KABANATA LVI

254 12 0
                                    

Jhoanna' Pov





After ko mag lunch agad na akong bumalik sa desk ko, sa private room kase ako kumain pinag luto kase ako ni Colet ng lunch at dinala niya mismo dito kakaalis niya nga lang din eh hindi muna kase siya pumasok ngayon dahil medyo masama daw ang pakiramdam niya gusto niya sana ay samahan niya ako dito pero di ako pumayag pinagpahinga ko nalang siya sa bahay para maging okay agad pakiramdam niya sa pagod din siguro kaya siya nakakaramdam ng sakit dahil simula ng mag propose siya sakin ay ilang araw na sunod sunod ang operasyon na ginawa nila masyado siyang naging busy sa trabaho kaya nagkasakit na.



Bigla namang tumunog ang company phone kaya agad kong kinuha at sinagot ang tawag si Chloe pala.


Chloe: "Hello ma'am? May magdedeliver daw po, papasukin ko po?" Nagtaka naman ako kase wala naman akong pinapadeliver.


Hindi din naman si Colet yon dahil dinalan na niya ako ng lunch.


"Papasukin mo."


Chloe: "Okay po." Sagot niya mula sa kabilang linya.




Saktong pag baba ko ng phone ay bumukas naman ang pinto at inilabas ang isang lalaki dala dala ang brown envelope nagtaka din ako dahil parang hindi naman delivery boy ang isang to.


BOY: "Ito po ma'am, thankyou po."


Pagka baba niya ng envelope sa desk ay agad nadin itong lumabas.



Hindi ko alam kung bakit parang kinabahan ako parang ayaw kong makita kung ano yung nasa envelope nayon. Wala naman siguro akong nagawang masama para padalan ng demand letter diba?



Ilang minuto kopa itong tinitigan bago damputin, meron kaseng parang bumubulong sa akin na buksan ko na tingnan ko ang nasa loob pero sa kabilang banda ay parang ayaw ko dahil sa kaba.



Wala naman kahit na anong nakasulat sa labas ng envelope kaya binuksan kona ito.



"Pictures?" Bulong ko sa sarili ko.


Nang makita ko ang litrato ay agad akong nanghina napahawak nadin ako sa desk para kumuha ng suporta dahil para akong babagsak dahil sa nakita ko.


Si Colet na mahimbing na mahimbing ang tulog katabi si Maxine na nakayakap pa sakanya halos lahat ng picture ay ganon meron pang naka bra lang si Maxine at nakahalik pa kay Colet, napaupo na lamang ako sa swivel chair madiin nadin ang hawak ko sa mga picture.


Sunod sunod nadin nagbagsakan ang mga luha ko mula sa mata mabigat na mabigat nadin ang dibdib ko ngayon pinaghalong galit at sakit.


Kailan pa ako niloloko ni Colet?



So tama pala talaga ang hinala ko, babae niya pala talaga yung malanding Maxine nayon.


Nagpunas ako ng luha at inayos ang sarili ko nilagay kona din lahat ng pictures sa envelope saka lumabas ng office.




"Do i have a meeting today?" Agad na tanong ko kay Chloe ng makalabas ng office.

Chloe: "Yes ma'am, mamayang 2pm po." Agad na sagot nito.


"Please cancel all my meetings today. I'm not feeling well, try to resched tomorrow."



Hindi kona hinintay ang sagot niya nagmamadali akong naglakad feeling ko ay babagsak na ako ilang minuto nalang ang lilipas.




"Bakit mo nagawa sakin to Colet?" Bulong ko sa sarili ko ng makasakay sa elevator.


Ito nanaman ang luha ko na hindi mapigil tuloy tuloy ang pag bagsak, mabuti nalang at magisa lang ako ngayon dito sa elevator.




Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon