Colet' Pov
Nagising nalang ako sa tunog ng alarm clock, nagalarm kase ako at baka di ako magising ng maaga Monday pa naman ngayon, first day na first day ng pagiging 3rd year college ko, syempre ayokong malate.
Bumangon nako agad para makaligo na, medyo inaantok pa nga ako dahil inabot ako ng 12am kakahanap ng Account nung Jhoanna.
Siya yung babaeng hinahabol ng adik nung Friday ng gabi, hinatid ko siya sakanila nung gabing yon hanggang sa makauwi ay di nawala panginginig at iyak niya masyado siya natrauma.
Kamusta na kaya siya?
FLASHBACK
"Saan pala dito yung bahay niyo?" Tanong ko dito sa kasama ko, hinatid kona din siya para mas safe siya makauwi.
Alam kong hindi padin siya okay dahil nanginginig padin ito tuwing lilingunin ko siya.
Ramdam na ramdam kopa din ang pagkirot ng kamay ko, ramdam kodin yung pagtulo ng dugo. Nagpaka super hero pa kase eh.
Alangan naman hayaan mong may mapahamak na tao diba?
Sabat naman ng sabat tong utak ko.
Jhoanna: "Diretsyo ka lang, yung kulay blue na gate." Sagot niya.
Nagtaka naman ako dahil pamilyar sa akin yung bahay na tinuro niya.
Nang napansin ko yung gate na tinutukoy niya ay huminto na ako at bumaba para pagbuksan siya ng pinto ng sasakyan.
"Ouch!!! Yawa ang sakit!!" Napasigaw ako sa sakit dahil bigla kong naihawak ang kamay kong may sugat.
Napatingin naman sa akin si Jhoanna, agad nakong nagpunta sa tapat niya para pagbuksan siya ng pinto.
Jhoanna: "Pa..pasok kana muna."
"Nako hindi na, kailangan kona din umuwi." Agad na sagot ko dahil kumikirot na talaga ang kamay ko.
Jhoanna: "Gagamutin ko yung kamay mo, halika na." Malumanay na saad nito.
"Okay lang ito, malayo sa bituka. Saka hindi naman siya masakit."
Anong hindi masakit Colet? Kakasabi molang na kumikirot ah?
Piskit!!
Jhoanna: "Hindi ako naniniwala, paanong hindi masakit? Ayan oh tumutulo pa yung dugo." Mabilis kong tinago sa likod ang kamay ko.
Pero wala na akong nagawa ng hatakin niya ako papasok sa loob ng bahay nila, ano paba magagawa ko eh nandito nako kaya nagpahila nalang ako sakanya.
Pag pasok namin sa loob ay sinalubong kami ng di katandaang lalaki, siguro ito ang Papa niya.
Mr. Robles: "Saan ka galing Anak, late na masyado bat ngayon kalang umuwi? Oh may kasama ka pala." Nang magtama ang mata namin ay parehas pa kaming nagulat na nanlaki ang mata.
Papa niya to? Magkapatid sila?
Nasa likod lang ako ni Jhoanna nakatago padin ang kamay kong may sugat sa likod ko pero, shuxs pumapatak yung dugo.
Binitawan ako ni Jhoanna at mabilis na lumapit sa Papa niya sabay akap at doon umiyak. Dahil padin siguro don sa kanina, grabe ata ang naging epekto sakanya.
Mr.Robles: "Anak anong nangyari?" Tanong nito ng maupo sila sa Sofa, ako ay nakatayo padin.
"S...sir? In..inihatid kolang po si Jhoanna, uuwi napo ako." Nahihiyang saad ko.
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)