KABANATA XIII

235 9 0
                                    

Jhoanna' Pov


Nandito ako ngayon sa Stage para kunin yung ibang mga tela na naiwan nung may program, hindi na ako nagpatulong kay ate Maloi dahil konti lang naman ito kaya ko namang dalin lahat.

Mikha: "Colet ikaw bayan?" Rinig kong salita, kaya napahinto ako.

Jared: "Ssob kanina kapa namin hinahanap, 9:26 na oh malapit na klase natin."

Mikha: "Why are you crying?"

"Wa...wag muna ngayon ple....please? Dito.....na muna ko, magpunta na kayo sa room." Humihikbi na sagot si Colet.

Anong nangyayari sakanya? Bakit siya umiiyak?

Mikha: "May problema ba? Sabihin mo sakin para gumaan pakiramdam mo."

Jared: "Wag mong sabihin samin na dahil nanaman kay Frances yan Colet? Ang tagal na non pero hindi kapa din umaalis sa sitwasyon nayon." Gulat pa ako ng marinig ko ang pangalan ng kapatid ko, pero si Colet ay hindi ito pinansin tumayo at naglakad habang umiiyak.

Mikha: "Saan ka pupunta?" Tanong pa ni Mikha, ni hindi nila ako napansin na nasa stage lang ako.

Jared: "Colet 3 years na nakakalipas, babalik ka nanaman ba sa ganyang stage?" Parang naiinis na saad ni Jared.

Mikha: "Jared teka nga muna, diko kayo maintindihan." Pati si Mikha ay lito nadin sa pinaguusapan ng dalawa.

Jared: "Patay na yung tao Colet, hindi nayon babalik kahit magmukmok pa tayo ng ilang taon." Napahinto si Colet at don na nilingon si Jared sabay suntok.

Omygod!

Kaya binaba kona muna yung dala kong tela.

Mikha: "Omygod! Colet, calm down!" Pigil ni Mikha sa kaibigan niya.

Colet: "Sa ilang taon nating pagkakaibigan, ngayon kolang hindi nagustuhan yang salitang lumalabas sa bibig mo!" Sigaw nito pagkatapos suntukin si Jared, kakaiba talaga magalit itong isang to.

Parang hindi si Colet ang nakikita ko ngayon, halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Jared.

Jared: "Kahit hindi mo sabihin alam kong si Frances yan, yang iniiyak mo. 3 years na lumilipas kalimutan mona kase hindi na babalik yung tao kahit anong gawin natin. Kalimutan mona yon ang gawin mo hindi yung kinukulong mosa lungkot sarili mo." Litong lito ko sa pinaguusapan nila, si Frances ba na kapatid ko tinutukoy nila?

Kase si Frances oo patay na 3 years ago.

After sabihin ni Jared yon agad nanaman siyang sinuntok ni Colet dahilan para mapaupo ulit siya sa damuhan.

Mikha: "Colet Tama na!" Pigil pa nito kay Colet pero inalis lamang ni Colet ang pagkakahawak sakanya ng kaibigan niya.

Kaya lumapit nako sakanila bago pa lumala ang sagutan at away nila.

"Anong nangyayari dito?" Saad ko dahil hindi na maawat ni Mikha ang dalawa nilingon pa ako ni Colet saka ito naglakad palayo.

Jared: "Colet!"

Mikha: "Colet wait!"

Pero hindi sila pinansin ni Colet patuloy lang ito sa paglalakad.

Mikha: "Colet! Saan ka pupunta?"
Sigaw ng kaibigan niyang si Mikha.

Nakasunod lang yung dalawa kay Colet at paulit ulit na tinatawag pero ni hindi sila nililingon ni Colet, binalikan kona ulit yung tela na binaba ko kanina saka ko nalang siguro sila kakausapin as a President pagka malamig na ulo ni Colet.

Mikha: "Colet!!! Jared humingi ka ng tulong!" Sigaw ni Mikha kaya napalingon ako agad, nakita kong nakabagsak na si Colet.

Binagsak ko ulit yung hawak kong tela at tumakbo sa pwesto nila.

"Anong nangyari?" Tarantang tanong ko.

Mikha: "Bigla nalang siyang bumagsak Pres."

Jared: "Colet naririnig moba kami?"

Mikha: "Jared ano ba humingi ka ng tulong sa Clinic dalian mona."

Imbes na tumakbo papuntang clinic si Jared ay agad niyang binuhat si Colet.

Jared: "Saan ko siya pwedeng dalin Jhoanna?" Tanong nito sakin.

Mikha: "Sa Clinic, doon yon!"

"Sa Clinic! Sasamahan kona kayo." Sabay pa naming sagot ni Mikha.

Nang makarating kami sa clinic ay agad kong binuksan ang pinto para maipasok ni Jared si Colet.

Nurse: "Anong nangyari sakanya?" Tanong agad nito ng maibaba sa bed si Colet.

Jared: "Bigla nalang po siyang bumagsak." Natatarantang sagot nito.

Nurse: "Anong name niya?"

Mikha: "Nicolette po."

Nurse: "Nicolette naririnig moba kami?" Pero walang response si Colet kahit anong galaw ng nurse ay hindi manlang dumilat o gumawa ng galaw. Si Colet.

Nurse: "Hindi na ito pang Clinic, Pres call ambulance may mga number dyan sa Desk!" Tugon pa ng nurse.

Kaya nataranta akong kinapa ang pants ko at kinuha agad ang Cellphone tinype ko agad ang number agad kona din tinawagan.

______________//////


Maloi: "Huy Jho? Ayos kalang ba? Kanina pa kami nagsasalita, may problema ba?" Kinalabit pa ako nito kaya nabalik ako sa wisyo.

Nandito kami ngayon sa Office kasama kosi ate Aiah ate Stacey saka itong si ate Maloi.

Nang kunin ng ambulansya si Colet ay hindi na nawala sa isip ko yung mga usapan nila kanina.

Hindi ko alam kung tama ba iniisip ko, kung tama ba na si Frances na kapatid ko ang tinutukoy nila.

"Sorry ate may iniisip lang, ano bayon?" Agad na sagot ko.

Aiah: "Ano yung nangyari sa kaibigan ni Mikha si Colet?"

Maloi: "Oo nga, diba nandon ka kanina?"

"Yeah, nasa stage ako non kinuha ko yung tela and then naririnig ko silang nagsasagutan." Sagot ko.

Stacey: "Sino si Mikha tas Colet?"

"No, si Colet tas yung bestfriend niyang si Jared."

Maloi: "Hala! Bakit daw?"

Stacey: "Chismosa talaga to eh."

"Ang weird nga eh, yung pinaguusapan nila kanina yon yung iniisip ko."

Aiah: "Bakit anong meron? Baka naman dahil sayo? Baka pinagaagawan ka?"Nagiimbento nanaman itong si ate Aiah.

"Hindi ate, tungkol sa kapatid ko. Hindi ako sure pero narinig ko kase yung sinabi ni Jared na 3 years na daw patay yung tao kaya dapat kalimutan na and then binanggit nila pangalan ng kapatid ko." Mahabang sagot ko.

Stacey: "Diba nabanggit mo sa amin non na may girlfriend si Frances? Hindi moba nakilala yon?"

"No, diba sa apartment ako tumutuloy non matagal na dahil malayo sa bahay itong University siya lang ang kasama nila Daddy at Mommy non sa bahay dahil don lang siya nagaaral sa lugar namin." Mahabang sagot ko.

Aiah: "What if siya nga yon? Baka talagang si Frances yung tinutukoy nila yung kapatid mo." Ayan dinagdagan pa ni ate Aiah iniisip ko.

"Kahit nung lumipat sila Daddy dito sa Taguig kasama si Frances eh diko naman nakikita yon. Kilala niyo naman si Frances hindi naman kami gaanong close dahil hindi naman kami madalas din magkasama."

Maloi: "Pano kung si Colet nga yon? Sasabihin moba sakanya na kapatid ka ni Frances?" Napaisip naman ako bigla sa tanong ni ate Maloi.

"Ewan ko?" Kibit balikat kong sagot.

Need kopa ba sabihin? Hindi din naman kami gaanong close kaya wag nalang siguro.





______2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon