saad niya, pero di padin ako nakumbinsi sa sinabi niya.


Nawala ang tingin ko sa screen ng biglang tumunog ang doorbell.



"Babi wag mo papatayin check kolang kung sino nag doorbell."



Nang makarating sa pinto ay agad ko itong binuksan si Jared, Gwen at Mikha pati nadin si Lance may mga dalang alak.



Mikha: "Buds mag inom tayo, hindi pwedeng sila lang ang mag enjoy." Agad na bungad niya ng maibukas ko ang pinto.



Jhoanna: "Inom nanaman!" Ayan at narinig na nga niya, nakalimutan kong kausap ko nga pala siya sa phone diko natakpan ang bibig nitong si Mikha.


Kakamot kamot ako ng kilay na humarap sa screen.



Yung apat ay pumasok nadin dito sa loob habang tumatawa narinig din kase nila si Jhoanna.


"Hindi ko alam na pupunta sila dito babi, sige na mag enjoy kana dyan ah? Babye na babi I love you." Ngumuso pa ako sa screen.


Jhoanna: "Basta alak talaga, nanginginig ka. Wag kang mag papakalasing malalagot ka sakin."



"Yes ma'am yes! Nasan i love you more ko?"



Jhoanna: "I love you more, bye na. Wag kang papakalasing ah." Saad niya saka pinatay ang tawag.



Lumapit nadin ako kila Mikha sa kusina na ngayon ay inilalabas ang alak na dala. Diko alam kung buo pa ang atay ng mga to ang dalas ba namang uminom.



Lance: "Mabuti nalang talaga at magkakasama sila, kundi di nanaman tayo makakapag lasing eh." Natawa nalang ako, madalang na kase siya payagan ni Stacey.


"Ikaw ba Gwen alam na nandito ka?" Agad na tanong ko sakanya saka ako umakbay.


Gwen: "Oo naman, halos lumuhod pako mapapayag lang." Lahat kami ay natawa.


Mikha: "Wag mo na kami tanungin ni Jared at pinayagan kami." Sabay abot niya sakin ng bote ng alak.


Jared: "Teka lang kumain kana ba?" Umiling ako.


Lance: "Mamaya kana mag inom, kumain kana muna baka patayin kami ni Jho pagka nalaman na pinainom ka namin ng hindi kumakain." Tatawa tawang saad niya.


Nagluto na lamang ako ng hotdog at sunny side up egg dahil yon lang naman ang madaling mailuluto na stock dito sa ref, lumapit nadin ako sakanila ng maiready kona ang kakainin ko.



Mikha: "Balita ko dinala na ni General Trinidad si Maxine sa ibang bansa ah?"


Jared: "Narinig ko yon kila Dela Cruz nagulat nga ako eh, kaya pala hindi kona siya nakikita sa presinto."


Lance: "Laki ba namang kahihiyan ang ginawa niya, bat nga hindi siya ipatapon don." Natawa nalang ng bahagya silang apat.



Ako ay patuloy lang sa pagkain, ngayon ko lang din narinig ang balitang yon mabuti na din yon para matahimik na ang isip ni Jhoanna kahit naman okay na kami alam kong may pag aalinlangan pa din siya sa isip niya, masyado na siyang madaming ginagawa sa opisina at ayoko na ding madagdagan pa ang mga iniisip niya, simula din nung pangyayaring iyon ay hindi na din talaga ako sumama na mag inom sa mga katrabaho ko kung kaming lima lang ang mag iinom ay don lang ako sumama or di man pag kasama si Jhoanna at ang iba pa naming kaibigan.




Ewan ko ba parang na trauma ata ako sa nangyari nayon grabe na din talaga ang takot ko na mawala sakin si Jhoanna talagang hinding hindi ko talaga yon kakayanin kaya ayoko na talagang bigyan ng iniisip at sakit ng ulo si Jhoanna ngayong malapit nadin ang kasal namin kahit sino namang tao pagka nagmamahal yon lang din talaga ang palaging gusto o hiling na habang buhay makasama yung taong mahal o gusto nila, at yon talaga ang gusto ko gusto kong si Jhoanna ang makasama ko habang buhay.



Medyo corny man ako magsalita, hayaan niyo na may corny naman talaga ng ganitong edad, mas corny pa nga sakin si Jared at Mikha eh sakin medyo lang sila malala.










____________________2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon