KABANATA LXXVIII

145 6 0
                                    

Jhoanna' Pov





Habang hinuhukay ang puntod ni Colet kahit kinakabahan ay paulit ulit kong sinasabi sa isip ko na sana ay totoong siya yung nakaharap ko.

Halata sa mukha ng mga naghuhukaybang pagtataka dahil kita na namin ang kabaong pero wala padin kaming kahit anong baho na naamoy.

Dan: "Ma'am? Wala ho ang bangkay."


Agad akong nakaramdam ng panghihina, feeling ko ay bibigay na ang tuhod ko.

Mikha: "Pa...paanong nangyari yon?"

Jared: "Nasaan ang bangkay ni Colet? Imposible naman ang mga nangyayari ngayon sino namang gago ang kukuha ng bangkay niya?"


Halos araw araw akong umiiyak pag dumadalaw dito wala naman pala akong iniiyakan, wala naman pala dito ang katawan ni Colet.

Mikha: "Jho buhay siya, buhay si Colet hindi siya totoong patay. Pero ang tanong ba...bakit hindi ka niya kilala?"

Jared: "Saan kaya natin siya pwedeng makita? Subukan natin siyang kausapin."

"May anak na siya." Mahinang sambit ko.

Jared: "Huh!?"


Mikha: "What!?" Sabay na sambit ng dalawa at parehas ang gulat ng dahil sa sinabi ko.

"Kailangan nating malaman kung sino ang tatay o nanay pa nung bata na sinasabi niyang anak niya."

Mikha: "What if nakaplano lahat ng ito?"

"What do you mean?" Takang tanong ko.

Mikha: "Matagal naming inimbistigahan yung pagkaka aksidente ni Colet pero hanggang ngayon hindi padin namin nakikita yung driver ng Van nayon. At ito pa Jared naalala mo yung Van na humahabol sa atin noon?"

Jared: "Buddy yan yung sinasabi ko sayo noon, kaya nga ayokong baliwalain yung Van nayon kase yung Van na nakabunggo ni Colet yon yung Van na gustong kumuha kay Colet."


Mikha: "Exactly, nagdudugtong dugtong na lahat ng nangyayari."

"Teka nga, bakit hindi ko alam yan?" Sino? Sinong gustong kumuha kay Colet?" Nagkatinginan naman ang dalawa sa tanong ko kaya mas lalo akong nagtaka.

Mikha: "3 days bago maaksidente si Colet may humabol samin na mga armadong lalaki at gusto nila makuha si Colet."

"What? Bakit anong kailangan nila kay Colet?" Tanong ko.


Jared: "Yon ang hindi namin alam, ayaw niya ipasabi sayo ito noon dahil ayaw niyang magalala ka."

"Karapatan ko malaman yon, bakit kayo hindi niyo sinabi sakin?"

Mikha: "Hiniling niya samin na manahimik kami about don, plano sana namin na asikasuhin yon na alamin kung sino ang gustong kumuha sakanya pero nangyari ang aksidente kaya hindi na natuloy." Pagpapaliwanag ni Mikha.


Tuluyan ng bumagsak ang mga luha mula sa mata ko na kanina kopa pilit pinipigilang ilabas, diko alam naghahalo halo ang nararamdaman ko ngayon, ni hindi ko alam na may ganon na palang nangyayari kay Colet wala akong kaalam alam na delikado na pala ang buhay niya.

Bakit itinago niya sakin? Sana diko siya pinalabas ng bahay sana pinagdoble ingat ko siya sana hindi nangyari yung ganon.


Mikha: "Jho tahan na, ang mahalaga si Colet, ang mahalaga buhay siya."

Jared: "Hindi nga tayo sure kung siya talaga yon eh."

Mikha: "Sige kung hindi siya buhay, nasaan yung bangkay na nakita nating inilibing?"

Napaisip naman si Jared sa sinabi ni Mikha.

Mikha: "Kailangan natin siyang makausap, sigurado ako na ang may hawak sakanya ay yung taong nagpapakuha sakanya noon, baka talagang hindi pa patay si Colet nung nasa hospital nakaplano lahat ng ito simula nung sa aksidente pati yung kunwaring pagkamatay ni Colet, siguradong peke lang yon kung sakali ang talagang may hawak sakanya ay yung taong gusto kumuha sakanya noon."

Naguguluhan man ay pilit kong inintindi ang sinabi ni Mikha.

Mikha: "Pinalabas nila sa atin na patay na si Colet para hindi na natin hanapin, pero malas siya lalabas at lalabas ang katotohanan talagang mapapatay ko kung sino man ang nasa likod nito."

Jared: "Halika na Jho ihahatid kana namin sa inyo." Aya nito sa akin nanghihina padin ang mga tuhod ko.

Mikha: "Aalamin natin to Jho, wag kang magalala ibabalik namin sayo si Colet." Dahil sa sinabi niya sa akin na iyon ay agad akong napayakap sakanya.

"Please Mikha, Jared. Ibalik niyo siya sakin, samin." Umiiyak na saad ko.





Pagdating sa bahay ay tinawagan ko sila Daddy at Mommy pati nadin sila Papa at Mama agad din naman silang nagpunta, nung makumpleto ay don kona sakanila sinabi, lahat sila ay hindi makapaniwala sa sinabi ko na may posibilidad na buhay si Colet.

Kahit ako ay hindi padin makapaniwala, isa pa sa nararamdaman ko ngayon ay galit kung totoo ang hinala nila Mikha kahit ako ay mapapatay ko kung sino man yung taong kumuha kay Colet halos gusto ko ng sumunod kay Colet non grabeng stress at sakit ang naramdaman namin tapos nasa kanya lang pala si Colet.


Naghahalong di makapaniwala, galit at sakit dahil hindi niya ako kilala. Kailangan ko siyang makausap kailangan namin siyang makita.

Kung sino ka man babawiin ko sayo si Colet, babawiin ko kung ano ang sa akin.

Ang tagal ko nangulila ang tagal naming nangulila lalo na yung kambal, 3 fucking years buong akala namin wala ng Colet, buong akala namin patay na siya tapos nasayo lang pala, malaman ko lang talaga kung sino ka mapapatay talaga kita ipaparamdam ko talaga sayo yung sakit at stress na nangyari samin ng dahil sa ginawa mo.


Napahawak na lamang ako ng mahigpit sa basong hawak ko dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon.


After ko patuyuin ang aking buhok ay humiga na ako sa tabi ng kambal, parehas kopa itong dahan dahan na hinalikan, agad na pumasok sa isip ko ang mga pwedeng mangyari paano kung makita siya ng kambal eh halata namang wala naaalala si Colet ibig sabihin wala siyang kilala na kahit na sino sa amin kase kung natatandaan at kilala niya ako paniguradong kilala niya din ang kambal, what if magkita sila at tawagin siyang Dada? Anong mararamdaman nung kambal kung itatanggi niya.

Napapikit na lamang ako ng mariin ang daming gumugulo sa utak ko, parang mahihirapan ako matulog ngayon.

Parang kailangan ko ng wine para makatulog, kaya agad akong bumangon para magpunta sa kusina kumuha ako ng baso at wine saka ko dinala sa labas, sobrang dilim na ng langit nakuha ng nagiisang makinang na bituin ang atensyon ko.

Ito yung bituin na palagi kong tinatanaw simula nung mawala sa akin si Colet at hanggang ngayon ay nandito padin siya pero may kakaiba ngayon sobrang kinang at talagang nagiisa lamang siya ngayon sa lawak ng langit nung mga nakaraan na tumatambay ako dito ay may mga kasama siya pero ngayon nagiisa lamang at makinang na makinang.


Nagsalin ako ng wine sa aking baso saka ito mabilis na tinungga.

Pagka ubos ng wine sa baso ay agad na pumasok sa isip ko si Colet, yung pangyayari nung nagkita kami ang bigat sa akin na buhay nga siya pero hindi niya ako kilala, that time gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ang hirap naman kase gawin non kung hindi niya ako kilala nakakahiya naman baka mawirduhan pa siya sa akin kaya mas pinili ko na lamang umalis.










________________________2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon