Jhoanna' Pov
Kakatapos lang ng laro ko sa Chess mabuti at nasa mood akong maglaro kaya naipanalo last na ang laro ko bukas for Champioship. Papunta na kami ngayon sa Gym nila ate Aiah ate Stacey at ate Maloi manunuod ulit kami ng laro ni Colet pang 3 days na kase ng Intrams ngayon kaya Championship nadin nila at ang kalaban nila ay ang mga Engineering.
Pagdating namin sa gym ay pang Set 2 na at sila Colet ang nanalo nung Set 1 lamang naman ng dalawa ang kalaban ngayong Set 2.
Mabuti at nakahanap pa kami ng mauupuan, maayos kaming makakapanuod ng laban.
Ilang minuto pa ang lumipas ay umabot na sa lima ang lamang ng kalaban, last 3 points nalang sila. Napatingin naman ako kay Colet na halatang pagod na pagod na grabe din pagpawisan ang isang to parang naliligo.
Sir Paul: "Kay Colet niyo ibigay!!!" Sigaw nito.
Nang mapunta sakanila ang bola ay agad sinet ni Mikha kay Colet, sa sobrang bilis ng pangyayari nakita ko nalang na bumagsak ang bola at di nakuha ng kalaban.
Muntik ng mabasag ang eardrums ko sa sobrang lakas ng sigawan pati itong mga kasama ko lalo na si ate Maloi ang lakas ng boses katabi kopa naman.
Sheena: "PANAIN MO SILA ATE COLET, PANAIN MOOOO!!" Sigaw nito ng makapuntos si Colet.
Maloi: "Ang galing ni Colet hano?" Saad nito, napangiti nalang ako at tumango.
Totoo naman na ang galing niya, ang taas pa niyang tumalon.
Natapos ang Set 2 pero hindi na nahabol ng Criminology ang score kaya umabot pa sila ng Set 3. Sinundan ko naman ng tingin si Colet na papalapit kay Sir Paul maya maya lang ay naupo na si Colet agad naman itong nilapitan ni Mikha.
Nagumpisa ang Set 3 hindi muna ipinasok si Colet, dahil hingal na hingal ito at pagod na pagod.
After ng ilang score ay ipinasok na si Colet dahil hanggang 15points nalang ang Set 3 at lamang nanaman ang kalaban ng 4 points. Pagkapasok palang ay pumuntos na agad si Colet napakaakap naman sa tuwa si Mikha.
Ano kaya feeling ng nakaakap kay Colet?
Huyyyyy!! Bat mo iniisip yon Jhoanna?
Maloi: "Tangina buti ipinasok ulit si Colet akala ko matatalo na sila. Buti nahabol pa." Sigaw nito, dahil kung mahina ay diko siya maririnig dahil sa sigawan ng ibang students.
"Ate tama na kakasigaw baka maubusan ka ng boses nyan." Saad ko inilapit kona sa tenga niya para marinig niya.
Maloi: "Isa nalang, isa nalang!!!"
Halos tumahimik ang buong gym dahil sa intense ng laban, 14 ang score ng Criminology at 13 naman ang Engineering.
Nang makapuntos ang Engineering ay nagsigawan nanaman.
Maloi: "Grabe kinakabahan ako, Tie na." Nakahawak pa ito sa dibdib niya kaya natawa nalang ako parang siya yung naglalaro eh.
Isang malakas na sigawan ulit ang dumagundong sa buong gym ng makapuntos sila Colet.
Last one, pagka nakapuntos ay sila na ang panalo.
Tumahimik ulit ang lahat at service ni Colet, pa dribble dribble lang ito ng bola at nung pumito ay
Ano yon?
Hinalikan niya yung bola?
Mabilis na pumunta ang bola sa kalaban, agad namang nakuha pero outside tinakbo pa ito ng isa pero hindi na naabutan.
Kaya isang malakas na sigawan nanaman ang nabuo sa buong gym pati ang mga kasama ko ay nagwawala nadin kakasigaw.
Sheena: "ANG GALING MO ATE COLET!!!!! PANAIN MO SILA!!!!" Sigaw nito, hindi ba mauubusan ng boses ang isang to kanina pa ito sigaw ng sigaw.
_____________________////////
Nandito na kami sa Cafeteria ngayon, si Mikha at Colet ay dumiretsyo sa Cr after ng game.
Stacey: "Grabe ang ganda ng laro sing ganda ko."
Aiah: "In game nanaman siya sa ganda gandahan." Sabat ni ate Aiah.
Stacey: "Beh maganda naman talaga ko, palagi kaya yon sinasabi ni Mommy."
Aiah: "Syempre nanay moyon, sasabihan kaba ng panget non?" Natatawang sagot nito.
"Kayo talaga ang lakas niyo magasaran." Sabat ko sa asaran nila.
Stacey: "Sus sumabat ang inlove kay Colet." Pang aasar nito.
Sheena: "Gusto mo si ate Colet?" Agad na tanong nito, Ayan na nga ba narinig na ng mga kaibigan ni Colet.
Jared: "Sabi kona nga ba eh iba tinginan niyong dalawa ng bestfriend ko eh."
"Wag kayo nagpapaniwala kay ate Stacey, hindi totoo yon."
Aiah: "Jho wag mona itanggi."
Sheena: "Oo nga ate Jhoanna, hindi naman namin sasabihin kay ate Colet."
"Hindi ko nga gusto, ano ba kayo? Wag kayong nagpapaniwala kay ate Aiah at ate Stacey."
Jared: "Weh? Sige nga kung hindi mo gusto tabihan mo nga siya mamaya pagdating?" Gulat naman akong napatingin dito.
Sheena: "Oo nga."
Stacey: "Nako Jho ano? Dika padin aamin?"
Bakit ba sakin nanaman napunta ang usapan? Hindi nanaman ako nito lulubayan.
"Wala akong aaminin ate."
Jared: "Ayan na sila oh? Ssob, Mikha!!" Tawag nito sa dalawa.
Agad namang naglakad yung dalawa papunta sa pwesto namin ng makita kami.
Si Mikha ay tumabi kay ate Aiah at si Colet ay......
Eto katabi ko, dito naupo sa tabi ko.
Sheena: "Kahit pala di tabihan, magtatabi pala."
Maloi: "Ehemmmmm!!!"
Stacey: "Tamis, ang tamis tamis ng juice na'to! Anyways Congrats Colet and Mikha ang gagaling niyo."
Maloi: "Congrats sainyong dalawang Pogi, painom naman kayo." Bati nito sa dalawa.
Sheena: "Panain ba naman nung dalawa bat hindi manalo, gagaling ng manok ko."
Gwen: "Lakas maglaro eh, parehas may inspirasyon eh."
Colet: "Baliw!" Sabat nitong katabi ko agad naman itong natingin sakin.
"Ahhhmmm....Congrats! Ang galing mo, I mean ang galing niyo ni Mikha." Nauutal na bati ko sa katabi ko.
Jared: "Ayan po nagkanda chuloy chuloy na! HAHAHAHAHAHA."
Maloi: "Beh bat parang nabubulol kapa." Nagtawan naman silang lahat pati itong katabi ko ay nakita kong tumatawa din kaya sinamaan ko ito ng tingin.
Mikha: "Ikaw ba naman katabi si Colet, bat dika mabulol. Kaya pala nagpaligo ka ng pabango kay Pres ka pala tatabi." Dumagdag pa nga sa pang aasar itong si Mikha.
Colet: "Manahimik ka hano, paghihiwalayin ko kayo ni Aiah." Sagot nitong katabi ko, agad namang natahimik si Mikha at kunwari pang sinara ang bibig na parang Zipper.
Sheena: "Takot siya eh." Tukoy nito kay Mikha.
Maloi: "Masyado kayong madaldal, kumain na kaya tayo? Jared umorder kana."
Jared: "Hala bat ako? Boss kita? Boss ko kayo?"
Colet: "Halika na tayo na umorder, rereklamo kapa eh dika naman uubra kay Maloi." Tumayo ito at hinatak ang kaibigan niya.
Tinanong pa kami nito isa isa kung ano ang mga gusto namin at sagot na daw nila ni Mikha, kaya si ate Stacey ay tuwang tuwa nanaman dahil makakalibre nanaman sa pagkain.
_____________________2017
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)