KABANATA XXXIII

337 11 0
                                    

Jhoanna' Pov



Saturday ngayon at kakatapos ko lang din maligo inaya kase ako ni Colet na kumain sa labas, kahapon pa niya ako inaaya kaso naunahan siya nila ate Maloi magaya kaya pinag pabukas nalang namin.

Nagpaalam nadin ako kay Mommy at Daddy na aalis ako ngayon at si Colet ang kasama ko agad naman silang pumayag, malakas kapit ni Colet sa parents ko eh.

Lumabas nadin ako ng kwarto para don nalang maghintay sa sala nagchat kase si Colet na papunta na daw siya, everytime na magkikita kami palagi akong nakakaramdam ng excitement kahit palagi naman na kaming nagkikita sa University.


Hindi pa ako nakakatatlong hakbang pababa ng hagdan nakita ko namang paakyat si nanay Loren.


Nanay Loren: "Ayan kana pala anak, nandito na si Nico sa sala hinihintay ka." Ngumiti nalang ako at nagmadali na bumaba papunta ng sala.

"Hi, kanina kapa?" Agad na tanong ko medyo nagulat pa nga ito dahil di ako napansin nakatalikod kase ito.

Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa at saka ngumiti.

Colet: "Ang ganda mo." Saad nito habang nakatitig sa mata ko, ramdam ko nanaman ang pag init ng pisngi ko.

"Wag mo nga akong titigan, let's go na."


Colet: "Bakit ba ayaw na ayaw mong tinititigan? Eh totoo naman na ang ganda mo." Saad nito habang naglalakad kami palabas ng bahay.


"Baka kase kakatitig mo sakin, magsawa ka agad." Bahagya naman itong natawa sa sinabi ko bago ako pagbuksan ng pinto ng sasakyan.


Colet: "Hindi mangyayari yon, hinding hindi ako magsasawa sayo." Sa sinabi nito ay don na ako napangiti at pumasok nadin sa loob ng sasakyan.

Sinundan kopa ng tingin si Colet papunta sa driver seat, tulad ng palagi niyang ginagawa bago magstart ng sasakyan ay humahawak muna ito sa rosary at sabay sign of the cross palagi ko sakanya nakikita yon everytime na magmamaneho siya.


Colet: "Hmmm babi? Saan mo gustong kumain?" Tanong nito ng magumpisa ng magmaneho.

"Saan mo nakuha yung word na babi nayan?"

Colet: "Secret, it's sounds cute kase kaya yon nalang itatawag ko sayo." Nakangiting sagot niya napatango nalang ako cute nga naman yung babi.

It's sounds like baby.


"Korean Resto nalang tayo babi." Napatingin ito sakin at malawak na malawak ang ngiti.

"Why?" Mahikling tanong ko.


Colet: "Tinawag mo kase kong babi, ang sarap lang pakinggan." Nakangiting sagot nito.


"Sa daan na ang tingin at baka mabunggo pa tayo, baka hindi na kita matawag ng babi." Biro ko na kinatawa din niya.

Binalik nadin nito ang tingin sa daan at tahimik na nagmaneho, hindi ko nadin inalis ang mata ko sakanya.


Ang ganda pala talaga niya, yung fluffy niyang pisngi na parang ang sarap palaging pisilin yung mapula niyang labi at ang matangos niyang ilong. Hindi naman talaga ako mapagtitig sa isang tao, si Colet lang talaga yung gusto kong titigan yung parang laging iniscan yung mukha, actually nung una hindi ko naman siya natitigan ng matagal tulad ngayon.



Nung nakakasabay namin silang kumain palagi lang din namang tahimik to, ang dalang ko nga marinig yung boses niya tas yung iba galit pa. Hindi kolang talaga ineexpect na yung transferee na sinamahan kong pumunta sa Office ng Dean ay eto kasama ko at siyang nagliligaw sakin ngayon.


Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon